"Ahhhh"
I wake up with a headache. Tang*nang beer talaga to, sakit sa ulo ang dulot.
"How are you feeling?" Huli na ng mapag tanto ko na nasa tabi ko pa pala itong si Atlas, naalala ko nanaman tuloy ang nangyari!
Nakakahiya ka talaga Steffhany!
"I'll cook" hinayaan ko nalang sya hanggang makalabas ng kwarto, gusto ko iuntog ang ulo ko dahil sa mga alaalang pumapasok sa isip ko.
"Lalasing lasing ka kasi hindi mo naman pala kaya, boba" bulong ko sa sarili ko.
Bumangon na ako at nag shower. Hindi ko alam kung anong dapat gawin ngayong araw, kung pwede lang umuwi nalang ginawa ko na kaso ang flight namin pauwi ay friday pa.
Lumabas na ako sa kwarto, lalagpasan ko na sana ang kusina kung nasan sya pero kusa akong dinadala ng mga paa ko papunta doon. Kamot ulo akong umupo sa breakfast table at nakamasid sa ginagawa nya.
"Good morning," bati nya at nag lapag sa harapan ko ng isang mangkok na lugaw.
"Luto mo?" I asked.
"Yes" umupo na sya sa upuan na katapat ko. "Eat first"
Kinain ko na yon, tama nga at masarap yon napaka talented nya talaga pag dating sa pag luluto. Pwede na!
"About yesterday, what do you mean by that?" halos maluwa ko ang kinakain ko sa gulat dahil hindi ko inaasahang itatanong nya iyon, kumuha ako ng tisyu at pinunasan ang labi ko.
"Wala yon, lasing lang ako non!" tumawa pa ako para maitago ang kasinungalingan ko.
"I didn't know that girl, she just came to take picture with me. But I refused." He explained.
"Why does she look so happy?" mukha akong tanga dahil sa tanong ko.
"I don't know either" He shrugged.
He tried to catch my eyes, pero agad kong binaba yung tingin ko sa lugaw.
Baka kung ipag papatuloy ko ang pag tingin sa kanya, baka mag iba na ang tingin ko sa kanya at doon ako natatakot.
After namin sya ang nag hugas, hindi na din ako namilit dahil baka maka basag ako.
"Saan mo gusto pumunta ngayon? Baka may gusto kang gawin" I asked, dahil baka kagaya ko e na bo-bored na din sya dito pero wala syang choice.
"Anywhere, it's up to you." Mukhang hindi sya interesado,
"Gusto mo mag pa tour tayo kay Uno d---"
"No, just the two of us"
"Nag seselos ka ba kay Uno?"
"Oo" Nagulat pa ako ng sumagot sya, hindi man lang nahiya sumagot ng totoo! Wala man lang paligoyligoy.
Pero ang tanong totoo ba yon? Mamaya pa fall lang pala, tapos sa huli kapag na fall na iiwan din pala ako.
Napag desisyonan namin mag try ng beach activities. Nag swimming muna kami dahil mamaya pang hapon available ang Scuba diving.
Nag suot lang ako ng Red one piece swim suit, while Atlas was wearing beach short at naka topless. Kitang kita tuloy ang kagandahan ng katawan nya, mapapa sana all ka nalang talaga.
Nauna syang lumusong sa dagat, nilabas ko agad yung cellphone ko at kumuha ng stolen picture nya. Hindi ko alam pero natutuwa akong kuhanan sya ng litrato kapag hindi nya alam. Nilagay ko yon sa Ig stories ko na may caption na 'Ang gandang tanawin' natatawa pa ako sa iisiping hindi nya naman makikita yon. Tinago ko na din ang cellphone ko at sumunod na ako sa kanya.
Hindi ako lumapit sa pwesto nya, humanap ako ng sarili kong pwesto. Naramdaman ko ang pag lapit nya sakin, inis ko pa syang nilingon.
"Bakit ka nandito?" singhal ko.
"Because you're here" Casual na sagot nya, sarap nyang ilubog dito.
"Paano ako makakahanap ng lalaki nyan kung nandito ka? Baka isipin nila na jowa kita"
"Better. You don't need to find anyone else, I'm here " Pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa sinabi nya, umiwas ako ng tingin.
"Smileeeee! For souvenir lang po" Nilingon ko kung sino yung lalaking nasigaw, si Uno.
I raised my middle finger.
"Hoy! Yung matino naman" Sigaw nito dahil malayo, mukha namang seryoso sya dahil may hawak talaga syang camera sana lang ay maayos.
Umayos ako ng tayo, para makita sa camera ang top ko.
"Pre, akbayan mo naman." inis kong tinignan si Uno.
Umakbay naman si Atlas kaya wala akong nagawa dahil puro click si Uno sa camera.
"Mamaya ihahatid ko sainyo ito, 50 pesos each. Enjoy couple!" Gumawa pa sya ng hugis puso gamit ang mga kamay nya.
Hinayaan ko nalang sya at in-enjoy na ang dagat. Nang mag tanghali, umahon na kami, sa tingin ko ay nabawasan ang puti ko.
Hawak pa ako ni Atlas sa bewang habang nag lalakad papunta sa kubo kung saan nag hain sila Nanay Iska ng lunch.
Kagaya noong una, ipinag balat nya ulit ako ng sugpo at pinag buksan ng alimasag. Kasabay namin si Nanay Iska at Uno kumain kaya hindi naiwasan ang kwentuhan.
Nang matapos ang lunch, nag pahinga lang kami at sumakay na sa speed boat papunta sa tinuro ni Uno na magandang spot para sa pag Scuba diving. Tama nga sya at maganda talaga doon, sobrang linaw ng tubig. Kinuhanan pa kami ng litrato dahil kasama daw iyon sa package. Nag libot lang kami sa mga Isla hanggang bumalik na kami sa resort. Nag shower na ako kaagad at inihiga na ang sarili sa kama dahil sa pagod.
"Are you okay?" Umupo ito sa kama, maya maya pa nararamdaman ko na ang pag suklay nya sa buhok ko gamit ang mga daliri nya.
I could hear my heart beating so fast.
Hindi ko maintindihan bakit ganito yung puso ko, ang alam ko lang na hindi normal yon.
Pakiramdam ko nakatakas ako sa mga tingin nya noong may kumatok. Agad syang tumayo at pinag buksan ang naroon, hindi ko man nakikita pero alam kong si Uno yon.
"Stay in love!" Sigaw pa ni Uno bago tuluyang umalis.
Humiga na din si Atlas sa kama,
"Anong sadya non?" Inangat nya lang yung envelope bilang sagot. Umurong ako sa tabi nya, para makita kung anong laman non.
Mga picture namin iyon. Sabay namin na tinitignan isa isa yon. We looked couple in our pictures o nag aasume lang ako?
Inabot nya sakin yung mga pictures, kinuha ko naman yon, gulat pa ako ng maramdaman ko ang mga kamay nya na ipinulupot nya sa bewang ko. Inangat ko ang tingin sa kanya, ngayon ko lang napag tanto na sobrang lapit pala namin sa isa't isa kaya agad kong iniwas ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo?" I whispered. Gusto ko syang bulyawan, pero hindi ko magawa dahil para akong nanghihina sa yakap nya.
"Hugging you"
Anong oras na hindi pa din ako nakakatulog, samantalang si Atlas masarap ng natutulog. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Payapa na syang natutulog, napaka amo ng mukha pero sa likod noon ang ka-sungitan nya. Ang linis ng mukha nya, wala kang makikitang pimples o kahit pimple mark man lang. He looked so perfect, ganitong looks ng lalaki ang niluluhuran ng mga babae at bakla para sambahin!
I leaned on him to give kiss on his lips.
---

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)