Sa bahay nila mom at dad ko napag pasiyahan umuwi, hindi ko kaya na lagi syang makita o makasama. Baka mahulog nanaman ako ng todo, e alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako fully moved on sa lalaking iyon.
"Oh hija, what brought you here? Mag aasawa kana ba?" Bungad saakin ni Dad, na abutan ko sila sa dining na nag didinner.
"Hindi na ba ako welcome sa bahay na ito?" Pakunwari ay nag tatampo ako.
"You're always welcome here anak, also your husband ang my apos"
Grabe, kakaiba tong parents ko, sila mismo nag tutulak sakin na mag asawa na at mag anak.
"Gaya nga ng lagi kong sagot, hindi minamadali ang bagay bagay. Dadating din yan mom and dad" Umupo na ako para sumabay sa kanila sa pagkain.
"Yes anak, pero you're too ol--"
"Dad, 31 palang ako." I rolled my eyes.
Kumain na kami, noong matapos ay nag shower na ako at nag suot ng pajama.
Nakatulog na ako noong marinig ko ang katok sa kwarto ko.
"Why?" I asked, still half asleep.
"Someone's waiting for you, nasa labas" napabalikwas bangon ako.
"Sino daw? Sa ganitong oras? 12am, normal pa ba yon?"
"Puntahan mo nalang anak, bilis"
Wala akong nagawa kundi labasin kung sino man yon. Wala akong clue dahil wala naman akong inaasahang bisita lalo sa 12am.
"Who are you?" Madilim sa kinakatayuan noon kaya hindi ko maaninag kung sino sya, ang alam ko lang ay lalaki dahil sa suot noon.
"Why didn't you tell me that you wouldn't come home?" Bahagya akong nagulat noong mapag tanto ko kung sino ang nag mamay ari ng boses na yon.
"Ano ba kita? Uuwi ako kung kailan ko gusto. Hindi mo ako kailangan hanapin, Dr. Ross"
Naiinis ako, ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?
"I'm just worried, I'm going" Hinayaan ko na sya maka alis.
Bahagya pa akong na konsensya pero hindi ko nalang ininda, pero hindi ako pinatulog non.
Nag send agad ako ng letter sa admin namin na mag ooffset ako ng day off ngayon, ayaw pa sana pumayag pero dahil ipinilit ko ay pumayag na din naman.
"Aalis kana anak?"
"Yes dad" Humalik pa ako sa kanya bago kay mom.
Nag maneho na ako pabalik sa condo, dumaan muna ako sa convenience store para mag grocery dahil ubos na ang stock ko.
Tulak tulak ko ang cart ko habang nakatingin sa shelves, sakto naman may bata doon na may pilit inaabot. Lumapit ako sa kanya.
"Hi" bati ko "What do you want?" Tanong ko.
Lumingon sya sakin, pamilyar sya. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko nakita ang batang ito. Malamang ay isa sya sa naging pasyente sa hospital.
"That po, the red one. Thank you po" Inabot ko iyon at ibinigay sa kanya. Ngumiti ito saakin.
"Oh, you're a nurse po diba? You know d---"
"Anak, let's go" Napatigil ito noong may tumawag sa kanya, sa tingin ko iyon ang mommy nya.
"Goodbye Ms. Nurse" saka ito tumakbo papalayo.
How did she knew me? Familiar talaga sya.
Noong mag bayad na ako ay hindi ko na sya nakita ulit, dumeretso na ako sa unit ko. Nag dadasal na sana ay wala si Atlas.
![](https://img.wattpad.com/cover/225095820-288-k666013.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)