Chapter 9

120 7 0
                                    

CHAPTER 9

Trap

Quennie's POV

Kinaumagahan ay parang naging normal ang araw ko. Pakiramdam ko ay napakaganda ng mangyayari ngayon. Nag-ayos na ako nang sarili at naghanda para pumasok.

Pagkatapos nang nangayari kagabi ay bigla akong dinapuan ng hiya. Napapikit nalang ako kapag naaalala ko na niyakap ako ni Hans at umiyak ako sa dibdib. Kahiya!

"Aishhh!" sigaw ko sa loob ng cr. Nakakahiya na si Hans ang tumulong sa'kin at siya yung tumulong sa'kin kagabi.

Hinatid niya ako sa bahay noong gabing iyon. Hindi ko sinabi kay Mama kung anong nangyari dahil alam kong mag-aalala lang sya. At ayaw ko ring sabihin kay Mimah dahil siguradong mag wawala iyon.

Naalala ko kagabi ay muntik ko nang makita ang mukha nang lalaking sumunod sa'kin. Pero biglang dumating si Hans kaya hindi natuloy. And I'm so thankful for him. Dahil sobrang takot ako noong gabing iyon. And speaking of thankful, hindi ako nakapag thank you kay Hans dahil sa kakaiyak.

"Bakit nakabusangot ka?" tanong ko kay Mimah, nasa jeep kami ngayon at papunta kami sa school.

"Nag-away kami ni Yvan. Tinulugan niya kasi ako kagabi." Sabi niya habang nakabusangot. Ngumiwi ako sakanya.

"Dahil dun lang? Itext mo nalang siya at mag sorry. I'm sure hindi ka matitiis nun." I said.

"Yah, I should do that." Sabi naman ni Mimah at nagsimula nang magtype sa cellphone niya.

Pagkadating namin sa school ay nagulat ako nang sumunod sa'kin si Mimah.

"Wala na kayong practice?" I asked. Umiling naman siya.

"Wala ngayon, siguro ay next week na ulit. Did I surprised you? I'm so glad I did!" sabi niya at tuwang-tuwa pa. Napailing nalang  ako.

Pagdating namin sa loob ng room ay nagulat ang lahat. Hindi dahil sakin kundi dahil kay Mimah. Ngayon na naman kasi ulit siya makakapasok.

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang medyo maaga pa naman. Nilibot ko rin ang mata ko sa buong room, wala pa si Hans. Nasa tambayan kaya nila?

"Aalis muna ako." Paalam ko kay Mimah at naglakad na paalis.

Hahanapin ko siya at magpapasalamat. Kapag dito kasi sa room ay nakakahiya, maraming makakakita. At baka kung no lng ang isipin nila sa amin.

Pagdating ko sa rooftop ay huminga ako ng malalim. Magpapasalamat lang naman. Bakit ako kinakabahan?

Naglakad ako at iginala ang mata, may tao doon pero hindi si Hans. Lumapit ako sakanya. Nagulat siya sa pagdating ko pero ngumiti din siya sa huli.

"Nakita mo ba si Hans?" tanong ko. Umiling si Prince.

"Wala pa ba sa room?" Sagot ni Prince. Umiling din ako.

Naglakad siya papunta sa bench. Umupo siya doon, tumingin siya sa'kin, tinapik niya ang bakanteng upuan. Ipinapahiwatig na umupo ako sa tabi niya.

Doon ko lang narealize na si Prince ito, my one and only crush. Bigla akong kinabahan habang papalapit, umupo ako sa tabi niya. Calm down heart, it's okay, this is your time to shine.

"Kumusta na kayo ng secret admirer mo?" napatingin ako sakanya. At mas naramdaman ko ang bilis ng tibok nang puso ko dahil nakatingin din siya sa'kin.

"Bakit ang pogi mo?" ngumiti siya sa tanong ko. Nanlaki naman ang mata ko. Bakit ko naitanong 'yun? Napaka tanga TALAGA!

"You're so cute, Quennie." Nagulat ako sa sinabi ni Prince. Nakangiti siya sa'kin, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bigla niyang itinaas ang kanang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. At hindi ako makagalaw ngayon. Pakiramdam ko ay naistatwa ako!!!

"TANG NA! BAKIT MO HINAHAWAN SI QUENNIE!?"

Sabay kaming nagulat sa biglaang sumigaw, napatingin kami sakanya. Nakita ko ang galit sa mata ni Hans. Napaka istorbo talaga.

Lumakad siya palapit samin, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. Itinago niya ako sa likod niya. Ano bang problema niya?

"Relax bro, itinanggal ko lang ang dumi sa mukha niya." sabi ni Prince at nakangiti pa.

"I don't care. Don't you ever touch her again." Matigas na wika ni Hans at hinila ako palayo.

Habang naglalakad ay tiningnan ko siya. Galit ang mukha niya at parang nanggigil na siya.

"Anong problema mo?" tanong ko.

Tumigil siya sa paglalakad at natigil din ako. Tiningnan niya ako ng masama?

"Bakit ka pumunta sa rooftop mag-isa? Paano kung may mangyaring masama sayo?" tanong niya, at halatang may galit sa boses niya. 'Yan ba ang ikinagagalit niya?

"Wala namang nangyaring masama sa'kin! And besides, nandun naman si Prince."

"Fvck! I don't care! Huwag kang pupunta dito kapag hindi ako ang kasama mo!"

Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila niya na ulit ako.

Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak. Tumingin ako kay Hans. Galit ang mukha. And I find it cute. Napailing ako sa inisip ko. Cute? Si Hans? Kailan ko ba siya pinuri?

Habang naglalakad ay maraming estudyante ang nakakakita. Gusto kong alisin ang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya. This is a big issue my goodness!

Pagdating namin sa classroom ay binawi ko na ang kamay ko. Nabitawan niya naman iyon. Umupo ako sa tabi ni Mimah, busy siya sa cellphone niya. Maya-maya ay dumating na ang prof. at nagsimula nang mag lesson.

"Mauna na ako sa'yo ha. Hindi ako makakasabay sayo, magkikita kami ni Yvan." Paalam ni Mimah at mabilis na umalis.

This is the ending. Ako na namang mag-isa. Kakain, and I'm sure. Pag-uusapan ako ng mga estudyante. Im dead meat na.

Pagkadating ko sa canteen ay bumili na ako nang pagkain at naghanap ng bakanteng table. Nang makahanap ay umupo na ako at nagsimulang kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napatigil ako. May biglang umupo sa tabi ko. Napatingin ako sakanya. Seryoso niyang nilagay ang plato na may pagkain  niya sa table. Pagkatapos nun ay nagsimula na siyang kumain.

"Don't look at me. Kumain ka na dyan." Hans said. Napatingin naman ako sa pinggan ko. Bakit siya umupo sa tabi ko?

Kakain na ulit sana ako pero nagulat ako nang may tumabi ulit sa kanang bahagi ko.

Nakita kong umupo si Prince at nagsimula na ring kumain. Tiningnan ko si Hans, galit siyang nakatingin kay Prince. Pero maya-maya ay nagsimula na ulit siyang kumain. Huminga ako ng malalim, ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness?

Pagkatapos kumain ay umalis agad ako. Naglakad ako papunta sa cr para mag-isip. Mukhang may kakaiba sa dalawang magkaibigan ngayon.

Pagkapasok ko sa cr ay tumingin muna ako sa salamin at inayos ang sarili. Natawa ako sarili ko. As if naman may magbabago sa itsura ko.

Napatingin ako sa pinto nang may biglang pumasok. At kinabahan agad ako nang makita kung sino iyon.

"Hi Quennie." bati sa'kin ni Venus. Kita ko ang inis sa mukha niya kahit nakangiti siya. Maya-maya ay may pumasok na mga babae , mga kaibigan ni Venus. I'm trapped.

This is it. I'm dead.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon