Chapter 8

114 7 0
                                    

CHAPTER 8

Someone's POV

Unang beses ko palang na kita sakanya, nakaramdam agad ako nang kakaibang kaba. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag nakikita siya. Kapag nakikita siyang maykasamang ibang lalaki, kapag binubully siya. I hate it when I saw her smiling specially when I'm not the reason of it.

Hindi ko siya naging kaklase noong grade 11, and so many boys around her at naiinggit ako kapag nginingitian niya ito.

When I saw her first smile with her friend, I realize that this feeling is not normal. Tang ina. Ang isang kagaya ko? Magkakagusto sa isang nerd na katulad niya? Ang imposible.

"May secret admirer si Quennie. Ayieee!"
naririnig kong asar sakanya nang mga estudyante. Nainis ako.

Nakita ko siyang naglalakad sa corridor kaya binagga ko siya. Tiningnan niya lang ako ng masama. Ganyan nga, ako lang dapat ang tingnan mo.

Simula noong naging magkaklase kami, lagi ko siyang inaasar at iniinis. She's cute when I saw her face get angry. Nakakabaduy mang tingnan pero 'yan lang ang kaya kong gawin para mapansin niya ako.

Isang araw habang naglalakad ay may nakita akong isang lalaki, sinundan ko siya at nakita kong pumunta siya sa locker. At may nakita akong hinulog niyang letter sa locker ni Quennie.

Siya ba ang secret admirer niya?

Noong nalaman kong may secret admirer siya ay nagalit ako nainis sa sarili ko. Paano kapag nagustuhan niya iyon? I can't let that happen. I will find who is that fvcking man.

"What's that?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Letter. May binigay na naman ang secret admirer niya." He said. Tiningnan ko ang desk ni Quennie and I saw a rose there. Kinuha ko ang letter sa kamay niya at binasa niya ko 'yun.

'Sana ay nagustuhan mo ang bulaklak. Let's meet later, break time. Sa rooftop.'

-Your A.

Nainis agad ako sa nabasa ko. Ibinalik ko ang letter at umalis. Nakasalubong ko si Quennie pero hindi ko na siya pinansin dahil sa inis sa lalaking 'yun.

Pumunta ako sa rooftop at hinintay ang admirer niya, ni hindi na nga ako nakabalik sa room para lang makita ang lalaking ito. I need to see him first. Let's see if he's handsome than me.

Ilang saglit na pag-aantay ay may biglang dumating na lalaki. Tiningnan ko agad siya ng masama. Nagulat siya noong makita niya ako. Lumapit ako sakanya.

"So, you're the secret admirer huh." I said kita ang gulat sa mukha niya.

"What are you talking about?" ngumisi ako dahil sa sinabi niya. This bastard.

"I saw you, putting a letters to her locker. Don't deny it." I said. Nakita ko ang inis at galit sa mata niya. Ngumiti ako.

"Paano kapag nalaman niyang ikaw ang secret admirer niya? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya?" nakita kong kumuyom ang kamao niya.

"Damn you! Quennie is mine. She. Will. Be. Mine." he said.

Uminit ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sapakin, suntukin at lumpuhin. Mabuti nalang at pinigilan ko ang sarili ko.

"Kilala mo ang secret admirer ni Quennie, right?" Hindi ko kumibo sa tanong ng kaibigan ko. Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang lukong 'yun. Patuloy parin siya sa pagbibigay ng letters at bulaklak. At noong isang araw lang ay nakita kong nag titext na siya.

Pinipigilan ko lahat ng pagkikita nila. This secret admirer of her is possess. I need to protect her.

"Bakit maraming notebook dyan sa locker mo?" tanong ko noong kinuha ko sakanya ang notebook ko.

Ayaw ko naman talagang magpagawa ng assignment, 'yun lang talaga ang naiisip kong paraan para mapansin niya.

"Nagpagawa rin ang ibang kaklase natin. At kasalanan mo 'yun. Pasimuno ka kasi." Sabi niya.

Kinuha ko ang mga notebook at naglakad na papunta sa room. Pagdating doon ay itinapon ko isa-isa ang mga notebook.

"Huwag na ulit kayo magpapagawa ng assignment kay Quennie, kapag naulit pa ito ay malilintikan kayo sa'kin!!" sigaw ko.

Naglakad na ulit ako palabas ng room.

"Bakit hindi ka nalang umamin na gusto mo siya?" napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"I don't like her." I said.

"Tsk. Torpe. If you don't like her, then I will court her instead." nainis ko sa sinabi niya. He knows that Quennie has feelings for her and I hate it. The heck. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Subukan mo. I will kill you." 

Nandito ako ngayon sa kotse ko at nakatitig lang ako sa cellphone ko at sa number niya. Nakuha ko ito dahil ipinamigay ng kaibigan niya. Sinabihan ko ang mga lalaking nakatanggap ng number niya na huwag itext at pinagbantaan sila.

"Tatawagan ko ba?" tanong ko sa sarili ko. May nararamdaman kasi akong kakaiba. Parang kinakabahan ako na hindi ko alam. Nakakabading na ata ito.

Huminga ako ng malalim bago ko pinidot ang number at tinawagan. Habang nag ri-ring ay kinakaban at nanlalamig ako. This is crazy. Bakit ba hindi ako gusto ni Quennie? The nerve of that girl.

Mas lalo akong kinabahan nang sinagot niya ng tawag. Tangna. Anong sasabihin ko?

"Hello? Please help me. May humahabol sa'kin."

Parang uminit ang dugo ko sa narinig ko. Binaba ko ang tawag at agad pinaharurut ang kotse. Shit! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanya. The fvck. This is driving me crazy.

Sa sobrang bilis ng patakbo ko sa kotse ay nakarating agad ako sa tapat ng bahay nila. Yes, man. I know where she leaves, that's what an inlove persons do. To search and I'm here to rescue her.

Mabilis akong pumasok sa bahay nila. Nakita kong nagulat ang isang babae sa pagpasok ko.

"Where's Quennie?" I asked, naguluhan namn siya.

"Inutusan ko lang sa kabilang kanto. Bakit? Kaibigan ka ba niya?" Hindi ko na siya sinagot at tumakbo niya.

Hindi ko alam kung saang kanto pero tumakbo nalang ako at hinanap siya. Tinatawagan ko number niya pero hindi siya sumasagot. Kinakabahan na ako.

Lumiko ako sa kaliwang bahagi pero wala akong nakita. Bumalik ako at pumunta sa kanan. Inilibot ko ang paningin ko. Napatigil ako sa nakita ko. Sa hindi kalayuan ay may nakikita akong lalaking nakatayo. And I know him. That's the fvcking secret  admirer.

Naglakad ako papunta doon. Kinuyom ko ang kamao ko nang makitang naglakad siya papalapit  kay Quennie. Kumulo agad ang dugo ko.

Noong malapit na siya kay Quennie ay  hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya saakin. Nagulat siya sa ginawa ko. Dahil sa galit ko ay sinuntok ko siya sa mukha. Napahiga siya dahil sa ginawa ko.

"Don't you ever touch her." I said at sinikmuraan siya. Napadaing siya dahil sa ginagawa ko.

"Leave her alone!" Sigaw ko at sinuntok ulit siya.

"Hans." susuntukin ko pa sana ulit siya pero narinig ko ang pagtawag ni Quennie sa pangalan ko. Humarap ako sakanya.

Naramdaman kong tumayo na ang lalaki at tumakbo. Hinayaan ko na siya at tiningnang mabuti si Quennie. Lumapit ako sakanya.

"Are you okay?" tanong ko. Kita ang takot sa mukha niya. Hinawakan ko ang balikat niya at hinila siya palapit sa'kin. Narinig ko ang hikbi niya. Hinayaan ko siyang umiyak sa dibdib ko.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon