Medyo Rated-18, Please read at your own risk.
"May nailagay lang na pang patulog sa kinain o ininom ng pasyente. Okay naman na sya, maya maya ay gigising na din sya"
Nakahinga ako ng mabuti sa sinabi ng doctor.
Pumasok na ako sa kwarto ni Atlas at umupo sa tabi nya.
Bakit nga ba kami humantong sa ganito?
Umiiyak lang ako habang naka yuko sa gilid ng kama ni Atlas.
"Shhh, Don't cry" na angat ko ang ulo ko at gulat noong makitang gising na si Atlas at nakaupo na ito.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya habang patuloy pa din sa pag iyak.
"Why are you crying?" Hinahaplos nito ang likod ko dahilan para lalong bumuhos ang emosyon ko. "Why am I in the hospital?"
"I'm wor..ried, pinag alala mo ako"
"I'm sorry" tinanggal nya ang pag kakayakap sakin at mag ka bilaang kamay nya hawak ako mukha ko "does it hurt?" Hinaplos pa nya ang kanang pisngi ko dahilan para maalala ko na nasampal pala yon.
Umiling lang ako bilang sagot.
"I left Cathie unconscious." I explained "I saw her, trying to rape you habang wala kang malay dahil sa pinainom sayo. Sinapak ko sya at nawalan ng malay" sinandal ko ang noo ko sa balikat nya at doon umiyak, yakap nya lang ako habang ang isang kamay ay hinahaplos ang likod ko.
"I overheard your mom, They planned everything."
"Let me handle this okay? Don't bother yourself." Hinalikan ako nito sa noo "Thank you"
Noong araw na yon nakalabas na din si Atlas sa hospital. Nabalitaan ko pa na natuloy pa din ang party ni Cathie wala nga lang sya doon dahil sinugod sya sa hospital.
Makokonsensya sana ako kaso tinamad ako kaya wag nalang pala.
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ang unang araw ng December. Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa loob ng kotse dahil sa pagod.
"How was your day?" lumingon ako kay Atlas na naroon sa driver's seat.
"As usual, nakakapagod" lumapit ako sa kanya at dinampian sya ng halik sa labi. Hindi naman na sya nagulat dahil halos araw araw ko ginagawa sa kanya yon. Pakiramdam ko naadik nako sa mga labi nya.
"Where do you want to go then?" Tanong nya bago nag start ng engine.
"Batangas"
Meron kaming resthouse sa batangas, hindi yon ganoon kalaki pero sapat na para makapag relax.
Dahil traffic papunta inabot kami ng 7pm bago makarating. Bumili nalang kami ng makakain at sa resthouse kakainin.
Pumasok na kami sa loob, modern resthouse ito. May tatlong palapag, pero ang pangatlo ay rooftop na. Sa rooftop kami dumeretso, nag latag kami ng blanket at doon nilapag ang mga pagkaing dala namin. Umupo ako sa tabi nya, naka tingin sya sa kalangitan bago tumingin sakin.
"I always see a sky, but the Sky in front of me is my favorite" He said in his lowvoice.
Naramdaman ko ang pag wawala ng puso ko. My heart melted.
"Kumain kana nga dyan" pag susungit ko para maitago ang kilig.
Tahimik kaming kumain, minsa'y nag tatanong sya tapos ako sasagot tapos wala na ulit.
"What are we?" Tanong ko "Walang tayo pero ano to?"
"All i know, I'm courting you"
"Nanliligaw ka pala?"

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)