EPILOGUE
Hans POV
Noong una ay hindi ako makapaniwala na maiinlove ako sa isang nerd, lalo na sakanya. Pero naisip ko, sino ba ang hindi maiinlove sakanya? Sino ba ang hindi makakapansin sa presensya niya? Sino ba ang kayang magbulag bulagan sa ganda niya? Kahit hindi niya alam. Sasabay pa rin ako sa mga lalaking may gusto sakanya.
At kung tatanungin kung gusto kong maging secret admirer niya? Ayaw ko. Dahil gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya.
Naalala ko noon, wala siya sa tabi ko noong nagising ako. Ang hirap, na hindi ka mahal ng taong mahal mo.
"Where's Quennie?" I asked. Tiningnan ko ang mga nakakabit sa'kin at inalis isa-isa ang mga 'yun. I don't need this, I need someone else.
"Hans, anong ginagawa mo? Hindi ka pa masyadong magaling." wika ni Mama. Alam kung nag-aalala siya.
"Huwag mong pwersahin ang sarili mo. Hindi pa magaling ang sugat mo!" my mom said.
"Ma, mas lalong lalala ang lagay ko kapag wala si Quennie sa tabi ko." I said. Nainis si Mama sa sinabi ko.
"The heck! Ano bang pinakain sayo ng babaing yun at ganyan ka? Nakalimutan mo na ba? Dahil sakanya kaya ka ganyan! Dahil sakanya kaya namatay ang kaibigan niya!" natigilan ako sa narinig ko.
"What did you say? Mimah is dead?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Takte! Mas kailangan ako ni Quennie ngayon!
Pinilit kong tumayo at maglakad palabas. Hindi na ako napigilan pa ni Mama. At walang makakapigil sa'kin! Ilang araw ba akong walang malay? Shit! This is crazy!
"Pumunta sila sa probinsya." sabi ni Prince. Nandito kami sa bahay nila. At hinanap niya si Quennie para sa'kin.
"Siguro ka bang pupuntahan mo siya? Baka hindi ka niya gustong makita." wika niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya sa'kin.
"Baka ako ang gusto niyang makita." he said.
"Shut up!"
Kinaumagahan ay maaga akong bumayahe papunta sa Bikol. Mabuti nalang at may bahay na binibenta at agad kong binili yun.
Noong nakita ko siya ay gusto ko na siyang yakapin, gusto ko na siyang pasayahin. Pero nakita ko sa mata niya ang pagkadismaya. Ayaw niyang nandito ako. I know.
Kaya noong pinaaalis niya ako ay wala na akong nagawa.
"Paano yung nangyari satin?" I asked. Kita ko sa mata niya na nahihirapan na siya.
"It just a one night stand." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na ganyan ang iniisip niya. The fck!
"One? What? I can't believe you, Quennie! F"ck!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. I can't believe it!
"You said you love me! Hindi ba totoo 'yun?" tanong ko. Please, Quennie. Sabihin mong magal mo ako!
"Hans, hindi mo ba naiintindihan? Nahihirapan ako kapag nakikita kita! I don't want to see you again! So please, just leave. Bumalik ka na sa Maynila!"
Mahirap sa'kin na tinataboy ka ng taong mahal mo. Gusto mo siyang makasama pero kabaliktaran ang gusto niya.
Noong araw na umalis siya sa bahay nila ay sinundan namin siya. Alam ko kung ano ang balak niya. At hindi ko gusto ang gagawin niya. Bakit niya kailangang sumama sa taong iyon kung sa pagmamahal ko palang ay mabubusog na siya. Hindi ba?
Nagulat ako ng binaril ni Yvan ang sarili niya. Gusto kong tumakbo papunta sakanya, dapat ako ang yumakap at sumama pauwi sakanya at hindi ang lalaking iyon. Mas hamak na may ibubuga ako sakanya. Pero hindi ako ang gusto niya.
"Sigurado ka bang pupunta ka ng New York? Baka magsisi ka." wika ni Prince nandito kami ngayon sa club at nilulunod ang sarili sa alak.
"I'm sure." I said at ininom ang wine.
"Maghanap ka nalang ng ibang babae." suhistyon niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang makakapantay sakanya.
"No need. I can love her even if she doesn't feel the same." I said.
Pagdating ko sa New York ay araw-araw akong lasing. Hindi ata talaga ako mabubuhay kapag ganto.
Bakit ba Mahal na Mahal ko ang babaing yun?
Nandito ako sa club at may isang babaing lumapit sa'kin. Sinusubukan niya akong halikan. Pumikit ako at naalala ko si Quennie. Yung gabing may mangyari samin.
Hinalikan ko ang babae at inisip na si Quennie ito. Dumaing siya at napadilat ako. Itulak ko siya at naglakad palayo.
Hindi 'yun si Quennie. Iba siya. Iba ang mga halik niya at iba ang pakiramdam ko kapag nandyan siya.
Uuwi na ako sa Pilipinas at ipaglalaban ko siya, kahit ayaw niya.
"Do you love my son?" my Mom asked.
Tiningnan ko si Quennie. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Pero kung ano man iyon ay tatanggapin ko.
"Yes, I love your son, I love him."
Nang marinig ko iyon, pakiramdam ko ay ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo. Ang isang Hans Miguel Silva ay papakasalan ni Quennie Mae Sarmiento, balang araw.
"Sigurado ba kayo Quennie? Hindi biro ang pagpapakasal."
"Opo Ma. Saka hindi naman ako papabayaan ni Hans." Tumingin sa'kin si Quennie at ngumiti.
Nandito na kami ngayon sa probinsya nila.
Nagpaalam na ako noon sa Mama niya na isasama ko siya at ipapakilala sa pamilya ko. Noong una ay hindi pumayag pero disidido ako kaya pumayag din.
"Huwag mong sasaktan ang anak ko ha. Naku! Kapag umiyak yan ay huwag ka ng magpakita pa sa'kin ulit." Nginitian ko ang Mama niya.
"Yes, Ma'am. I will make that Quennie will be happy with me. I won't let her cry." I said at ngumiti.
Pati ako ay nababaduyan na sa mga sinasabi ko. Pero ayos lang. Basta sa taong mahal ko.
I want Quennie to be my friend, my girlfriend, my buddy, my companion and my wife. I can't wait to build a family with her. Hinding hindi ako magsasawang mahalin at intindihin siya.
Hinding hindi ako magsisisi na pinili ko ang landas na kasama siya. I won't even regret that I choose to love the nerd that had a secret admirer before. I am ready to live my life with her.
BINABASA MO ANG
The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)
Teen FictionNaging sikat siyang Nerd dahil sa secret admirer niya. Marami na siyang pinagkamalang tao pero sa huli ay bigo siyang makilala kung sino ba talaga. Ang ultimate crush niya? Ang lalaking nambubully sakanya? O ang nerd na katulad din niya? Let's find...