"Are you guys ready?"
"Yes chief" Sagot nila, sinenyasan ko na sila sumakay ng shuttle namin.
Hatak hatak ko ang suitcase ko papunta sa shuttle, isasakay ko na sana yon pero napatigil ako noong may humatak non.
Si Atlas at Dr. Carl
"Bitawan nyo" Saway ko dahil pinag aagawan nila iyon.
"I'll help you" Pag mamatigas ni Atlas.
"Ako na" Agaw ni Carl.
"Manahimik kayo. I can do it, okay" masama ko pa silang tinignan saka ko hinatak iyon paakyat.
Ano ba sa tingin nila ang ginagawa nila?
Maraming vacant seat dahil pito lang naman kami. Sa likod ako ni Miracle pumwesto. Agad syang sumilip sakin.
"Haba ng hair, naapakan ko na oh" Irita ko syang tinaasan ng kilay. Umupo na ako ng maayos doon.
Napalingon ako sa katapat ko, doon umupo si Atlas.
Nag umpisa na kami bumyahe kaya inilabas ko na doon ang cellphone ko at airpods. Kamalasan ay ayaw gumana non.
"We can share mine" napalingon ako kay Atlas. Earphone ang dala nya kaya taka ko syang tinignan, nahalata nya yata yon kaya tinap nya ang upuan sa tabi nya.
Nag aalangan pa ako pero lumipat na ako doon. Malayo ang byahe, kaya grinab ko na ang opportunity.
Inabot nya sakin ang isa, nilagay ko yon sa tenga ko at sumandal sa back rest ng upuan ko. Inaantok ako kaya mabilis din akong nakatulog.
Nagising lang ako dahil sa mahinang pag alog saakin.
Idinilat ko ang mata ko, agad akong napa ayos ng upo noong mapansin ko na naka sandal na pala ako kay Atlas.
"Lunch muna tayo, tara na" sigaw ni Dra.
Naka stop kami para mag lunch, hindi alam kung nasaan na kami ang alam ko lang nakalabas na kami sa Maynila.
"Kamusta ang pag tulog sa balikat ni Dr. Ross?" Pang aasar ni Miracle noong makalapit sya.
"Hi Chief, anong order mo? My treat" nilagpasan ko lang si Dr. Carl at hindi pinansin ang pangungulit nya.
"Iba din ang tama sayo nyan ni Dr. Velencia ano?" Tanong ni Miracle.
Umupo na kami sa mahabang lamesa, hinihintay ang iba naming kasamahan. Ilang minuto lang dumating na sila, umupo sa tabi ko si Atlas at sa kabila si Miracle ang kaharap ko naman ay si Carl.
Ilang minuto lang dumating na din ang inorder namin, bawal kami mag sayang ng oras dahil dapat naroon na kami ng gabi.
Noong matapos kami ay bumalik na kami sa shuttle at bumyahe na ulit. Hindi na ako tumabi kay Atlas dahil baka makatulog nanaman ako sa balikat nya, mahirap na baka ma issue. Buti nalang may t.v itong shuttle kaya hindi ako gaanong naburyo.
"We're here" napasilip agad ako sa bintana, madilim na ang paligid ang tanging ilaw nalang ang naroon sa covered court.
"Move"Utos ko.
Kanya kanya kaming baba ng mga gamit namin , sunod ang mga medical supplies. Nag tayo kami doon ng medical tents, nag lagay din kami ng mga hospital beds sa loob ng tents. Kasama ko si Miracle nag aayos sa loob ng isang tent habang ang iba ay nasa iba ding tent.
"Buti pumayag ka sa medical mission na to" Tanong ni Miracle habang nag aarrange ng mga medicines sa shelves.
"Why not? My pleasure" Tinignan ko pa ang pag ka arrange ng shelves kung maayos na ba.
"What I mean is, syempre kasama yung Ex mo"
"Hindi ko nga sya e--"
Napatigil kami sa pag uusap noong makita ko si Kim na humahangos, hihingal hingal pa to na nakatingin saakin.
"Chief"
"What happened?" I approached her.
"Nag pi fist fight si Dr. Velencia at Dr. Ross" nanlaki ang mga mata ko, Automatic na napatakbo ako at hinanap sila.
"Anong ginagawa nyo?"bulyaw ko sa kanilang dalawa.
They both stopped, napako ang tingin ko kay Atlas na dumudugo ang ilong at putok ang labi.
"Pass your Explanation Report when we get back to manila. Dr. Velencia follow me!" Pinasadahan ko sila ng tingin bago lumakad palayo doon, naramdaman ko ang pag sunod nya kaya tumigil ako at hinarap sya.
"What are you doing?"
"I'm sorry Chief, hindi ko napigilan. Masyado syang pabida."
"Pabida? For what reason? Are you a child?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ipamukha sa kanya na napaka unprofessional nya.
"Hindi na mauulit. Sorry na" naramdaman ko ang pag babago ng tono nya, hindi katulad kanina na puno ng galit.
Ano kayang nagawa ni Atlas at umabot sila sa ganito?
"Dapat lang, treat your wound" tinusok ko pa ang putok nyang labi bago sya iwanan doon. Narinig ko pa ang pag daing nya.
I looked for Atlas right ayaw, nakita ko sya sa isang tent nag aayos na sya doon na parang walang nangyari.
"Hey" tawag ko dito, sandali lang itong lumingon bago ibalik ang tingin sa ginagawa nya.
"Yes, I will pass my E.R when we get back" sagot nito without looking at me.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya para makita ang sugat sa labi nya, pilit nya iyon tinatago.
"Wala ka bang balak linisin yan" Tinapik nya ang kamay ko na naka hawak sa mukha nya saka ako tinalikuran.
Kumuha ako ng first aid kit at nilapag iyon sa lamesa.
"Come here, I'll treat your wound" utos ko
"I'm the doctor here" sagot nito habang pilit iniiwasan ang tingin ko.
Bakit ba ang arte nya? Gusto mo sampal?
"Ok---"
"Fine" padabog pa itong humatak ng upuan papalapit saakin.
Hinawakan ko iyon at bahagyang inilapit para madaling linisan.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko dito bago ibaba ang tingin sa labi nya.
Hindi ko alam kung ilang beses ako napalunok bago iyon dampian ng alcohol pad.
"Why asking me? Ask your suito--aray" sinadya ko iyon diinan para tumigil sya.
"Are you jealous?" Tinaasan ko sya ng kilay at inilayo ang mukha nya.
"Yes, what's the matter. Just treat my wound" Nilagyan ko lang iyon ng ointment bago sya talikuran, pero agad akong napabalik dahil sa pag hatak nya dahilan para mapa upo ako sa kandungan nya.
"Ano bang ginagawa mo" Sita ko sa kanya, naramdaman ko pa ang pag yakap nya sakin. Hindi iyon mahigpit pero sakto lang para hindi ako makawala.
"Just for a minute" hinarap ko sya ng hindi makapaniwala, nakapikit sya "Thank you"
Nag tama ang tingin namin noong dumilat sya, inalalayan nya ako makatayo bago sya tuluyang lumabas sa tent at iwanan akong tulala at naguguluhan.
My heart...
---
BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)