16

40 5 0
                                        

"Akala ko ba labi lang ang didiligan Steffhany? Ang rupok ha, hindi jowa nag papadali! Nanliligaw palang yan ha! Paano na kaya pag jowa mo na yan? Baka inoras - oras nyo na yan" Bulyaw ni Marseille.

Nandito kami ngayon sa condo unit ni Miracle, Girls night out after a long fight sa requirements at deadlines.  Isa pa vacation na namin kaya bago kami mag hiwa-hiwalay ay napag planuhan namin ito at buti nalang natuloy ngayon.

Nag kwento din ako sa kanila ng mga kaganapan ko sa buhay dahil pakiramdam ko ang dami ko ng tinatago sa kanila.

"Ang sakit mo naman mag salita"Reklamo ni Divine at akala mo nasasaktan talaga.

"Sasagutin ko naman na sya this Christmas." Pag dedepensa ko sa sarili ko bago uminom sa beer na hawak ko.

"G ka ba sa long distance relationshit? Ikaw na mismo nag sabi na aalis sya before december ends. Paano na kayo?" si Miracle, pinag krus nya pa ang mga braso nya at masama akong tinignan na kala mo hinuhusgahan ako.

"Malay natin, kapag nag confess ako mag stay sya. "

"Wag ka umasa" Payo ni Miracle.

"Tama, umasa ka" pang gagago ni Divine

"Gago ka Divine" hinatak pa ni Marseille ang buhok ni Divine "Payong kaibigan lang Steffhany, pangarap nya yon. Papayag ka ba na ikaw ang magiging dahilan ng hindi nya pag abot doon? Wag mong hahayaan na ikaw ang maging dahilan sa pag bitaw nya sa pangarap nya. " Dugtong pa nito.

Napa isip ako, tama naman sya. Kahit ako hindi ko isusuko ang pangarap ko kung ako ang nasa lagay nya.

"Sacrife or giving up lang ang choice mo Steffhany. Minsan ka nalang ma in-love complicated pa."Natatawa pa si Miracle bago kumain ng chips at tumungga sa beer nya.

Sacrificing is better than giving up di ba?

"Basta kapag ikaw na broke. Wag kang mahihiyang lumapit sakin, marami akong irereto sayo. Gusto mo araw araw pa iba iba eh. Ano bang trip mo? Kagaya ba ni Atlas na bodyguard?" Sabay na binatukan ni Marseille at Miracle si Divine dahil sa mga kalokohan nya.

Isinantabi ko na muna ang sa amin ni Atlas habang kasama ko ang mga kaibigan ko.

Nag movie marathon pa kami habang nag iinom. Nakakainis nga dahil yung horror movies na pinapanood namin naging katatawanan.

"Tang*nang yan, kung ako yung bida dyan baka kinama ko muna yan. Ang gwapong multo nyan fren!" Ilang multo at mamamatay tao na ang gusto ikama ni Divine dahil sa gwapo naman talaga. Pero ang weird nya, kaya puro kami tawa.

Nawala ang pag kaabala ko sa panonood noong mag ring ang cellphone ko.

Inabot ko iyon sa lamesa noong makita ko na si Atlas ang natawag.

"Ay sana all." Kantyaw ni Miracle.

"Hala! Bawal yan, Girls night out eh" pag sisita ni Marseille na akala mo ay lumabag talaga ako. Wala naman sa rules yon.

"Go girl!" Pag che-cheer ni Divine.

Hindi ko napansin na nakuha din pala ang atensyon nila.

Kinuha ko yung cellphone ko at naglakad palabas sa balcony ng unit ni Miracle bago sinagot ang tawag.

'Hi Goodevening'  He greeted at halata namang nakangiti sya kahit hindi ko nakikita.

"Why? Missing me?" Pang aasar ko

'Opo' He answered. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

I clear my throat "Kumain kana ba?"

'Opo, ikaw? How are you there? Are you enjoying your girls night out?"

Hindi ko mapigilan tumawa noong marinig ko ulit ang Opo nya.

"Yes, nag e-enjoy ako but I miss you."Sabi ko habang kagat kagat ang kanang hintuturo ko.

'Tell me your exact location, I'll be there.' I can't help but to smile, kinikilig ako.

Sinend ko ang location ko sa kanya bago ako pumasok sa loob. To my surprised wala na sila dito, tanging mga kalat at bukas na t.v nalang ang naroon.

"Steffhany, paki linis dyan. Parusa mo yan dahil sumagot ka ng tawag habang kasama mo kami." Sigaw ni Marseille mula sa kwarto ni Miracle. Mukhang mga tinamaan na ang mga gaga kaya nasa kwarto na.

Pinatay ko muna ang t.v at nag ligpit sandali habang hinihintay ang pag tawag ni Atlas dahil sabi ko wag sya mag dodoorbell para hindi nila malaman na pinapunta ko sya. Pakiramdam ko tuloy isa akong anak na suwail at pumupuslit para makipag kita sa jowa.

Kinuha ko agad ang Cellphone ko noong makita kong tumawag na sya.

'Open the door. I'm here'

Mabilis akong tumakbo papuntang pintuan at pinagbuksan sya. He was wearing a gray sweatshirt and shorts. Naka slippers lang din sya, simple but still attractive.

"I bring you and your friend a soup. Where are they?" Tanong nito habang nag lalakad kami papasok sa loob.

"Tulog na" Umupo na ako sa sofa, He sat beside me kaya madali ko syang nayakap.

"I miss you"I whispered. Yumakap din sya pabalik.

"Scary, your obsession scare me"Tumawa ito.

Sinamaan ko sya ng tingin.

2 weeks nalang ang mayroon kami kaya kahit mag kasama lang kami kanina pakiramdam ko namimiss ko na sya. I want more years or months with him, pero malabo na yata iyon kaya ang magagawa ko nalang ay sulitin ang araw na kasama ko sya.

The next thing I knew, I was making out with Atlas in Sofa pero agad kaming napatigil noong marinig namin ang pag bukas ng pinto ng kwarto ni Miracle.

"May guest room Steffhany! Jusko wag sa sofa ko, baka masira yan"Saway ni Miracle at iiling iling na nag lalakad papuntang kusina.

"We're just kissing, Miracle." Sigaw ko sa kanya. "Anong masama doon?" Dugtong ko pa at inis na umupo ng maayos.

Tinulungan ako ni Atlas mag ligpit ng mga ginamit namin kanina, bago ko mapag pasiyahan pauwiin na sya dahil anong oras na.

"Take care, Just call me kapag nakauwi kana." Paalala ko, lumapit ito sakin at dinampian ako ng halik sa noo.

"I just text you, I don't want to disturb your sleep" sabi nito at hinalikan ako sa labi "Go inside" utos pa nya kaya sumunod nalang ako.

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kwarto kung saan naroon sila. Tulog na sila pwera kay Miracle.

"Landede!" Pang aasar nya.

"Meron to, tanong mo pa kay Atlas." Tumawa lang kami at bahagyang natahimik bago ulit sya mag salita.

"Mahal mo na ano?" bahagya akong nagulat sa tanong nya, pero agad din akong ngumiti.

"Oo" tumawa ako na may halong kilig "Hindi ko inaasahan na ma i-inlove ako sa kanya. Unpredictable!"

Sa totoo lang wala akong planong ma in love kay Atlas, pero fate made me like this. Naaalala ko pa noong una gusto syang alisin sa buhay ko, pero ngayon halos ayaw ko na syang mawala. Kung pwede lang diba.

"I hope you guys stay forever" Miracle giggled.

I smiled bitterly knowing na aalis sya.

"I hope so" I answered and lie down on bed.

We slept after our small talks.

---

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon