27

31 1 0
                                        

Isang linggo din nag stay si Dad sa hospital, hindi pa man ganoon kagaling ang tahi sa dibdib nya ay minabuti nya na din umuwi.

Nag file ako ng leave para ako ang mag aalaga sa kanya, pinayagan naman agad ako.

"Anak, I'm fine." Giit ni Dad kaya pabiro ko syang sinamaan ng tingin. "Balita ko magaling na doctor ang nag opera sakin, I want to meet him, Invite him in dinner"

Bahagya akong natulala sa kanya, ngumiti ito saakin.

"Invite Dr. Ross in dinner" pag ka klaro nito.

Umiwas ako ng tingin "He's busy today, dad"

"Not today. Tomorrow is his dayoff, so tomorrow." Ngumiti ito saakin ng nakakaloko bago humiga sa kama nya.

Paano nya nalaman yon?

Bago ko pa man sya tanungin, nakatulog na sya. Kinumutan ko nalang muna sya ng maayos at chineck ang swero nya kung tama ang bilang ng drops bago lumabas sa kwarto nya.

"How's your dad, anak" Salubong ni mom.

"He's okay mom, Take a rest too." Sabi ko pa bago sya halikan sa pisngi.

Nag shower muna ako bago ko mapag pasiyahan pumunta ng hospital.

"Hoy bawal yan!" Singhal ko kay Divine at Chris, bahagya silang nagulat pero agad din tumawa.

Wala naman silang bawal na ginagawa, trip ko lang silang gulatin.

"Ah walang bebe" pang aasar ni Divine na akala mo bata.

"Ah walang dede" balik na asar ko sa kanya, agad namula ang mukha nya sa hiya kaya natawa ako.

"Iba talaga nagagawa ng love, nag kakaroon ng hiya ang walangya" pag paparinig ko.

"Below the belt kana ah!" Biro pa ako nitong hinampas "Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba't naka leave ka?" Sabi pa nito.

"Where's Dr. Ross?" Nag aalangan kong tanong noong maalala ko na sya pala ang pinunta ko dito.

"At bakiiit?" Humawak pa ito sa mag kabilaan nyang bewang bago ako tignan ng nakakaloko. "Kaya siguro hindi na natuloy ang pag alis nya dahil okay na kayo"

"Where is he--"

"Looking for me? Just wait for me in my office. I have operation." Sinundan ko pa ito ng tingin habang tulak tulak nya ang stretcher papuntang Operating room.

"Ang sweet naman." Pang aasar ni Chris kaya biro ko syang inirapan.

"May gusto ba kayo? Pupunta akong starbucks" pag iiba ko ng usapan.

"I want chocolate cake. Ikaw babe?" I bit my lower lip to stop myself from smiling.

Nasa tamang tao na ang mga kaibigan ko, sana ako din.

"Espresso Roast chief." Sagot ni Chris at sumaludo.

Noong makabili na ako, hinatid ko lang ang para kay Chris at Divine bago dumeretso sa office ni Atlas. Binilhan ko din sya ng bread at coffee.

Umupo ako sa couch para doon mag palipas ng oras kaso hindi ako mapakali kaya tumayo ako at nag ikot sa office ni Atlas. Hindi naman ito ganoon kalaki, pero okay na dahil madalang ka lang makaka kita ng hospital na may sariling office ang mga doctor. Lumapit ako sa lamesa nya para tignan ang mga pictures na naroon. Laking gulat ko ng makita ang iba naming picture na naroon, kuha iyon sa Ilocos 7 years ago.

"Sorry for waiting" umayos ako ng tayo noong marinig ko sya. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya.

"Its okay" bumalik ako sa pag upo sa couch. Pinapanood ang bawat kilos nya. Nag tanggal sya ng coat nya at isinabit iyon sa coat rack, tanging white long sleeve nalang ang naroon, nakatupi iyon hanggang siko.

Bahagya akong napalunok noong buksan nya ang una hanggang pangatlong butones non. Nag iwas agad ako ng tingin.

"I bring you coffee and bread. Eat first" Sabi ko while playing with my fingers.

"Thank you" sabi nito at agad na kinuha ang paper bag ng starbucks, inalok nya pa ako pero tumanggi ako dahil busog naman ako. Tama palang dinalhan ko sya dahil mukha syang gutom.

"You haven't  eaten dinner yet?" Tanong ko, bahagya syang tumawa.

"Just now" Itinaas pa nito ang bigay ko, masama ko syang tinignan kaya sumilay ang ngiti sa labi nya.

"Let's eat dinner."  Sabi ko at kinuha ang bag ko. Nakita ko pa ang mabilis nya na pagkain sa binigay ko.

"Ang kalat mo!" Bulyaw ko, lumapit ako sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi nya dahil may icing doon mula sa bread na kinain nya.

"Cheesy" We both looked at the door, naroon si Dr. Velencia kaya napangiwi nalang ako.

"Walang pintuan sa bahay? Bago ka doc?" Inismiran ko pa ito.

"Sorry naman kung naka distorbo!" Pabiro nyang bulyaw "Congrats Dr. Ross, ingatan mo yan! Aagawin ko talaga yan sayo kapag pinaiyak mo yan" hahawakan pa sana nya ako sa kamay ng tinapik iyon ni Atlas.

"Kung maaagaw mo, Back off Dr. Velencia. She's mine since 2013."

Hindi makapaniwalang tumingin si Dr. Velencia saamin.  He looks confused at the same time amused.

"Woah." Sabi pa nito bago lumabas ng office ni Atlas.

Agad kong hinarap si Atlas.

"Anong sayo ako, walang sayo!" Pabiro kong singhal bago naunang lumabas.

"Have a safe sex" Divine whispered. Pasimple akong nag taas ng gitnang daliri sa kanya. Tumingin pa ako sa paligid para siguraduhin na walang nakakita.

"Wala ka ng duty?" Tanong ko habang nakatuon ang tingin ko sa hinihiwa kong steak.

"Its done." He answered "Anyways, why are you looking for me"

Na angat ko ang tingin sa kanya, nawala yon sa isip ko ah.

"Ah, dad inviting you in Dinner, tomorrow"

"I thought you miss me. I'm assuming" Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.

I smirk "Why would I? Sino ka nga ba?" Pang iinis ko at tama nga nawala ang nakakainis nyang ngiti, napalitan yon ng lungkot kaya ibinaba nya ang tingin nya sa plato.

"You're too obvious, Gusto mo ba ako?" Pinag singkitan ko pa sya ng mata noong inangat nya ulit ang tingin nya.

"Nothing change, Mahal pa din kita"

Why do I suddenly regret everything I said.

Namayani ang katahimikan saamin, tanging ingay sa paligid at utensils lang ang maririnig.

I let a heavy sigh, pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko bago mag salita.

"Don't say things you don't mean." Paninimula ko.

"But I mean it." Aniya.

"No you don't" Giit ko at umiling iling.

Gusto ko maniwala. Pero ayaw ko din. Ayokong masaktan ulit.

"Just let me stay by your side this time. I will never leave you again, I promise baby"

---

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon