Chapter 12

114 4 0
                                    

CHAPTER 12

True feelings

Sa mga sumunod na araw ay patuloy parin ang practice namin tuwing hapon. Noong una ay nahihiya pa ako na makasayaw si Prince pero kalaunan ay nasanay na ako at inenjoy nalang ang mga panahon na kasayaw siya.

Si Hans? Nasa kaliwang bahagi siya nakapila. At hanggang tingin nalang siya. Noong nahuli kami ay pinalipat kami ng pwesto ng nagtuturo samin. Nandito kami sa unahan kaya hindi na ulit nakalapit pa si Hans.

"Anong plano mo sa birthday mo?" tanong ni Mimah sa'kin. Nandito kami ngayon sa canteen.

"I don't know. I'm okay to a simple celebration." I said. Mag i-eighteenth birthday na kasi ako sa susunod na buwan. And I don't have a plan to have a wonderful celebration.

"Minsan lang tayo mag debut kaya dapat ay bongga!" suhistyon naman ni Mimah.

"I will tell Tita na dapat bongga. I will help her." sabi niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't you ever try, Jemimah." banta ko sakanya, pero nginitian niya lang ako. Tinarayan ko siya.

Napatingin kami ni Jemimah sa biglaang dumating at umupo sila sa harap namin.

"Bakit kayo nandito? Marami pang bakanteng upuan. Chupii!" Pagtataboy ni Mimah sa dalawang lalaki, si Hans and Prince.

Hindi nila pinansin ang sinabi ni Mimah at nagsimula na silang kumain. Hindi ako makapaniwala sa dalawang ito! Nagpahinga nalang ako.

Napatingin ako sa mga babaing kapapasok lang sa canteen. Ginala ni Venus ang mata niya at natigil iyon sa banda namin. Sinamaan niya ako nang tingin ng makita niya ako.

Hinawakan ni Mimah ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti siya sa'kin.

"Alam niyo boys," panimula ni Mimah. Napatingin naman sakanya sina Hans at Prince na katatapos lang sa pagkain.

"Quennie will be endangered again kapag palagi kayong nakadikit sakanya."

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Hans.

Tiningnan ko nang masama si Mimah para pigilan siya sa sasabihin niya. Umiling naman siya sa'kin

"Si Quennie ay binully nina Venus noong isang linggo." Hinawakan ng mahigpit ni Mimah ang kamay ko. Sa ginawa niya parang nanghina ako.

"What?" tanong ni Prince. Halatang nagulat siya sa narinig. Tiningnan ko naman si Hans. Halatang galit ang mukha niya, nagtiim bagang siya.

"Sinampal, pinunit ang blouse niya and they take a picture of her. That's why I'm asking you, please leave her alone." sabi ni Mimah.

Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Hans at naglakad siya paalis. Sinundan ko siya ng tingin, at napatayo ako noong tumigil siya sa table nina Venus. Anong gagawin niya?

Mabilis akong naglakad papunta kay Hans.

"What? Nagsisinungaling lang yan si Quennie. She's a freak a wore and slut. Why would you believe her?" Narinig kong tanong ni Venus kay Hans nang makalapit ako sakanya.

"What did you say?" galit na tanong ni Hans. Lalapitan ko sana si Hans pero hinawakan ni Mimah ang braso ko para pigilan ako.

"What the fvck did you say to her?" ulit ni Hans. Naglakad siya papalapit kay Venus umatras naman si Venus.

Nakita kong hinawakan ni Hans ang mesa nila at walang kahirap-hirap na pinataob ito.

"Sh't!" Ang tanging nasabi ko. Ang ibang estudyanteng nakakita ay napatili dahil sa ginawa ni Hans.

Nakita kong pumunta si Prince kay Hans para pigilan ito.

"Don't try to talk to her like that. Kapag ginawa mo pa iyon ay baka makalimutan kong babae ka." sabi ni Hans. Hinila niya ang braso niya na hawak ni Prince at pagkatapos ay humarap sa'kin.

Tiningnan niya  ako. Nakita ko sa mata niya ang galit at lungkot. Naglakad siya papunta saakin. Akala ko ay hahawakan niya ang braso ko, pero nakaramdam ako ng panghihinayang noong nilagpasan niya lang ako.

Pagkatapos nang nangyaring iyon ay bumalik sa dati ang lahat. Bumalik kami sa classroom at nakinig sa lesson ng mga proof.

Gusto ko sanang lapitan at kausapin si Hans pero galit parin siya kaya hinayaan ko nalang muna. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang naging reaksyon niya. Ayaw kong mag over think.

Nang maghapon ay bumaba na ulit kami sa court para mag practice. Ilang araw nalang ay prom night na kaya medyo hindi na kami nahirapan pa.

Nang matapos ang practice ay pumunta muna ako sa locker para kumuha ng extra shirt. Nang makarating ako ay naramdaman ko na naman na may nakatingin sa'kin. Kinabahan na ako. Naglakad na ako ng mabilis. Pagdating ko sa locker ko ay binuksan ko agad iyon at kumuha ng damit.

"Quennie." nagulat ako sa biglang tumawag sa pangalan ko. Hinarap ko siya kita sa mata niya ang takot at pag-aalala.

"Samuel, why are here?" tanong ko sakanya. Imbis na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinila paalis sa locker room. Nabitawan ko ang damit na kinuha ko dahil sa ginawa niya.

"Saan mo'ko dadalhin? Saan tayo pupunta?" tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot. Halatang nagmamadali siya.

Nakita kong malapit na kami sa likod ng school. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba.

"Samuel, bakit ka ba nagkakaganito?" tanong ko sakanya, pilit kong binabawi ang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya. Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako.

"I need to tell you something." seryoso niyang wika.

Maglalakad na ulit sana kami pero nagulat ako nang may biglang humila sa'kin at sinuntok niya si Samuel.

"The hell! Ano bang problema mo!?" sigaw ko kay Hans. Humarap siya sa'kin.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ginawa mo!" Sigaw ko at lumapit kay Sam at tinulungan siyang tumayo. Hinila naman agad ako ni Hans palayo kay Sam. Naglakad kami palayo.

"Let me go, jerk!" sigaw ko at hinila ang braso ko na hawak niya. Nabitawan niya naman  agad iyon.

"What's your problem, Hans? Bakit bigla ka nalang sumusulpot at nanununtok? Are you crazy!" I said. Huminga naman ng malalim si Hans at umiling. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Quennie, I just want to protect you." natawa ako sa sinabi ni Hans. Nakita Kong seryoso ang mukha niya.

"Protect me from what? Walang nangyaring masama sakin. And besides, I don't want you to protect me. I don't need your help." I said. Umiling naman si Hans.

"No, don't say that baby." sabi ni Hans. Naglakad siya papalapit sa'kin at umatras naman ako.

"I want to protect you kahit hindi mo hingin. Ibibigay ko sa'yo ng buo, Quennie." sabi niya nakikita kong nahihirapan siya.

"Bakit mo ba ito ginagawa, Hans? This is driving me crazy. Hindi kita naiintindihan." I said.

"Ikaw, Quennie. Bakit mo ba ginawaga sa'kin 'to? Bakit ayaw mong protektahan kita?" nagulat ako sa biglaang tanong niya. Tiningnan ko siya ng mabuti, ganoon din ng ginawa niya.

"Because I don't like you, Hans. At kailan man hindi kita magugustuhan." nakita kong biglang nag-iba ang ekspresyon ni Hans. Para siyang nanghina sa narinig niya.

"That's not true. Bawiin mo ang sinabi mo, Quennie." sabi ni Hans. Kita sa mukha niya ang pagsusumamo.

"I don't like you, Hans. So just please, leave me alone!" sabi ko. Umiling siya. Nainis ako sa ginawa niyang pag-iling.

"Please, Hans. Huwag mo na akong pahirapan pa. Bakit ka ba ganyan!" sigaw ko dahil sa inis.

"Because I like you, baby! No! I love you, Quennie! I really do! So please, love me back. I'll do everything you want. But please, huwag mo akong ipagtabuyan."

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon