5

57 13 0
                                        

Nagising ako na wala ng katabi, dahil sa tingin ko ay anong oras na din. Malamang nasa kusina nanaman yon at nag luluto.

Pumunta na ako sa c.r para mag ayos ng sarili, ginamit ko pa yung mouthwash nya dahil wala naman akong dalang toothbrush nakakahiya naman sa kanya kung toothbrush nya ang gagamitin ko diba?

Nung makita kong ayos naman na ang itsura ko saka na ako bumaba.

Nagulat pa kami pareho nang babaeng naka upo sa sofa nung makita namin ang isa't isa.

She's was wearing a navy blue dress, maganda at halata namang anak mayaman din.

"Hi," sya ang naunang bumati kahit halatang di comfortable nung makita ako.

Sino kaya ang isang to?

"I'm Cathie, Atlas friend" tinignan ko pa ito,

Ah friend lang naman pala, oki.

"Steffhany Skylene, his future" literal na lumaki ang mga singkit nyang mata.

Obviously, may gusto sya kay Atlas. Bahala ka dyan mag selos.

"Hindi mo naman sinabi saakin na may bisita ka palang inaasahan."singhal ko kay Atlas ng makita ko sya sa kusina, nag luluto ng agahan.

"I don't know either" humarap pa ito at nilagay sa lamesa yung niluto nyang fried rice "She's Cathie, my childhood friend" paliwanag nya, kahit hindi ko naman hinihinging mag paliwanag sya.

"Gusto ka non" sabi ko at kumuha ng cup para mag timpla ng kape.

"I don't like her." saka nya inilapag yung mga ulam at lumabas pag balik nito kasama nya na si Cathie.

"Nakakahiya naman, balak ko lang talaga personally ibigay yung invitation. Na istorbo ko pa yata kayo" hindi ko na pinakinggan ang iba nya pang sinabi dahil nag umpisa na akong kumain.

Masyado syang madaldal.

Tumayo ako para kumuha ng juice sa ref,

"Juice or Water?" tanong ko sa kanila, nakakahiya naman kung para lang sakin ang kukunin ko diba?

"Juice ang sakin, si Atlas tubig na hindi malamig, nasakit kasi ang tyan nyan kapag umiinom yan ng malamig na tubig sa umaga." napa irap nalang ako, wala akong pake kung makita nya yon.

Masyadong pa bida edi sana sya na ang kumuha.

Bumalik na ako sa upuan at pinag patuloy ang pagkain.

"Pupunta ka naman diba?" inangat ko ang tingin ko sa kanya, kausap nya si Atlas.

"Titignan ko"yun lang ang sagot ni Atlas kaya halatang na disappoint pa sya at bumalik sa pagkain.

Nung matapos kami kumain si Atlas ang nag ligpit. Umupo ako sa sofa at kinuha sa coffee table ang libro don.

'The Cardiovascular System' yung title ng book,

"Lagi nya yang binabasa, he wants to become a doctor eh, Heart specialist to be exact." gigil akong tinigil ang pag babasa, kapag ako nainis sa kaingayan nito ibabato ko na sa kanya tong libro kahit makapal pa to.

Wala bang balak umuwi to? Dahil baka samain na sya sakin.

"By the way, you can join Atlas sa birthday party ko." ngumiti pa ito para maitago ang ka plastic-an nya.

"Okay, titignan ko kung wala kaming date ni Atlas non" i smile playfully at halata namang nag selos nanaman sya. Masyadong halata ka sis? Mag seminar ka muna.

Ang sarap nyang asarin hahaha, ganda ganda boba.

Lumabas na si Atlas sa kusina at tumingin sakin,

"Bakit?" irita kong tanong,

"I'll drop her off before i'll take you home"

Lumabas na kami sa unit nya, nasa likod nila ako dahil ayoko namang isipin ng Cathie na yon na nakikipag paligsahan ako sa kanya, at ano ang premyo? Si Atlas? Aba wag na oy.

Nakarating na kami sa Parking lot, halos mahulog pa ang panga ko ng mauna syang sumakay sa tabi ng driver's seat. Wala akong nagawa kaya umupo nalang ako sa likod.

"Who owned this car Blake? Its nice"

Nice talaga, I'm the owner eh.

Hinayaan ko nalang sila at nilabas ko na ang cellphone ko at nag tingin tingin sa social media hanggang sa makarating kami sa bahay ni Cathie.

"Thankyou for the ride"kumaway pa ito at plastic na ngumiti sakin.

Nag patuloy na sya sa pag maneho, hindi na ako lumipat ng pwesto dahil baka may germs yon na naiwan, ipapalinis ko muna siguro o papalitan nalang?

"I can almost hear you thinking" napa awang ang labi ko at saka sya tinignan.

"Weh?"

"It seems you don't  like her" natawa pa ito."But she's nice" napa irap nalang ako.

"Nice? Kasi may gusto sayo" pinag cross ko pa ang mga kamay ko sa dibdib ko

"Are you jealous?"

"Kapal mo!"

Ako mag seselos? Jusko sino ba sya?

Hinayaan ko nalang sya hanggang makarating kami sa bahay. Pi-nark nya na din ang kotse ko sa garage.

"Thankyou for the ride" pang gagaya ko kay Cathie kaya tumawa sya bago lumabas ng kotse.

"Stop being jealous, she---"

"Kapal mo! Umuwi kana baka masapak na kita" pag putol ko sa gusto nyang sabihin.

Ang kapal ng mukha e, san nya na mana yon? Papagalitan ko lang.

"Just kidding, by the way. Hindi ako makakapasok bukas, i have important matters to do" tumigil ako sa pag lalakad at nilingon sya

"Saan?" pag uusisa ko pero hindi nya ako sinagot, lakas talaga nitong lalaking to.

"Don't miss me too much" inirapan ko pa sya at hinayaan na syang umalis.

"You look happy anak ah," halos magulat pa ako sa presensya ni mommy.

Babawas bawasan ko na nga ang pag kakape dahil nagiging magugulatin na ako.

"Hindi ka daw umuwi? Your with whom?" usisa nya pa at tinignan ang kabuuan ko.

Jusko suot ko pa pala ang damit ni Atlas.

"I'm with Atlas last night, i slept over in his condo" gulat pero agad din naman na ngumiti saakin si mommy.

"I told ya. Pogi si Atlas, you like him na ba?" binigyan ko lang sya ng nakakairitang tingin at dumeretso na sa kwarto ko.

Nag shower na muna ako at lumabas na pero nagulat pa ako nung makita ko si mommy na nakaupo sa kama ko, inaantay ako.

"What?"irita kong tanong habang nag papatuyo ng buhok ko.

"Do you like him na ba?"na mamangha ko syang tinignan.

"Ikaw yata ang may gusto sa kanya eh"

"Kung dalaga lang ako at ka edad mo baka nag ka gusto ako sa kanya, kaso I'm married. Kaya sayo nalang sya anak, boto ako kay Atlas" kinikilig pa sya habang naka titig sakin.

Hindi ko alam bakit ba pinupush nya ako don.

"Mommy, enough okay. Wala akong gusto sa kanya." humarap na ako sa study table ko at nag buklat ng Checklist dahil bukas may return demo ako at the same time duty sa hospital as a Student Nurse.

"You look inspired because of him"tumawa pa ito na para bang sya ang kinikilig "Osya, dito na ako anak" halos mag celebrate ang buong diwa ko nung tuluyan na syang lumabas sa kwarto ko. Kaya bumalik na ako sa pag babasa ng notes.

Irita kong sinara ang mga notes at libro ko. Hindi ako makapag concentrate. Hiniga ko nalang ang sarili ko sa kama ko.




You're bothering me Atlas. How dare you!

---

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon