7

48 12 0
                                        

"We're here"


Dahan dahan pa akong dumilat at napaayos ng upo ng makita ko ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.



Lumingon ako sa bintana ng eroplano para malayo ang mukha ko sa kanya, pa landing na pala kami buong byahe natulog lang ako dahil hindi ako nakatulog kagabi. Maya maya pa nakababa na kami, hatak hatak nya ang suitcase namin habang ako nasa likod nya lang pinag mamasdan sya.


He was wearing a plain white branded t-shirt, maong pants, and addidas shoes. May pag ka messy pa yung buhok nya dahil sa lakas ng hangin. Sa labas ng airport nag hihintay doon ang isang van na mag hahatid samin pa sakay sa speed boat. Sinalubong kami ng driver ng speed boat, sya ang nag sakay ng gamit namin don.


Umupo ako sa likod, si Atlas nasa harap ko nakangiti pa sya, hindi ko naman sya masisisi dahil maganda ang tanawin. Tas dumagdag pa sya, hindi ko alam na ganito sya ka gwapo kapag totoo yung ngiti nya, madalas kasi pang asar na ngiti o pagiging seryoso nya ang nakikita ko.


Kinuha ko ang cellphone ko, maingat ko yon hinawakan dahil baka hanginin. Kumuha lang ako ng ilang stolen picture ni Atlas bago ko isilid ulit yon sa bulsa.


"Ala, Ma'am Steffhany ikaw na ba iyan?" pag ka baba palang namin ay sumalubong na si Nanay Iska sakin, nag bless ako doon, gulat pa ako noong makita ko na kinuha din ni Atlas ang kamay ni Nanay Iska at nag bless doon.


"Aba napaka gwapo naman ng iyong nobyo." namamangha nya pang tinignan si Atlas.


Hindi ko nalang yon pinansin,


"Leneeeeee!" nanlaki ang mata ko sa lalaking yumakap sakin, si Uno ang kababatang naiwan ko dito sa Ilocos. Mas matanda lang sya ng isang taon sakin. 



"Steffhany, ang pangit ng Lene!" bulyaw ko sa kanya, at saka sya sinamaan ng tingin. Agad nawala yung tingin nya at nalipat sa kasama ko, si Atlas.


"Sino yan?" bulong nya sakin at inakbayan ako habang nag lalakad kami papunta sa bahay.


Hindi ko na sya pinansin, inalis nya din ang akbay sakin dahil nag luluto pa daw sila ng tanghalian namin.


"Nako Ma'am Steffhany, hindi pa tapos ang pag re-renovate sa isa pang kwarto sa bahay bakasyunan nyo, isa palang ang maayos. Okay lang ba na mag kasama kayo ng nobyo mo sa iisang kwarto?" tumango lang ako bilang sagot, hindi naman na bago yon dahil ilang beses ko naman na sya naka sama sa iisang kama pero hindi ko sya jowa!


Iniwan nya na kami sa kwarto na pag tutuluyan namin para makapag ayos ng gamit. Naiisip ko palang na isang linggo kami dito pakiramdam ko ika-mamatay ko na. Humiga na ako sa kama dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa byahe.


"Fix your things first" automatic ako na napatayo at padabog na lumapit sa gawi nya para ayusin din ang mga gamit ko.


Hanggang ngayon, iniisip ko pa din bakit kasama ko ito dito. Sobra na yata ang pag ta-trabaho nya kaya pati sa bakasyon ko ay kasama sya.



Nailagay ko na sa cabinet lahat ng gamit ko, pinailalim ko na sa kama yung suitcase ko. Nilibot ko ang tingin sa kwarto na to, nung huling punta ko kasi dito inaayos palang itong bahay na to. Brown ang kulay ng kwarto na to, hindi sya ganoon kalaki pero sapat na mayroon syang sarili shower room at seperate na bath tub at c.r may terrace pa na bubungad sayo ang view at dagat, may dalawang upuan don at mini table.


Nag palit muna ako ng damit, nag plain black t-shirt at shorts lang ako. Pag labas ko naka bihis na din si Atlas, naka shorts and black t-shirt din sya pakiramdam ko tuloy pinag usapan namin ang kulay ng susuotin pero ang totoo ay hindi. Lutang na lutang yung kaputian nya dahil sa itim na suot nya, edi sya na.


I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon