30

36 0 0
                                    

"How are you? Its been a years since we last met" His mom smiled.

My heart melted. Totoo ngang nag bago na sya, pero yung strict aura nya naroon pa din.

"Okay naman po, Proud to say that I'm a Registered Nurse in our country." Sabi ko pa bago sumimsim sa wine na sinerve ng maid nila.

"Oh I see. Shall we eat?"

We eat together. Nawala ang kaba na kanina lang ay namamayani sakin. Pakiramdam ko ay welcome na ako sa pamilya nila. Ang sarap pala sa pakiramdam.

"So, when do you guys will give me another grandchildren?" napatigil ako sa pagkain at inangat ang tingin kay Tita Alisandra (Atlas Mom) pinag lipat lipat nya pa ang tingin saamin ni Atlas na parang nag hihintay ng kasagotan.

"I want boy, Atlas" Sabi pa ng Daddy nya.

Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa hiya, bakit apo kaagad?

"After our marriage"

Napangiwi ako sa sagot ni Atlas. Para bang sigurado na sya para saamin.

Si Atlas yung tipo ng lalaki na nanliligaw palang pero nasa future na ang isip.

"Then marry her ASAP" Ate Abi giggled, obviously excited.


Natapos ang dinner na yon na puro kasal ang pinag uusapan, they looked excited in our marriage kahit hindi pa naman namin napag uusapan ni Atlas iyon and besides nanliligaw palang naman siya.



"Hija can we talk?" Napatigil ako sa pakikipag laro kay Ali noong lapitan kami ni Tita Alisandra.

Nag paalam muna ako kay Ali bago sumunod kay tita. She looks serious kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Don't you feel comfortable here? We can go downstair" Napansin nya yata ang pag kabalisa ko kaya agad akong umiling.

Nasa loob kami ngayon ng isang kwarto, sa tingin ko ay kwarto nila ito mag asawa dahil sa picture nila na naroon sa wall.

"Okay lang po, no worries tita" Sabi ko, ngumiti pa ako para ma convince ko sya.

"Okay then, Have a sit" Turo nito sa sofa na naroon.

Umupo ako doon at ganoon din sya, nagulat pa ako noong hawakan nya ang mga kamay ko.

"Thank you for trusting me" Paninimula nya.

I smiled "Bakit naman po hindi. No reason po para hindi ka pagkatiwalaan tita"

She let out a heavy sighed, napansin ko pa ang bahagyang pamamasa ng mata nya.


"I'm sorry for what I've done to you, years ago. " She smiled sincerely kaya ngumiti ako pabalik.


I feel relieved.

"No need to say sorry tita, Okay na po iyon."  I smiled to assure her.

Totoo iyon, pinatawad ko na sya noon pa man. Naisip ko din kasi na wala naman akong karapatan noon kay Atlas.

"Thank you" bahagya pa akong nagulat noong niyakap nya ako kaya niyakap ko din sya pabalik.

Ilang sandali kaming nanatili sa posisyon na yon hanggang bumitaw sya. Ngumiti ito bago may inilabas na maliit na box, kulay gold iyon.

"This necklace is from Atlas's grandmother, ang mom ng daddy nya. Binigay nya saakin to noong malaman nya na ako ang papakasalan ng anak nya. Sabi pa nya saakin noon na ibigay ko daw ito sa magiging asawa ng anak ko." Kwento nito bago buksan ang box.

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon