Tingin ko maaga pa ako nang magising dahil nasa tabi ko pa din si Atlas, tumagilid ako para masilayan ko sya.
Ang messy na ng hair nya pero ang gwapo nya pa din, unfair diba?
Napaisip ako bigla, may possibility kaya na mag kagusto ako sa kanya ng ganoon ka bilis? Ilang linggo palang! Ganoon ba ako karupok?
"Ahhh, siraulo" bulong ko sa sarili ko, bumangon na ako at nag shower.
Balak ko kasi mag swimming sa umaga para hindi masakit sa balat. Alam nyo na, sayang skin care.
Nag suot ako ng black two-piece swimsuit featuring a V-neckline with straps that crisscross at the back. Sinuot ko muna ang beach dress ko na white, manipis lang yon pero sapat na para ma cover up yung swimsuit ko. Nag bun din ako ng buhok, medyo messy kasi wala akong suklay na gamit.
Nakita ko sa salamin ang pag daan ni Atlas, mag sho-shower na siguro. Tinignan ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas. Kinuha ko na yung sunblock at nauna ng lumabas.
"Aga mo ah?" si Uno ang bumungad sakin,
"Hindi ko kailangan ng tourist guide, ayon oh baka kailangan nila" turo ko pa sa mga guests.
Nauna na akong nag lakad, dumeretso ako sa beach chair at doon ko tinanggal yung dress ko.
"Goodmorning," gulat pa ako noong tinignan ko si Atlas, nakaupo sya sa ibabang part ng inuupuan ko.
He was wearing a beach short and polo bukas pa yung tatlong butones non. May Ray-Ban sunglasses pa sya na nakasabit.
Hinayaan ko nalang sya doon, nag lagay na ako ng sunblock sa katawan, ang kamalasan lang hindi maabot ang back part ko.
"Can you?" inabot ko sa kanya yung sunblock at saka ako tumalikod. Ilang minuto pa ako nag hintay pero hindi dumampi yung kamay nya sa likod ko kaya hinarap ko sya, nakatingin sya sa malayo nag hahanap ng babae? Inagaw ko nalang yung sunblock sa kanya at hinanap si Uno.
"Uno, palagay naman" hinagis ko pa sa kanya yung sunblock mabuti nalang at nasalo nya. Tumakbo sya papalapit kasabay non ang pag alis ni Atlas, sinundan lang namin sya ng tingin.
"Nag selos yata," sabi ni Uno habang nag lalagay ng sunblock lotion sa likod ko.
Selos? I'm not his type.
Nag swimming lang ako hanggang 10am, hindi ko na enjoy dahil hindi sa hindi malamang dahilan. Binalik ko na yung dress ko. Basa na akong bumalik sa bahay, nakita doon si Atlas na nanonood.
"Ano yan nag bihis ka lang para manood dyan?" irita ko syang tinignan, pinatay nya agad yung t.v at pumasok ng kwarto.
Anong drama yon?
Sumunod ako sa kanya,
"What's the problem?" I asked.
Hindi sya tumitingin sakin nakaupo lang sya sa gilid ng kama, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nakokonsensya ako kahit hindi ko alam kung ano ba talagang nagawa ko sa kanya.
"You, you are the problem" matagal bago sya sumagot,
Ako?
"Don't play with my feelings" he added. Naguguluhan ko syang tinignan.
"Naka drugs ka ba? Ano bang pinag sasabi mo?" umupo ako sa tabi nya dahil baka nabibingi lang ako at mali mali na ang naririnig ko.
"I like you" literal na nanlaki ang mata ko, hindi maka paniwala sa sinabi nya.

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomansaSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)