26

27 2 0
                                        

"Are you okay? Simula bumalik ka galing sa medical mission e lagi kang wala sa sarili" nilingon ko si Marseille na nasa kanan ko, nakaupo at kaharap ang Chart ng patient.

"Ah okay lang ako" pag sisinungaling ko at tumayo na para tignan ang schedule ko sa susunod na linggo.

Wednesday and friday may major operation ako. Tinignan ko pa yung surgeon at iba kong kasama. Napatigil ako noong mabasa ko na si Atlas ang makakasama ko.

"Ay Chief, babaguhin yan. Ito yung latest." Sabi ni kim at tinanggal iyon bago ipalit ang bagong schedule. Agad kong tinignan iyon, pakiramdam ko nanlumo ako noong makitang iba na ang surgeon na makakasama ko.

"Nag pasa ng resignation letter si Dr. Atlas matapos tayo umuwi galing medical mission. Sayang naman" rinig kong sabi ni Kim bago umalis at bumalik sa nurses station.

Resignation letter?

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sinabi ko, pero isa lang ang sigurado ako, yun yung nag sisi ako bakit ko sinabi yon.

Hindi pa din sya nag babago, masyado pa din syang masunurin.

"Bakit kaya mag re-resign si Atlas?" Nilapit pa ni Marseille ang mukha nya sa mukha ko "May nangyari ba?" Pinanliitan pa ako nito ng mata.

"Wala. Sige na out na ako" tinapik ko lang ito bago dumeretso sa headquarters, kinuha ko lahat ng gamit ko doon, simula umuwi kami galing sa medical mission ay dito ako nag stay para maka iwas kay Atlas, naging successful naman iyon dahil ilang araw ko na syang hindi nakikita, pero bakit parang hindi ako masaya?

Inayos ko muna ang kama ko bago umuwi sa unit. Dahan dahan pa ako pumasok doon na akala mo mag nanakaw.

Agad din nalukot ang mukha ko noong mapag tanto ko na wala sya doon, hinanap ko pa sya sa ibang parte pero wala.

Why am I not happy? Ginusto ko to diba? Pero bakit ganito.

Ibinagsak ko nalang ang sarili ko sa kama at hinayaan ang sarili umiyak, umiyak sa hindi malamang dahilan.

"Gago ka talaga Atlas! Akala ko ako lang ang naiwas, ikaw din pala! Well played" Sigaw ko habang naka subsob ang mukha sa kama. Hinayaan ko nalang ang sarili ko umiyak hanggang makatulog.



Kinabukasan, pumasok pa din ako kahit maga ang mga mata ko. Hindi kaagad ako lumabas sa headquarters para mag ayos ng sarili.

"Calling the attention of all nurses and doctors, on duty or not please go to Emergency Room. Code black"

Code black : Medical Emergergency, Bomb threats or any terrorist activity.

I immediately ran to the emergency room,  alam kong emergency iyon pero hindi ko alam na ganito karami ang naroon.

"Matutulala ka lang ba dyan o tutulong?" Na istatwa ako dahil sa pamilyar na boses na yon, tinapunan pa ako ng malamig na tingin bago ako lagpasan.

"Get the first aid kit" Rinig kong sigaw nito na nakapag pabalik sakin sa katinuan.

Tumakbo ako sa Medical Supplies Room para kumuha ng mga gamit, tulak tulak ko ang isang crash cart habang pabalik sa pwesto ni Atlas na may batang inaasikaso.

"Give me Alcohol pad, move faster. Its emergency" agad akong kumilos dahil sa tingin ko ay nauubos na ang pasensya nya sakin.

Bakit ba ngayon pa ako wala sa sarili!

Lumapit ako sa isang matandang babae na may sugat at galos sa katawan nya.

"Medyo mahapdi lang ito Nanay" Sabi ko pa bago linisan ang mga yon.

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon