Chapter 20

120 4 0
                                    

CHAPTER 20

Understand

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Hans. Naglakad siya papalapit sa'kin at umatras naman ako. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Kumukuha ng mangga." Simple niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I know Hans. What I mean is-"

"Alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong? Pwede bang pahiram ng kutsilyo babalatan ko lang 'to?" sabi niya. Pinutol ang sasabihin ko. Nginitian niya ako at ipinakita niya sa'kin ang manggang hawak niya. Seryoso ba siya?

"Napakagwapo ko ba talaga para titigan mo ako ng ganyan?" umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Natitigan ko na pala siya ng matagal. Nakakahiya!

"Oh Hans. Mabuti nalang at nandyan ka pa." napatingin kami pareho kay tita na kakalabas lang ng bahay.

"Dito ka na maghapunan. Sigurado akong marami ka pang aayusin sa bahay mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita. Hindi pwede!

"That sounds good. Sige po." sabi naman ni Hans at masayang pumasok sa loob ng bahay kasama si Tita. Naiwan naman akong nakatulala. Ano na naman bang plano ng lalaking 'yun?

Pagkapasok ko sa bahay ay pumunta ako sa kusina. Naabutan ko si Hans na nagbabalat na ng mangga. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"Akala ko ba gusto mo ng pizza Quennie." muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Tita.

"Hindi po. Busog na ako." pagsisinungaling ko. Nararamdama kong kumukulo ang tyan ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko. Nakita ko si Hans na kinakain na ang mangga. Mas lalo akong natakam. Tumalikod nalang ako.

"Ikaw lang ba mag-isa sa bahay hijo?" tanong ni Tita. Tiningnan ko kung paano siya magluto.

"Opo." Narinig kong sagot ni Hans.
Teka. Magaling na ba siya? Gusto kong magtanong pero ayaw ko.

"Ang lungkot naman kung ganun. Bakit mo binili ang bahay? Sana ay isinama mo ang pamilya mo." sabi ni Tita.

Mukhang hindi ko na makakayanan ang mga pinag-uusapan nila. Hindi alam ni Tita na kilala ko si Hans. Kapag nalaman niya ay mas lalo siyang magtatanong.

"May nang-iwan po kasi sakin. Sinundan ko lang." Sabi ni Hans.

"Hindi ba siya nagpaalam sayo?" tanong ni Tita. Kailan ba ito matatapos?

"Hindi po. At kahit magpaalam man siya ay hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Hahanapin ko siya kahit saan at susundan ko kahit hindi ako sigurdo kung saan."

Humarap ako kay Hans at nakita kong nakatingin siya sakin. Umiwas ako ng tingin.

Aalis na sana ako pero nabigla ako nang makita ang isang lalaking may bitbit na bayong. Kasunod niya ay si Mama na may dalang make up kits.

"Nandito ka na pala. Tamang-tama kakain na tayo." Wika ni Tita nang makita si mama.
Nagmano ako kay mama.Nagulat si mama noong nakita niya kung sino ang nandito. Pero mas nagulat ako noong nagmano din si Hans.

"Magandang gabi po." sabi ni Hans.

Tumango naman si mama at ngumiti.
Nakita kong inilapag ni Apollio ang bayong na may lamang gulay sa lamesa. Tumingin siya sakin at kay Hans. Nakita kong nakatingin din si Hans sakanya. Parang nag-uusap sila sa isip nila.

"Salamat." sabi ni mama kay Apollio.

"Walang anuman po. Mauna na po ako." paalam ni Apollio.

Aalis na sana si Apollio. Pero nagsalita si tita kaya napatigil ito.

"Dito ka na rin maghapunan pogi." parang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bahay. Tiningnan ko si Apollio. Nakatingin siya kay Tita. Naghihintay ang lahat sa sagot niya.

"Huwag na po sa bahay nalang. Baka po mas lalo akong gabihin." napahinga ako ng malalim dahil sa narinig ko. Mabuti nalang.

Noong nakaalis na si Apollio ay nahain na si Tita, tinulungan ko siya. Pagkatapos ay umupo na ako katabi ni mama. Sa kabila naman ay si Tita at Hans. Tahimik kaming kumakain, si Tita lang ang maraming tanong kay Hans.

"Dahil ba sa babae kaya ka nandito? Ang swerte naman niya. All the way from Manila." sabi ni Tita.

"Opo. Sinundan ko po ang baby ko." muntik na akong mabulunan sa narinig ko. Kailangan ba talagang sabihin pa 'yun?

Mabuti nalang at hindi na sinundan pa ni Tita ang tanong niya.

Pagkatapos kumain ay umuwi na si Hans. Ako naman umakyat na at pumasok na sa kwarto.

Habang nakahiga ay iniisip ko na mag-isa lang si Hans sa bahay na iyon. Hindi naman yun masyadong malaki at hindi naman masyadong maliit. Pero malaki iyon para sa isang tao. Bakit ko ba pinoproblema ito?

Pagkagising ko ay ganoon ulit ang ginawa ko. Naligo, nag-almusal at naglinis.

Pagkatapos kong maglinis sa loob ng bahay ay sa labas naman. Maraming nalaglag na mga dahon ng mangga kaya wawalisin ko iyo.

"Good morning." natigil ako sa pagwawalis at napatingin sa likod. Nakita ko kaagad ang ngiti sakanya.

"Nandyan ba si Tita Hilda?" Tanong ni Apollio. Umiling ako.

"Umalis lang saglit." Wika ko. Napatango naman siya.

Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis. Natigilana ako ng agawin sa'kin ni Apollio ang walis.

"Ako na dito. Magpahinga ka na lang." wika niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na dyan." Sabi ko. Pinilit kong agawin ang walis pero imiilag lang.

Natigilan ako nang mapansin na malapit na kami sa isa't isa. Umiwas agad ako ng tingin.

"Quennie." napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita ko agad ang galit sa mukha
niya. Tumingin siya sa'kin. Sunod ay kay Apollio.

Bago pa man siya magsalita ay naglakad agad ako papasok sa loob ng bahay.

Pagkadating ko sa sala ay naramdaman kong may sumunod sa'kin.

"Sino yun?" tanong niya. Hinarap ko si Hans at tiningnan siyang mabuti.

"Kagabi ko pa napapansin na iba ang tingin niya sayo." dagdag pa niya. Kita ang inis sa mukha niya.

"Wala yun. Nagmamagandang loob lang." sabi ko. Ngumisi siya.

"Really, Quennie? Do you think na nagmamagandang loob lang?" tanong niya na may halong inis.

"Ano ba ang gusto mong palabasin?"

"Huwag ka ng lumapit ulit sa lalaking yun. Hindi ko siya gusto." natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"At kailan ko hiningi ang opinyon mo? Lalapitan ko ang gusto kong lapitan. Kakausapin ko ang gusto kong kausapin. Naiintindihan mo ba?" Mas lalong nainis si Hans sa sinabi ko.

"F*ck!" Ginulo niya ang buhok niya.

"I can't believe it! I'm jealous, Quennie. Kailan mo ba maintindihan ang nararamdaman ko?" Wika ni Hans. Ginulo niya ulit ang buhok niya saka umalis.

Huminga ako ng malalim. Ano ba itong ginawa ko?

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon