It was a normal day. Natapos na ang duty ko sa hospital, umupo muna ako para mag pahinga dahil 8hrs akong nakatayo.
"Mukhang biyernes santo ang mukha mo Steff ah?" inirapan ko lang si Divine at kinuha ang cellphone ko dahil wala ako sa mood makipag asaran. Narinig ko pa nag halakhakan tong mahaharot na to.
Nag selfie lang ako, at nilagay ko iyon sa Ig stories may caption pa na 'tired'.
I o-off ko na sana yung phone ko pero may nag text sakin,
From : Unknown
I'm in the parking lot, waiting for you.
Agad ako napa ayos ng sarili at kinuha yung mga gamit ko."Oh? San ka pupunta? Parang nag mamadali ka?" pag uusisa ni Miracle.
Kumaway lang ako sa kanila at saka tumakbo pababa ng hagdan, pero agad din akong napatigil.
"Bakit nga ba ako nag mamadali? May inaasahan ba ako? Boba baka wrong send lang yan" kausap ko sa sarili ko.
Wala pala akong jowa.
Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad, malayo pa man ako sa kotse ko, nakikita ko na may nakatayo doon.
"Why are you here?" nag tataka kong tanong kay Atlas.
"I'm waiting for you" nag lakad pa ito papuntang kotse, akala ko doon sya sasakay pinag buksan nya lang pala ako. Sumakay naman ako don.
"Eh akala ko ba may important matter kang gagawin? Miss mo siguro ako" sabi ko nung makapasok na sya sa driver's seat. Nag seatbelt muna ito bago mag start ng engine.
"I'm your personal bodyguard right? It's done" umirap lang ako sa kanya kahit hindi nya naman iyon makikita dahil naka tingin sya sa daan.
"Where did you get my number?" pag iiba ko ng usapan.
"Of course to your dad"
Sabagay, hindi na ulit ako nag salita. Sinandal ko nalang ang ulo ko at ipinikit ang mga mata.
"How was your day?" idinilat ko ang mga mata ko sa gulat, himala ah? Kinakausap nya na ako.
"Tiring" sagot ko dito at tumingin sa bintana "saan tayo pupunta?"tanong ko dahil hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay.
"Ikaw? Where do you want to go"
"Kain tayo, my treat"
Nag park na kami sa isang restaurant. Naunang pumasok si Atlas, hinintay nya pa ako makapasok bago bitawan ang pinto.
Nahiya agad ako sa itsura ko ngayon, halos ang mga nakain kasi dito naka formal attire. Samantalang ako naka dress pang duty, below the knee pa kaya kung makikita nyo ako sa gabi, baka mapag kamalan nyo akong white lady.
Naupo kami sa for two na table dahil dalawa lang naman kami, medyo dulo iyon.
"Wow" mangha pa ako sa view na nakikita ko, glass kasi yung wall ng restaurant na to kaya kitang kita yung view lalo na at pa dilim na.
"What's your order?"
"Kung anong sayo, ganon na din ang sakin" sagot ko habang naka tingin pa din sa view, nakaka relax.
"Hi Sir Atlas, gaya pa din ba ng dati ang order mo?" napalingon ako sa babaeng lumapit samin, staff siguro dito.
Tumango si Atlas sa babae at saka lumingon sakin "for two"
Bahagyang nawala yung ngiti ng babae nung lumingon sakin, agad din syang umalis.
"Palagi ka bang nandito?" usisa ko at binalik na ang tingin sa view.

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomansaSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)