Chapter 21

106 4 0
                                    

WARNING: Medyo SPG!!

CHAPTER 21

First

"Po?" tanong ko kay Mama. Para kasing hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Si Yvan, hindi pa siya nahuhuli hanggang ngayon. At baka masundan niya tayo dito." huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Mama.

"Wala bang nagpapadala sayo ng sulat? Text o tawag?" umiling ako.

Sana ay mahuli na siya. At sana rin ay hindi na pumunta pa si Hans dito. Baka madamay na naman siya!

"Mabuti naman. Sige, magpahinga ka na." wika ni Mama at hinalikan ang noo ko.

Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. Ano na kayang nangyari kay Hans? Hindi na siya bumalik simula kanina. Kumain na ba siya? Teka. Marunong ba siyang magluto? Naii-stress  ako sakanya.

Maya-maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa bintana. Umupo ako sa kama. Bakit ba iniisip ko pa ang lalaking 'yun?

Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad ngayon pababa. Naabutan ko si Tita na nanonood ng T.V. Si Mama ay magpapahinga na.

"Lalabas lang po ako." paalam ko kay Tita. Hindi niya na ako pinansin seryoso siya sa pinapanood niya.

Kumuha ako ng payong at binuksan ito saka naglakad. Paglabas palang ay naramdaman ko na agad ang lamig at basa kong paa. Bakit ko ba ginagawa ito?

Dahan-dahan akong naglakad para hindi ako masyadong mabasa. Pero walang nagawa iyon, sa lakas ng ulan ay basa na rin pati ang laylayan ng shorts ko.

Pagdating ko sa harap ng bahay niya ay pakiramdam ko hindi na ako makakalakad pa. Kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim. Nakita kong bukas ang pinto.

Naglakad ako papasok, sumilip muna ako kung nandyan ba siya sa sala. Nakita kong wala kaya pumasok na ako. Inilapag ko ang payong sa gilid. Nasaan na ba ang lalaking iyon?

"What? Wag na. I can handle this. She's okay." naririnig kong wika ng isang lalaki.

Maglalakad na sana ako pero nakita kong lumabas siya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Naka shorts lang siya, walang damit at naka paa. May tuwalya na nakasabit sa balikat niya. Kakaligo lang. Nagmukha siyang model sa paningin ko. Nagulat siya ng makita ako.

"What are you doing here?" he asked. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Naka pantulog na ako, shorts lang at isang manipis na damit. Nahiya ako sa sarili ko. Takte! Medyo nabasa ako ng ulan!!

"Ahm. I'm just... Checking." I said.

Pumasok siya sa isang kwarto. Pagkalabas niya ay may damit na siya. Pumunta siya sa kusina. Sinundan ko siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Galit ba siya?

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. Pinagmasdan ko kung paano niya nilunok ang tubig, at ang paggalaw ng Adam's apple niya. Nang matapos na siyang uminom ay tiningnan niya akong mabuti.

"Kahit minsan ba ay naisip mo rin ako?" seryoso niyang tanong. Kita ko ang pangungulila sa mukha niya.

"You know I love you, Quennie. Do you feel the same way?" naglakad siya papalapit sa'kin. Kinabahan ako kaya umatras ako.

"I miss you. So much." hindi ako nakapagsalita. Walang tamang salita para dito.

Natigil ako sa pag atras ng maramdaman ko ang pader sa likod ko. Tumigil si Hans sa harapan ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Yumuko siya ng kaunti para magka-level ang mga mata namin. Umiwas ko ng tingin sakanya. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente ng hawakan niya ang baba ko.

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon