"Hi anak, kumusta?"
Inis kong tinignan si mommy, dahil hindi ba halata? Na hindi maganda ang mood ko.
Sinara ko ang librong binabasa ko at niligpit ang mga gamit ko.
"Not good. Sinira lang naman nung kinuha nyong bodyguard ang araw ko."
Kapag naaalala ko yung lalaking yon automatic na nag iinit ang ulo ko.
"Why anak? Mukha namang ayos si Atlas" inirapan ko sya at dumapa sa kama.
"San nyo ba nakuha yung lalaking yon? Kausapin mo naman si daddy na alisin na yung lalaking yon"
"Hay nako steffhany, masasanay ka din. Wag ka masyadong mainis sa kanya baka mamaya nyan mag ka gusto kana kay Atlas" pang aasar nya "boto ako sa kanya anak" dugtong pa nito bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Huli ko na naintindihan ang mga pinag sasabi ni mommy.
Putcha! Ako mag kaka gusto sa lalaking yon?? No way!
Kinabukasan, hindi ako excited gumising dahil alam kong makikita ko nanaman yung lalaking yon.
Pero dahil major subject ko ngayon nag pasya pa din ako mag asikaso.
Bumaba na ako sa kusina, para mag breakfast.
Anak ng! Napaka aga naman nito? At ang kapal ng mukha ha? Nakiki kain pa.
"Maupo kana anak, sabayan mo na kumain si Atlas." humalik pa ito sakin, at umalis na para pumasok sa trabaho.
Kahit labag sa loob ko kumain kasama ang lalaking to, kumain pa din ako dahil gutom talaga ako. At isa pa masyado namang makapal ang mukha nya para ako ang mag adjust?
Halos pa dabog akong kumain, pero wala pa ding epekto sa kanya, ganyan kakapal ang mukha nya.
Panakaw akong sumulyap sa kanya.
Makapal mukha, pero gwapo nga talaga sya. Makinis ang balat, matangos ang ilong, at mapupula ang labi. Sh*t sarap siguro nitong halikan?
Gago, ano nanamang pinag iisip ko.
"I know, I'm handsome LOVE , pero wag mo ako pag balakan ng masama" nagulat pa ako nung mag tagpo ang mga mata namin.
Oo gwapo ka pero makapal mukha mo.
"Sa ngayon pag babalakan muna kita, pero sa susunod susunggaban na kita"
Tumayo na ako at dumeretso sa kotse sumunod naman sya.
Pinaandar ko na ang kotse at agad din naman kaming nakarating sa school.
Nung makarating kami sa parking lot napatigil ako dahil may lalaking naka harang sa daanan namin kaya hindi ako makapag park.
"Naabutan din kita Sky" nagulat pa ako nung tawagin nya ako,
Kilala nya ako? Ako hindi ko sya kilala.
"Who's that?"
"Siguro isa sa naka halikan ko or something like that, hindi ko na sya matandaan!" napakamot nalang ako sa ulo dahil hindi ko talaga matandaan itong lalaking to.
Bumaba nalang ako para harapin ang lalaking to.
"Hi? Sino ka?" deretso kong tanong na ikina gulat nya.
"Ouch!" madrama nitong hinawakan ang dibdib nya na akala mo nasaktan talaga "Kinalimutan mo na ako? Ako yung naka halikan mo sa bar last week" dugtong pa nya.
"Sa dami kong nakaka halikan sa tingin mo maaalala pa kita? Last week pa yon, masyado mo namang hindi makalimutan" tinalikuran ko na sya at nag simula na humakbang, hindi pa kalayuan ng hatakin nya ako.
T*nginangto.
"May problema ba?" napalingon ako sa lalaking ngayon naka akbay na saakin.
Si Atlas
"Ah wala sorry pre mali pala" agad na umalis yung lalaki, natakot yata sa katawan ni Atlas.
Well, masasabi ko naman na maganda talaga ang pangangatawan nito, kaya siguro natakot.
Siniko ko sya nung mapansin kong naka akbay pa din sya.
"Abusado"
Nag lakad na ako papuntang classroom, at syempre naka sunod ang buntot ko.
"Aba naman, masyado atang mahigpit ang boylet mo? Hatid sundo?" tumawa pa ng malakas Divine
"Under ka pala Steffhany Skylene? Hanep" dagdagan pa nitong si Marseille
"Mga gago! Tigilan nyo ako, hindi ko lalaki yan. Bodyguard ko lang yan, hi-nired ni daddy"
Buti nalang dumating na ang prof namin kaya tinigilan na din ako ng mga ito.
"See you later pokpoks, mag paganda at maligo kayo ha? Para naman may mabingwit kayo"
Nag hiwa hiwalay na kami, nag madali na ako pumunta sa sasakyan ko dahil 7pm may inuman kami.
Nung maka uwi na ako nag shower agad ako at nag bihis. Nag suot lang ako ng maong na mini skirt at tube na pinatungan ko ng denim na jacket. Nag lagay lang ako ng konting make up at lip stick na red. Sabi nila bagay sakin ang red kaya cinareer ko na.
Naka alis ako sa bahay ng walang pumipigil saakin, dahil na din wala sila mom at dad may out of town sila kaya malaya akong makaka pag lakwatsa.
7pm nung makarating ako sa Paradise, sa labas palang maingay na malamang bar hahaha.
"Wews saktong sakto Steffhany?" napa lingon ako sa bumungad sakin, si Marseille
Umupo na ako sa couch.
"Buti wala yung boylet mo?" inirapan ko lang si Divine na halatang tuwang tuwa na naiinis ako.
Kukuha na sana ako ng alak nung ma pansin kong beer ang inorder nila.
"Bakit beer?" mahina ako sa beer, duga hindi ako makakarami.
Tinawanan lang nila ako, kaya wala akong choice kundi tunggain nalang atsaka sumubo ng pulutan.
Naka ilang bote na din ako, kaya medyo tipsy na ako pero kaya ko pa naman humarot, medyo tinatamad lang talaga ako.
Nilingon ko yung mga kaibigan ko na ngayon ay may kanya kanya ng kinakalantari. Si Marseille may kasayawan na doon, Si Miracle nasa table na ng iba at may kausap na lalaki doon, si Divine? hindi ko na mahagilap dahil baka nasa kama na yon nakikipag laban.
"Alone?"
Hindi pa man ako nakaka lingon alam ko na agad kung sino ang may ari ng boses na yon.
Humarap ako para ma kumpira kung tama ba ng hinala ko.
"Anong ginagawa mo dito?" halos mapa atras pa ako dahil sa lapit ng mukha nya sakin.
Kahit may tama ako hindi pa din naalis ang inis ko sa lalaking ito.
"Working"
Napaka galing talaga sumagot.
Kapag ikaw tri-nabaho ko lintek ka.
"Tapos na ang trabaho mo, pwede ka ng umuwi"
Na pansin kong hindi nya ako pinapansin, kaya hindi ko nalang din sya pinansin at nag patuloy nalang ako uminom dahil unli beer ito, sayang libre.
Halos umiikot na ang paningin ko dahil sa sobrang hilo, pero sinubukan kong tumayo pero agad din akong napatigil, when someone grabbed my wrist.
"What?" singhal ko dito
"Where are you going? Lasing kana, I'll take you home"
"Uh? Sa dance floor, hahanap ng boys"
Hindi na sya sumagot at agad na hinatak ako, kaya lalo ako nakaramdam ng pag ka hilo at tuluyang nag dilim ang paningin ko.
---
BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)