21

28 2 0
                                    

Tanghali na akong nagising dahil day off ko naman kaya okay lang.

Agad akong napalingon sa gilid ko noong maalala si Atlas, pero wala na sya doon.

"Hindi kaya panaginip lang iyon?" Tanong ko sa sarili ko pero agad din nalukot ang mukha ko noong nakita ko ang coat nya na nakasabit sa coat rack.

Lumapit ako doon at tinignan iyon, malayo palang amoy na amoy na ang pamilyar nyang pabago.

Napangiti ako noong makita ko ang naka burda doon sa bulsa ng coat nya, Dr. Atlas Blake Ross.

Agad ko din sinabit iyon noong mapansin ko ang sarili ko sa pag ngiti.

Hindi pwede yan Steffhany, may pamilya na sya okay? Hindi ka pwede maging kabit.

Dumeretso na ako sa kitchen para sana mag luto ng makakain ko pero may naka hain na doon. May sticky notes pa na nakadikit.

'Goodmorning, Enjoy your meal :)'

Agad kong nilukot iyon at tinapon sa basurahang malapit.

"Anong pakulo yon?" Tanong ko sa sarili ko bago tignan kung anong niluto nya.

Fried Egg and rice, ham and hotdog.

Noong matapos ako kumain at maligo napag pasiyahan ko na dumalaw sa bahay nila mom at dad.

"Hi anak, kamusta ang Nurse ko? Mag aasawa kana ba?" Bungad saakin ni mommy.

Hindi naman na iyan bago dahil tuwing dadalaw ako ay hinihingian na nila ako ng asawa.

"Where's dad?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Pumasok na sa company natin anak, I told you mag asawa kana at mag anak para may mag mamana na sa company natin para sa ganon hindi na kailangan pumasok ng daddy mo" May pag papaawa pa ang tono nito.

"Mom, hindi minamadali yan. " Naupo ako sa sofa at nag bukas ng t.v

"Yung Doctor na si Carl? Mukha naman syang mabait bakit hindi mo nalang sagutin?" Masama ko syang tinignan.

"He's not my type, isa pa matagal ko ng binusted yon" I crossed my arm.

"Sayang naman, siguro si Atla--"

"Mom!" Pigil ko sa sasabihin nya, tumawa agad sya sa reaction ko. "May anak at asawa na sya okay? You should move on"Dugtong ko pa.

"Really?" tanong nito "Bakit hindi ko alam iyon?"

"Bakit close ba kayo?" Pinag singkitan ko pa sya.

"Not really, Osya kukuhaan na kita ng meryenda" hindi nya na ako inantay na sumagot ako at nag tungo na sya sa kitchen.

Kinaumagahan, maaga akong nag duty dahil morning shift ako.

"Alam mo ba nakita ko si Dr. Ross sa Venial Condominium noong napagawi ako doon. Sa tingin mo doon kaya sya nakatira?" Agad kong naangat ang tingin ko sa dalawang nurse na nag uusap.

"Baka nga doon o may dinalaw?" Sagot ni Maybelle.

Agad akong kinabahan, paano kapag nalaman ng mga katrabaho ko na kasama ko sya sa iisang unit? Ano nalang iisipin nila saakin? Kabit? Malandi?

"Chief diba doon ka din sa Venial Residence Condominium? Hindi mo ba nakita doon si Dr. Ross?" Gulat pa ako noong sinali nila ako sa usapan.

"Hindi, hindi din naman ako interesado." Masungit na sagot ko para malaman nila na wala ako sa mood.

Tumayo agad ako at sumakay ng Elevator paakyat sa pedia ward, ang alam ko ay Pedia ward sya ngayon.

"Hi Chief, kailangan mo?" Bungad saakin ni Divine.

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon