19

33 2 0
                                        

I let out a heavy sighed before leaving the headquarter.

Nag maneho na ako papuntang unit ko or should I say unit namin ni Atlas.

And yes, after he left me, I stayed here. 7 years na din ang nakakalipas.

"Akala ko ba naka moved on kana? Bakit may pa biglaang inom?" Nag bukas pa ng t.v si Miracle bago umupo sa tabi ko.

"Ano to celebration para sa pag babalik ng Ex mo? Muling ibalik na ba? Ihhh tuyot na tuyot ka pa naman na"

"G*go"Singhal ko kay Marseille "may anak na sya." Dugtong ko pa

"Really? Ikaw ina?" Banat ni Miracle.

"Boba!"

"Kaya naman pala, sawi ka nanaman" Tumawa pa si Divine "Sana all masagana diba? Samantalang ikaw ni isang dilig ay wala, buti pa ang lupa at halaman mayroon tuwing umuulan." dugtong pa nito.

Tumungga ako sa beer na iniinom ko at inalala si Atlas.

Bakit nga ba bumalik ka pa?

"Kamusta naman ang Ex mo? I mean si Dr. Ross?" Pag uusisa bigla ni Divine.

"Gwapo pa din"I answered honestly, dahil ayon ang totoo. "Pero hindi ko sya Ex" pag tatama ko.

"Hindi ex, pero nag move on. Mas matagal ka pa nga nag move on kaysa sa pag sasama nyo. Kaloka"

"Ang rupok mo fren." Sabay sabay pa silang nag tawanan.

"Kesa naman pokpok, diba divine?" Pang aasar ko sa kanya agad nya akong binato ng unan buti nasalo ko yon.

"Nag babagong buhay na yan hoy, nililigawan ng isang nurse yan doon sa pedia ward" pang gagatong ni Miracle.

"Ayan ha! Wag sa quarters makikipag chukchakan!" Paalala ko, dahil naaalala ko nanaman yung araw na nakita ko siya, paano ko nga ba makakalimutan yon? E ayon din ang araw na may nangyari saamin ni, nevermind!

Naka ilang bote lang kami ng beer at nag uwian na din dahil may mga duty pa bukas, mag kakasama kami sa iisang hospital mag kakaiba nga lang ng shift at ward.

Kunot noo akong pumasok sa hospital dahil sa kulang sa tulog, mostly kapag wala akong tulog mainit talaga ang ulo sign of aging na din siguro kaya umiiksi ang pasensya ko.

"Chief Nurse, may meeting kayo ngayon. Actually late kana" Bungad saakin ni Kim.

"Wala akong matandaan na may meeting kami ngayon"Sabi ko pa.

Inilapag ko lang ang Balenciaga bag ko sa headquarter bago pumunta sa conference room. Tama nga, late ako.

Humawak na ako para buksan ang glass door pero napatigil ako noong may lumapat din doon na kamay.

"Go inside, We're late" Bahagya ako na istatwa pero agad din pumasok dahil nakuha namin ang atensyon ng mga nasa loob.

"Oh Dr.Ross and Chief Nurse Diez, both late huh" bungad saamin ni Dr. Elbino at mapanukso na tumingin saamin.

Nauna akong umupo doon, sumunod si Atlas at sa tabi ko umupo kaya bahagyang napataas ang kilay ko.

Close tayo?

Nag patuloy na ang meeting, puro pag papakilala iyon sa mga bagong doctors and surgeons.

"He's the youngest Cardiothoracic Surgeon in United State, at the age of 29 he passed the board exam. Take note his the Top 1 in United Stated board exam. Lets give him around of applause, Dr. Atlas Blake Ross"

He what? Topped the board exam?

I feel so proud of him despite of what happened to us.

Hindi ko napigilan ang maki sabay sa pag palakpak.

"So now, I will introduce to you you you" pabiro pa nito tinuro ang mga bagong staff "Our deans, administrators, co-staff and chiefs in every departments." Paninimula ulit nito.

Pinag lalaruan ko lang ang lapis sa kamay ko habang tamad na nakikinig. Sa 5 years ko ba naman dito, kilala ko na lahat ng narito kaya hindi ko na kailangan makinig masyado.

"Inattentive" Rinig ko na bulong ng katabi ko, kaya agad akong lumingon sa kanya at sinamaan sya ng tingin bago tumingin ulit sa powerpoint na dinidisscus ni Dra.Vien, sakto naman na picture ko na ang naroon.

Mapakla akong tumingin doon, sobrang bata ko pa sa picture na yon kung hindi ako nag kakamali 25 years old ako nyan.

"Chief Nurse Steffhany Skylene Diez, she's the youngest Chief Nurse in our hospital. 5 years in the service, sobrang loyal and dedicated sa work kaya hanggang ngayon single." Pabiro kong sinamaan ng tingin si Dra. Vien dahilan para tigilan nya ang personal life ko.

Sa wakas nasa closing remarks na kami ng meeting, gutom na ako dahil hindi ako nag breakfast bago pumasok.

"If there's no comment, suggestion or violent reaction, the meeting dismissed." Mabilis akong tumayo para maunang lumabas dahil sa gutom ko pero napatigil ako noong tawagin ako ni Dra. Vien

"Nurse Steffhany?" Tawag nito, nilingon ko sya at ang lalaking nasa gilid nito, si Atlas.

"What?" Asik ko na nakataas ang isang kilay, sanay na sila sa pa minsan minsan kong kasungitan.

"Chill Chief! May papakilala lang ako sayong pogi" Mapanukso pa syang tumingin sakin bago ilipat kay Atlas "Just kidding" bawi nito ng makitang tatalikuran ko na sila.

"Dr. Ross asking for a help, hindi nya alam ang pasikot sikot dito sa hospital kailangan nya ng tour--"

"Sa Intramuros maraming tour guide" Putol ko dito at akmang mag bubukas na ng pinto palabas.

"Nurse Steffhany naman, bilis na. He needs you" pag mamakaawa pa nito.

E noong kailangan ko ba sya, nasaan sya?

"Pag iisipan ko" Sabi ko pa dahil hindi din naman ako titigilan nyan, tuluyan na akong lumabas sa conference room.

Nag lakad na ako pabalik sa headquarters pero napatigil ako noong may humarang sa daanan ko.


"What?" Singhal ko kay Carl, isa syang Doctor na ayaw ako tigilan kahit binusted ko na ng ilang beses.

"Coffee or Milk tea?" Alok nito na wala naman ng bago.

"Get loss Dr.Velencia" nilagpasan ko na sya, narinig ko pa na tinatawag tawag nya ako pero hindi ko na sya nilingon.

Unprofessional tsk.

Hilot hilot ko ang sintido ko habang nakaupo sa kama ko sa headquarters, napasama talaga ang pag inom ko ng beer.

"Uminom ka ng beer?" Nailipat ko ang tingin ko kay Atlas, hindi ko napansin ang presensya nya.

How did he know?

"Nope" sagot ko at nag type sa cellphone ko.

Nag pa deliver nalang ako ng pagkain ko dahil wala ako sa mood lumabas. Ilang sandali lang dumating yon.

Alangan akong tumingin sa gawi ni Atlas na naroon pa din sa tapat ng kama ko.

"Wala ka bang duty?" Tanong ko dito, hindi dahil sa interesado ako kundi dahil gusto ko umalis para maka kain ako.

"Night shift" Sagot nya.

Pareho pa kami ng shift, kung minamalas ka nga naman.

"Kumain kana? Hindi kasi ako maka kain ng maayos" Deretsa kong tanong.

"Sorry, I'll leav--"

"Umupo ka dyan at kumain." Tinuro ko pa ang upuan sa tapat ko at inilagay sa table nya ang isa pang paper bag na may laman na pagkain kagaya ng saakin, sinadya ko yon na dalawa dahil baka bitin ang isa. Wag assuming.

Tahimik lang akong kumakain, hindi pinapansin ang presensya at pasimpleng sulyap nya.

"How are you?" Basag nito sa katahimikan.

Kamusta? Kamusta ako noong iniwan nya? O kumusta ako ngayon?

"Just eat silent, Dr. Ross"

---

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon