Chapter 2

154 8 0
                                    

Chapter 2

Crazy

"What? Are you sure?" tanong ni Jemimah. she's my friend at nandito kami sa bahay namin. Kiniwento ko sakanya ang nangyari sa buong maghapon ko at iyan ang naging reaksyon niya.

"Wala ka namang ebidensya na siya nga. Kaya huwag kang mag-assume." sabi niya at kinain ang bananacue na ibinigay ni Mama. Nandito kami sa sala at nanonood ng TV. Magkapitbahay lang kami kaya nandito na siya agad pag uwi ko.

"But I saw him, sa harap ng locker ko. Ano naman ang ginagawa niya doon." Noong nakita ko si Hans ay umalis agad ako dahil sa kaba. Paano kung siya nga? Maraming magagalit sa'kin. At isusumpa nila ako.

"Alam kong assuming ka Quennie. Paano nalang kapag nalaman ng lahat na ganyan ang iniisip mo? Mas lalo kang pag titripan." sabi niya pagtapos uminom ng tubig. Huminga nalang ako ng malalim.

"Anong pinag-uusapan niyo?" biglang tanong ni Mama kaya napaayos ako ng upo.

"Ito po kasing si Quennie, pinagkakamalang secret admirer niya si Hans." pinandilatan ko ng mata si Mima (Mayma) pasalamat siyang malayo siya sa'kin kung hindi ay nasapak ko na siya sa kadaldalan niya.

"What? You have a secret admirer my Queen? And who's Hans?" tanong ni Mama. Hindi niya alam na may nagpapadala sa'kin ng mga sulat kaya humanda talaga itong si Mima. Magsasalita na sana si Mima pero inunahan ko siya.

"Ma, wala 'yun. Wag mo ng isipin. Nagligpit ka na ba sa parlor?" tanong ko sakanya at napaisip naman si Mama.

"Ay oo nga pala." sabi niya at umalis na. Tiningnan ko ng masama si Mima. Nag peace sign naman siya.

Mayroon kaming parlor sa first floor ng bahay. At iyon ang negosyo ni Mama since kami nalang dalawa. Wala na si Papa. Nangibang bahay na.

"Umuwi ka na nga, bukas pumasok ka na ha." sabi ko at hinila na si Mimah pababa. Hindi siya nakapasok kanina dahil nalate siyang gumising. Hindi ko na siya inantay dahil malilate na rin ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay naligo at humiga na ako. Habang nakahiga ay iniisip ko kung paano ko papakitunguhan si Hans bukas. I mean, hindi naman kami close. Pero paano kung sya nga? Ang haba naman ng hair ko kung siya. Sana ay nag aassume lang ako.

Kinaumagahan ay maagang dumating si Mimah, ngumiti siya sa'kin at kumaway. Mabuti naman ay papasok na siya. Pumara kami ng jeep papunta sa school. We are grade 12 and 17 yrs old sa isang private school. Pagdating sa school ay pinagtitinginan agad kami ng estudyante. Hindi dahil sa sikat akong nerd ay dahil din sa kasama ko. Si Jemimah ay kasali sa cheer dance at sikat siya. Hindi tulad ko ay sikat siya dahil maganda siya sexy at pang beauty queen ang tangkal. Hindi ko nga alam kung bakit naging magkaibigan kami e.

"Mimah! Can you be mine?" narinig kong sigaw ng isang lalaki. Ngumiti si Mimah at umiling , sanay siya sa ganitong atensyon, minsan ay gusto ko nalang lumayo sakanya para hindi madumihan ang image niya.

"Oh, paano ba yan. Dating gawi." Sabi ni Mimah at naghiwalay na kami. Diretso siya sa court dahil may practice pa siya. Ako naman ay dumiretso sa class room.

Papasok na sana ako sa pinto pero napatigil ako ng makasalubong si Hans. Bigla akong kinabahan.

"What are you looking at?" bigla akong natauhan nang magsalita siya. Seryoso ang mukha niya at mukhang badtrip siya.

"W-wala." sabi ko at gumilid para bigyan siya ng daan. Naglakad siya at umalis na. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko agad na mayroong isang bulaklak sa desk ko.

"Yieeeehh!" Tilian nang mga estudyante ng makita ako.

"May pa-bulaklak na. Dati ay letters lang." sabi ng isa kong kaklase. He's right, dati ay letters lang. Ngayon ay bulaklak na. Umupo ako sa upuan, hinawakan ko ang isang red rose. I hate flowers. Malalanta lang naman ito. Itatapon ko nalang mamaya. Napatingin ako sa desk ko at wala na doon ang sulat kahapon. Sino kaya ang nagbura?

"Here." napatingin ako sa biglang nagsalita. Nag slow motion ang paningin ko ng makita ang gwapong mukha ni Prince. Napangiti ako. Tiningnan ko ang isang papel sa kamay niya.

"Kasama ito ng bulaklak. Kinuha ko dahil baka pag tripan ng iba."

"Pinag titripan naman ako, pero bakit hindi mo ako kinukuha?"

"What?"

"What!?" natauhan ako. Tae talaga, kapag siya ang kausap ko ay nawawala ako sa sarili? Kinuha ko ang letter sa kamay niya. Nakita kong nanginginig ang kamay ko. The hell talaga. Relax lang Quennie, your Prince is right in front of you.

"T-thaks." sabi ko. Ngumiti siya sa'kin at tumango. Huminga ako ng nakaupo na siya sa upuan niya. Binasa ko ang letter.

'Sana ay nagustuhan mo ang bulaklak. Let's meet later, break time. Sa rooftop.'

-Your A.

Napaisip ako. Ito na ba 'yun? Magpapakilala na siya? The long wait is over!

Kaya naman ay nung dumating na ang proof ay ginanahan ako. Excited akong makilala ang nagpapadala sa'kin ng mag ito. Pagsasabihan ko siya na huwag niya nang gawin ito. At mag ti-thank you dahil sa paghanga niya sa'kin.

Noong nagpaalam na ang proof ay lumabas na agad ako.

"Saan ka pupunta? Di ba sabay tayo!? Hoyy!" narinig kong sigaw ni Mimah pero hindi ko na siya pinansin . Mamaya na ako magpapaliwanag sakanya.

Pagdating ko sa rooftop ay inayos ko ang salamin ko. Humihingal din ako dahil sa pag-akyat ko dito. Pagdating ko sa rooftop ay wala pang tao. Umupo muna ako sa gilid. Nag antay ako ng ilang minuto pero walang dumadating. Maaga ba ako? Tumayo ako at tiningnan ang paligid. Walang tao. Aalis na lang ako. Sinayang ko lang ang oras ko. Baka naman wala talaga akong admirer. Pinag titripan niya rin ata ako.

Naglakad na ako paalis ng makasalubong ko si Hans, ang kamay niya ay nasa bulsa at magulo ang buhok niya.

"What are you doing here?" tanong niya. Napaisip naman ako. Sasabihin ko ba?

Noong hindi ako sumagot ay nilagpasan niya ako. Bigla akong may naisip. Naalala ko ang nangyari kahapon.

"Hans." Tawag ko sakanya at tumigil naman siya, lumingon siya sa'kin.

"Ikaw ba ang secret admirer ko?" Until unting nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang napuno ng tawa niya ang rooftop.

"What the fvck! Hahaha are you crazy?" sabi niya at tumatawa pa. Napahawak na siya sa tyan niya dahil sa tawa.

"Me? Hans the handsome ay secret admirer mo? Dream on, ugly Queen." Sabi niya nang maka move on sa tawa. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Nag assume nga ako. Wala naman ata talaga akong admirer.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang makita ko si Prince. Nakatingin siya ng seryoso sa'kin. Narinig niya ba ang tinanong ko kay Hans? Nakakahiya kung oo. Bakit ko nga ba napagkamalan na ang isang Hans Miguel Silva ay magkakagusto sa isang tulad ko?

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon