4

53 12 0
                                        

Maaga pa sa maaga ako gumising ngayon, bawal akong malate ngayon dahil may Grand case presentation kami. Kinakabahan ako kahit hindi naman ito ang una dahil every end of semester may ganitong ganap.

Nag shower na ako at namili ng susuotin. Dahil formal attire ang dapat, nag long sleeve polo ako at pinatungan ito ng suit, naka pencil skirt lang ako at nag heels ng 4 inch dahil ayon ang required. Naglagay din ako ng light make up with pink lipstick dahil bawal ang red. Naka bun pa ang buhok ko dahil isa pa to sa required.

Nung makita kong okay naman na ako kinuha ko na ang bag ko at dumeretso na sa parking lot ng kotse ko, agad ko namang nakita don si Atlas. Naalala ko nanaman tuloy yung pag kiss ko sa kanya.

"Hi," bati nya at ngumiti na akala mo hindi natulala kahapon.

Ngumiti lang ako at papasok na sana ako sa driver's seat ng pinigilan nya ako.

"I'll drive" gulat akong tinignan sya "just for today ," dugtong pa nya at tinignan ang kabuuan ko. 

Pinapahiwatig nya siguro dahil masyado akong formal para maging driver. Pumunta na ako sa shotgun seat at tumingin nalang sa bintana.

"What's bothering you?" napansin nya yata ang katahimikan ko,

"Why? Interesado kana sakin?" biro ko, "We have Grand case presentation today, medyo kinakabahan lang"

Kahit naman maharot ako ay nakakaramdam pa din ako ng kaba, lalo kapag gantong event. At lalo kung tatlong dragon ang nasa panel.

"What case?"

"NSD with compilcation"

"Oh, i see. Basta lagi ka lang mag focus sa case mo. If panel asked you question answer it directly and straight to the point. Wag kang mag papahalata na kinakabahan ka. Ayan lang ang maipapayo ko" tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Nakarating na kami sa parking lot. Nauna syang bumaba at pinag buksan ako ng pinto,

"Wow ha? Lume-level up kana, epekto ba yan ng kiss ko?" asar ko ng makababa na ako.

"You can do it, Goodluck" binigyan nya pa ako ng goodluck smile. Gwapo talaga nito, nakaka badtrip.

"Walang goodluck kiss?" agad nya akong tinalikuran, aba bastos to. Takot manakawan ulit ng halik

Kumaway nalang ako dito dahil nasa loob na sya ng kotse. Nag lakad na ako papasok, syempre pinag titinginan ako dahil sa ganda ko. Madadagdagan nanaman ang mga followers ko, sure ako dyan.

"Blooming ka te?" bungad agad ni Divine.

"Ikaw kasi tag lanta ka," pang aasar ko at naupo na. Wala pa naman yung mga panel list, nag seset up na din yung mga classmates ko.

"Porke dinidiligan ka palagi ng fafi mo" Miracle na pumwesto pa sa harap ko,

"Ulol, igaya mo pa ako kay Divine na laging dinidiligan. Labi lang ang dinidiligan ko hindi ang kepyas"

Totoo yan, maharot lang ako pero hindi ako nakikipag chukchakan hanggang landi at halik lang talaga, kapag sumobra dyan nakakatikim sila ng sapak sa mukha. Kaya maraming nag rereport sakin, dahil masyado silang abusado binigyan na ng halik gusto pa ng kasunod.

"After this, mag ce-celebrate tayo at hahanap ng maraming lalaki na kayo mismo malulunod sa dilig" pumayag naman kami, nag kwentuhan pa kami hanggang sa nag start na ang GCP dahil nag datingan na din ang panel list.

Ang group ni Marseille ang nauna, halos puro bato ng question ang ginawa ng mga nasa panel kaya nung kami na ay kinabahan ako lalo.

Nag umpisa na kami i present ang Case namin hanggang matapos namin.

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon