Chapter 16

100 2 0
                                    

CHAPTER 16

Leave

"Ang pangit ng design na ginawa mo hays, hindi ka talaga marunong." sabi ng kaibigan ko. Ngumiwi ako sakanya.

"Maganda kaya 'yan. Tingnan mo oh! May glitters pa." I said at pinakita sakanya ang daliri ko. Nanliit naman ang mata niya.

"Yan na ang maganda sa'yo? Ang pangit ng taste mo." she said at tumawa pa.

Nag ku-cutix kami ngayon. Nagpapagandahan ng design at ito, nilalait niya ang ginawa ko.

"What the!" sabi ni Mimah at napatingin bigla sa'kin. Tumawa ako.

"Huwag mong gawin yan!" sabi niya. Nilaglagyan ko ng cutix ang braso niya. At nagugulo siya dahil doon. Tumayo ako para lumayo. May balak siyang gantihan ako.

"Ang daya mo talaga, Quennie! Pangit na tuloy ang nail polish ko!" sigaw niya. Tumawa ko at binilatan siya.

"Nye! Nye! Nye!" sabi ko. Nakita ko ang inis sa mukha niya kaya hinabol niya ako.

Ganyan kami noon ni Mimah. Naglalaro minsan sa labas ng bahay. At minsan ay tumutulong sa parlor ni Mama.

There are times that Mimah is my enemy, my sibling, my twinnie and my hero.

"Bakit niyo nilalait ang kaibagan ko? Gusto niyo bugbugin ko kayo?" matapang na wika niya. Inaasar na naman kasi ako ng mga kaklase namin. At ito, ipinagtatanggol niya na naman ako.

"Ang hina hina mo talaga. Lumaban ka kasi. Paano kapag wala na ako. Sino na magtatanggol sa'yo?" sermon niya sa'kin.

Kapag pinagtatangol niya ako, sa huli ay sesermonan na.

"Oo na po." I said at nginitian siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Ngumiti ako sakanya.

Ang kaibigan ko. Ang nag-iisang best friend ko.

"Time of dead. 11:35 pm."

Ay nawala dahil sa'kin.

"Quennie anak, magpahinga ka na. Bukas ay pupunta tayo sa bahay nina Mimah. Inaayos na ang burol niya." Sabi ni Mama.

Wala na akong magawa. Nanghihina na ako. Hindi ko alam kung paano na ako nakauwi. Basta ang alam ko lang. Si Mimah. Iniwan na ako.

Hindi ko makakalimutan ang itsura ni Mimah noong gabing iyon. At ang itsura ni Hans.

Naalala ko. Bago dumating ang mga pulis. Nakaalis si Yvan. Mabilis siyang pumasok sa kotse niya at umalis.

"Ma, si Yvan. Nakatakas siya." Sabi ko. Nandito na ako ngayon sa kwarto. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at ngumiti siya.

"Hinahanap na siya ng mga pulis. Mahuhuli din siya. Kaya magpahinga ka na." sabi ni Mama. Hinalikan ni Mama ang noo ko bago umalis.

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko. Nakatulog ako kagabi dahil sa kakaiyak.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Mama na nag-aayos ng umagahan.

"Kumain ka na. Pupunta tayo kina Mimah." sabi ni Mama. Tumingin ako sakanya.

"Bakit tayo pupunta? Si Mimah ang pupunta dito. Darating 'yun. Hintayin nalang natin siya Ma." sabi ko at umupo na.

"Kapag walang pasok pumupunta siya dito. Kaya hihintayin ko siya." sabi ko pa. Lumapit sa'kin si Mama at niyakap ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak ulit.

Kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin ko. Kahit hintayin ko man ang kaibigan ko. Alam ko. Alam kong hindi siya darating ulit para puntahan ako dito sa bahay, hindi na siya darating para ipagtanggol ulit ako.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon