Chapter 22

114 5 0
                                    

CHAPTER 22

Call

Naramdaman ko na parang may nakayakap sa'kin. Iminulat ko ang mata ko at nakita ang gwapong mukha ni Hans.

I can't believe it. Ginagawa ba talaga namin iyon?

Ilang minuto ko ring tiningnan ang natutulog na si Hans bago alisin ang braso niyang nakayakap sa baywang ko. Dahan-dahan kong inaangat iyon para hindi siya magising. Nang maialis na ay  napagdesisyunan kong hanapin ang salamin ko. Nakita ko iyon sa table katabi ng kama.

Sinuot ko ang mga damit ko. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Pinilit kong maglakad kahit na medyo masakit ang gitnang bahagi ko. Napapikit ako ng maalala ang lahat. Hindi ako makapaniwala na ginawa namin iyon.

Lumabas ako sa bahay at nakita kong madilim na. Nagulat ako nang mapansin na mayroong kotseng nakaparada.

Naglakad ako papalapit at nanlaki ang mata ko noong makita kung sino ang bumaba.

"Prince." wika ko. Nagulat siya ng makita ako. Ngunit kalaunan ay ngumiti din siya.

"I'm glad you're here." wika niya at lumapit sa'kin.

"Nasaan si Hans?" Nanlamig ako ng marinig ang pangalan niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko!!

"Prince, saan to?" narinig kong tanong ng isang lalaki sa likod.

Tumalikod si Prince para tingnan. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Sam?" tanong ko dahil hindi ako sigurado.

"Quennie, nandyan ka pala." Wika niya. Doon ko lang nasigurado na siya nga.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Naglakad si Sam na bitbit ang isang maleta.

"Magbabakasyon." sagot ni Prince. Naguluhan naman ako.

"Dito? Magbabakasyon?" I asked. Ngumiti sila.

"Yup. Sasamahan namin si Hans. I'm sure namimimiss niya na ako." nakangiting wika ni Prince.

"Quennie?" hindi ako makagalaw ng marinig iyon.

"Aalis na ako." paalam ko sakanila at umalis na.

Gising na si Hans. Ayaw kong makita niya ako. At bibigyan ko muna sila ng oras ng mga kaibigan niya.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Tita. Nabigla siya sa pagdating ko.

"Magpapahinga na po ko." sabi ko. Tumango lang siya.

Dali-dali akong umakyat at nagkulong sa kwarto. Paano kapag nabuntis ako? I'm just eighteen years old. Kaya ko ba?

Kinaumagahan ay naramdaman ko ang sakit ng katawan. Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Umaga na.

"Quennie, gising ka na ba?" tanong ni Mama sa labas. Ni-lock ko ang pinto kagabi. Hindi rin ko kumain kaya nakakaramdam na ako ng gutom.

Babangon na sana ako ng magsalita ulit si Mama. "Bumangon ka na dyan. May mga tao sa baba. Hinaharap ka!"

Dahil sa sinabi ni Mama ay hindi pa ako bumangon. Baka kung sino ang nasa baba. Ayaw ko siyang makita. Pumikit muna ako at natulog.

Tanghalian na ako nagising. Bumangon na ako at naligo. Pagkababa ay wala akong taong nakita. Umuwi na ang mga taong naghahanap sa'kin.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain. Kumuha ako ng pinggan at nilagyan ng pagkain. Umupo ako at tahimik na kumain.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto at nagpahinga. Nakakatawa. Kakagising lang pahinga ulit.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon