Isang linggo na din ang nakalipas noong malaman ko ang totoo, wala naman nag bago dahil ayaw ko paasahin ang sarili ko.
"Chief, Night out mamaya after duty. Bawal KJ." Bulong ni Marseille saakin noong dumaan sya sa station ko, may tulak pa syang pasyente na nasa wheelchair.
Nag rounds lang ako kasama ang doctors at nag bigay ng medication.
"Nurse para saan itong gamot" lumapit ako sa isang pasyente.
Para po sainyo yan. Sagot ko sa isip ko, sa totoo lang kapag nag bibigay ng medication ini explain iyon kung paano i take at para saan.
Inexplain ko muna iyon bago ako bumalik sa station dahil tapos na ang round at medication.
"Chief, may deliver sayo. Ni recieved ko na dahil busy ka kanina. Nasa loob, bago mo yatang manliligaw" Kinikilig pa si Kim at mapanukso akong tinignan.
Manliligaw? Wala akong matandaan.
Pumasok agad ako at nakita ko sa lamesa ang isang bouquet of sunflower at paper bag ng starbuck na ang laman ay cup of tea at slice of cake. May nakalagay doon na sticky notes.
'To my favorite Sky'
Isang tao agad ang pumasok sa isip ko, pero hindi ko na pinansin iyon.
Noong matapos ang duty ko ay nag bihis na agad ako ng pang itaas. Nag suot lang ako ng satin long sleeves, itinuck in ko yon sa slacks na suot ko. Inayos ko pa ang buhok ko sa pag katali at nag lip stick, nag drive na ako sa address na binigay ni Miracle. Nauna na sila kasi kanina pa tapos ang duty nila, ako na nga lang daw ang kulang.
"Goodeve Chief" gulat pa akong tinignan sila.
"Hindi naman ako na inform na may kanya kanya kayong bitbit na jowa." Singhal ko sa kanila bago umupo sa dulo.
At yes, 7th wheel ho ako sa kanila.
"I invite a friend para may kapareha ka Chief. Ma la-late lang siguro" Sagot ni Vincent, fiance ni Miracle. Isa din syang doctor sa hospital namin.
"Yun naman pala, wag kana malungkot" Pang gagatong ni Kael, fiance ni Marseille. Nurse sya sa ibang hospital, ewan ko kung paano sila nag kakilala.
"Tigilan nyo ako" Inismiran ko sila bago lumingon kay Divine "Wala ka bang balak ipakilala saakin yang nobyo mo?" Pang aasar ko, ang tahimik nya kasi nakakapanibago ha.
"Kilalanin mo nalang!" Singhal nya saakin.
Tumawa kami.
Sa totoo lang kilala ko iyon, si Chris isa sa Nurse sa pediaward.
Nasa isa kaming samgyup ktv restau. Wala akong ibang ginawa kundi abalahin ang sarili sa pag luluto, minsan ay sumasali sa usapan nila.
"Oh ayan na pala si Doc eh" Napatigil ako sa pag luluto doon.
So, totoong may ininvite sila?
"Sorry I'm late" na istatwa ako, boses palang alam ko na kung sino ang may ari non.
Nilingon ko agad si Marseille, Miracle at Divine na nag tatawanan.
"Have a sit, doon sa tapat ni Chief ang avail seat." Rinig ko pang sabi ni Vincent.
F*ck.
Inabot ko kaagad ang beer na nasa lamesa ko, wala akong balak mag inom kanina pero ngayon sa tingin ko ay may dahilan na.
"Chief, ayan yung sinasabi ko sayong ipapakilala ko sayo. Pogi ba?" Hindi ko alam kung pinag titripan ako nito o sadyang wala lang talaga syang alam saamin.
"Add to cart na agad Steff" pang aasar ni Miracle.
Nakaupo na sya ngayon sa harapan ko, tinutulungan ako sa pag luluto.
"You know how to cook?" Tanong nito.
"Yes" hindi mo alam? Syempre noong araw na dapat ay malalaman mo e iniwan mo ako at hindi na binalikan.
Gusto ko mag lasing sa alalahanin na yon pero hindi pwede dahil bukas ay may medical mission ako.
Noong maluto yon kumain na kami. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko.
"Here, your favorite part of chicken" inilagay pa nito ang leg part sa plato ko.
"Yes ang sweet naman" Napalingon ako sa kanila, nakatingin pala sila samin.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at saka inabala ang sarili sa pagkain.
Nag kantahan pa sila habang nainom ng beer.
At katulad kanina ay nakikinig lang ako, si Miracle na ang kakanta.
'I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again'Bahagya akong napangiwi sa kinanta nya. Stay by Daryl Ong. Nananadya ah!
'Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality'Pakiramdam ko ay bumabalik ang sakit noong iniwan ako ni Atlas dahil sa kanta na yon.
Noon tinatanong ko din ang sarili ko na bakit nya ako kailangan iwanan ng wala man lang maayos na paalam.
And now I must move on
Tryna forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold onHuli na ng maramdaman ko ang pag tulo luha ko, agad ko iyon pasimpleng pinunasan.
"Rest room lang ako" paalam ko sa kanila.
Hinayaan ko ang sarili ko umiyak.
Bakit ba ang sakit pa din hanggang ngayon?
Hindi pa ba sapat yung iyak ko noon?
Ang daming tanong, na hanggang ngayon ay hindi pa din nasasagot.
Noong pakiramdam ko ay okay na ako, pinag pasiyahan ko na lumabas na dahil baka mag taka sila sa tagal ko. Madilim naman doon kaya hindi nila mahahalata ang pamamaga ng mata ko.
Inabot kami doon ng 12 midnight, kaya nag kaayaan na din umuwi.
"Ingat Chief and Dr. Ross" Paalam ni Marseille.
Kumaway lang ako sa kanila at sumakay na sa kotse ko. Nauna sila umalis, susunod na sana ako kaso nakita ko si Atlas na nakatayo pa din doon nag pipindot sa cellphone.
"Hey" Tawag ko, agad naman syang lumingon. "You're not going home?" Tanong ko pa.
"I'm booking" Pinakita pa nito ang cellphone nya na nag hahanap ng grab taxi.
"Get in" gulat pa itong nag angat ng tingin.
Noong maka recover sya, ngumiti ito saka sumakay sa kotse ko.
Tahimik lang akong nag maneho pauwi sa condo.
Napa isip ako, bakit ko nga ba sya isinabay pa?
Noong makarating kami sa unit, nag shower lang ako at kinuha ang maleta sa ilalim ng bed.
Nag impake ako ng mga dadalhin para mamaya sa medical mission, one week iyon kaya marami rami ang dala ko hindi ko na nga alam saan ilalagay ang iba.
"You can put yours in my suitcase" napalingon ako sa gawi nya, hindi ko napansin na nag iimpake din pala sya.
"Ayan lang ang dadalhin mo? Its one week" sabi ko, dahil ang kaonti ng laman noon halos kalahati nga lang ng maleta ang laman non.
"I think its enough for one week." Sabi pa nito "Put yours if you want"
Wala akong nagawa kundi ilagay ang iba kong gamit sa suitcase nya dahil ayoko mag bitbit ng isa pang bag.
"Okay na?" Tumango ako bilang sagot, isinara nya na iyon ay nilagay malapit sa pintuan ng kwarto.
Humiga na ako sa kama at hinayaan ang sarili makatulog kahit sandaling oras lang.
---

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)