Mabilis na lumipas ang araw, ganoon yata kapag in-enjoy mo. Today is our last day here in Ilocos, tomorrow morning ang flight namin pabalik sa Manila. Nasa isang souvenirs shop kami ngayon, nag hahanap ako ng pasalubong para sa mga kaibigan ko. Kumuha lang ako ng mga t-shirts and key chains for them.
After kong mag bayad, I look around to find Atlas. Nahanap ko sya sa labas ng store at may kausap sa phone mukhang seryoso pa.
"Yes" tinignan nya pa ako bago tumingin sa malayo "See you tomorrow then," inalis ko ang tingin ko sa kanya bago nya pa patayin ang tawag.
Nauna na akong nag lakad at naka sunod naman sya. Tahimik lang kami hanggang sa maka balik sa kwarto.
Nag aayos na ako ngayon ng gamit ko, binaling ko ang tingin kay Atlas na busy nanaman sa kausap nya sa cellphone, ngayong araw halos hindi ko sya makausap dahil oras oras yata may kausap sya sa cellphone. Inis kong sinara ang maleta ko at inilagay na yon malapit sa pintuan.
Kinabukasan, maaga kami nag paalam hinatid kami ni Uno sa airport.
"Balik kayo Lene ha, isama mo ulit yon" tinuro nya pa si Atlas na nauunang mag lakad hatak hatak ang luggage namin "Sa susunod na balik mo dito dapat nobyo mo na yan!"
"Whatever Wandelle!" binatukan ko pa sya.
Nag paalaman lang kami saglit hanggang sumunod na ako kay Atlas, nakaupo na sya sa waiting area at may kausap nanaman sa cellphone nya.
Naiirita ko syang tinignan pero agad ko din iniwas yon dahil nilingon nya ako.
"Aga ha" I whispered.
Hanggang makarating kami sa bahay para akong mag isa lang, ang tahimik nya buong byahe kaya wala akong nagawa kundi tumahimik nalang din. Hindi namn nakakapanibago ang pagiging tahimik nya, pero parang may iba kasi at kinaiinis ko yon.
Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama at tumingala nalang sa kisame.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Mali maniwala sa mga pinag sasabi ng Atlas na yon!
Mabilis na lumipas ang sabado at linggo, nag review lang ako ng mga araw na yan. Monday na ngayon at syempre makikita ko na si Atlas. Pag tapos ko mag asikaso bumaba na ako, sumalubong pa sakin si mommy.
"Goodmorning mom," I greeted.
"Goodmorning honey, you're so early ha?" nakangiti pa ito habang nakatingin sakin.
"I have to go mom, dumating na ba si Atla---"
"Hindi ba nya nasabi sayo?" putol nito kaya nilingon ko sya "Nag file sya ng one week leave anak"
Naguguluhan akong tumingin sa kanya "One week? Ang tagal naman noon. Why did you allow it?" Inis kong tanong "Ah, nevermind" bawi ko kaagad nung mapag tanto ko na nag overreact ako.
Pumunta na agad ako sa kotse ko, pabagsak akong umupo doon at hinilot ang sintido.
"Punyeta ka Atlas!" Sigaw ko, kinuha ko ang cellphone ko para i check kung may message sya pero wala kaya tinapon ko nalang ang phone ko at pinaandar ang kotse.
Hindi ko naramdam ang pag kawala ni Atlas ng isang linggo dahil halos na busy ako sa sunod na sunod na exams at deadlines ng requirements, isang buwan at kalahati pa naman ang natitira bago matapos ang 2nd semester pero inuumpisahan na mag compile ng mga requirements.
"Whuuuuu, grabe nakakapagod talaga mag habol" maarte pang nag pupunas ng pawis si Miracle kahit ang totoo wala naman syang pawis.
"Deserve natin malasing, ano G ba kayo? Mamaya" wala pa man nasagot pero confident na si Marseille na sasama kami.
"Road to 4th year na tayo mga future prostitute nurses!" Sabay sabay kaming nag tawanan sa sinabi ni Divine.
Gaya ng napag usapan, may pre-celebration kami sa isang club, Friday ngayon kaya kumpleto kami. Naka fitted off-shoulder dress ako na kulay silver, ending below my knees. Nagsuot pa ako ng silver heels. Naka bun ang buhok ko pero may pag ka messy, nag lagay rin ako ng light na make up at red matte lipstick.
Nag pasundo ako kay Miracle ngayon dahil wala ako sa mood mag drive, buti nalang at wala syang reklamo.
"Himala at nag pasundo ka ha? Wala bodyguard mo?" Ngumuso lang ako at hindi sumagot.
Napasulyap agad ako sa phone ko ng maalala si Atlas, simula noong umalis sya ay hindi man lang nya ako naalalang i-text!
"Mukhang sinukuan kana ng bodyguard mo ah?" Inis ko syang nilingon "Kalimutan mo na yan, maraming fafi doon palitan mo nalang"
Nakarating na kami sa club, kumuha kami ng VIP room. May glass window iyon kaya kitang kita pa din ang labas nito.
Dahil inom ang pinunta namin, agad namin inumpisahan yon. Nag straight shot pa kami ng tequilla bago kami pumunta sa dance floor at nakihalubilo sa iba. Marami akong nakausap na mga lalaki habang nag sasayaw, pero ni isa sa kanila wala akong natipuhan para makalandian. Hanggang usap lang, walang deal.
Bumalik muna ako sa couch namin, at nag straight shot ng red label. Naka ilang shot pa ako bago bumalik ulit sa dance floor. Pag sasaya nalang ang pinunta ko dito, hindi na ulit ako nag hanap ng makakalandi dahil iiwan din naman ako nyan sa huli gaya ni Atlas.
Noong mapagod ako sa pag sasayaw, napag pasiyahan kong bumalik na sa VIP room namin.
"Ahh sh*t, harder pl---"Agad kong sinarado ulit ang pintuan ng room namin at tinalikuran yon ng mapagtanto ko na may live show doon.
Tang*nang Divine to, nakikipag chuchakan sa VIP room na kinuha namin para saamin. Hindi man lang pumili ng ibang lugar ang gaga!
Bumalik nalang ako sa dancefloor dahil wala akong choice, hinanap ko pa si Marseille at Miracle pero hindi ko na sila nahanap. May mga ilan pa akong nakausap sa dance floor, pero kagaya noong una wala akong natipuhan. Iniwan ko na ng dance floor at lumabas muna para mag pahangin. Nakakabingi din kasi ang ingay doon.
Umupo ako sa smoking area kahit hindi naman ako naninigarilyo, wala kasi akong ibang makita na pwede upuan maliban dito.
Nakatingin lang ako sa mga paa ko habang sinisipa ang mga maliliit na bato doon.
"Why are you here? Bored? "
"Yeah, I think, I lost my flirting skills"
He chuckled.
Bahagya akong napatigil nang mag sink in sakin ang pamilyar na boses at tawa na yon. Napatayo ako sa kina uupuan ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Naramdaman ko ang pag babago ng tibok ng puso ko, dumoble iyon sa normal na bilis ng tibok ng puso.
"Atlas?"
Naka tayo sya sa hindi kalayuan, nasa bulsa pa nito ang kanang kamay. He was wearing wearing white polo long sleeves na nakatupi pa hanggang siko, bukas ang una hanggang pangatlong butones non.
Hindi ko napigilan ang sarili ko tumakbo papalit sa kanya, yumakap kaagad ako sa kanya.
I missed him so bad!
"Hey, why are you crying? Are you okay?" Hinahaplos pa nito ang likod ko.
Agad akong umalis sa pag kakayakap ko at tinalukuran sya, patago na pinunasan ang mga luha ko na hindi ko namalayan na tumulo. Mga taksil!
"I'm mad, why are you here?" I sounded childish, kaya napa pikit ako ng mariin sa inis. Lalo pa akong nainis ng marinig ang mga tawa nya.
"I'll take you home" He grabbed my hand kaya agad ko yon hinatak pabalik.
"Take me to your condo"
Nilagpasan ko sya at nauna ng mag lakad.
"Okay" humabol pa ito at saka kinuha ang kamay ko.
---

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)