December 24, ngayong araw ang alis ni Atlas. Hindi ko alam ang exact location kung saan sila mag ce-celebrate ng Christmas Eve pero isa lang ang sigurado ako na babalik sya sa Christmas Day.
Yumakap ako dito "Bumalik ka ha! I'll wait for you" Sabi ko pa
Lumapit ito saakin para bigyan ako ng halik sa labi, pinalalim ko ang halik na dapat ay sandali lang. Parang ayaw ko na nga sya bitawan.
"Just take care of yourself okay? Advance Merry Christmas" nag labas pa sya ng isang maliit na box mula sa bulsa nya.
"Hindi pa nga kita sinasagot, wedding ring ka agad?" Sabi ko, tumawa sya bago buksan ang box at tama nga singsing iyon na may maliit na diamond sa gitna. Simple but elegant.
"Just a Promise Ring" halos pabulong nya na itong sabihin sakto na para marinig ko.
Pakiramdam ko may hindi ako maintindihan, bumibigat ang loob ko.
"Ang duga mo naman, ang regalo ko ay bukas pa"
"Mahal kita, Steffhany Skylene" Sabi nito bago ako halikan sa labi, sandali pero puno ng emosyon bago nya isinuot ang singsing sa daliri ko.
"Ma--" pinigilan nya ako gamit ang hintuturo nyang ngayon ay nasa labi ko .
"I have to go" Halos bumagsak ang balikat ko noong tumayo na ito at nag lakad na. Tumakbo ako papalipat sa kanya at niyakap sya patalikod.
"Babalik ka hindi ba? Babalik ka" He let out a heavy sigh bago nya ako hinarap.
"I will" sa huling pag kakataon hinalikan nya ako sa labi bago nag patuloy sa pag alis. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang mawala na sya sa paningin ko.
Umiiyak ako sa hindi malamang dahilan. Babalik naman sya bukas para sa Christmas Day Celebration namin.
Nakatulog ako noong oras na yon. Nagising ako ng hapon na. Pumunta ako sa mall para bumili ng regalo kay Atlas, Littmann Stethoscope ang binili ko sa kanya, may naka engraved pang Atlas Blake sa bell nya.
Dumaan din ako sa grocery para bumili ng mga kailangan para sa preparation ko. Madami akong pinamili dahil marami akong gustong lutuin, buti nalang tinulungan ako ng staff na maisakay lahat sa kotse ko.
"Thankyou" Sabi ko pa bago paandarin ang kotse pabalik sa condo.
8pm na ako nakarating sa condo dahil sobrang traffic. Nag pa deliver nalang ako ng pagkain ko para sa Christmas Eve ko.
Nakakalungkot lang isipin na mag isa akong mag cecelebrate ngayon. Pero okay lang dahil sa Christmas Day ay kasama ko si Atlas.
Ilang beses ko pa tinawagan si Atlas pero hindi nya iyon sinasagot, inisip ko nalang na baka busy sya kasama ang pamilya nya.
10pm noong dumating ang inorder kong pagkain para sa sarili ko, inayos ko lang yon sa lamesa. Sa tingin ko naman hindi ako makakakain ng maayos dahil wala akong kasama.
Sumapit ang 12am, naka silip ako sa balcony dahil may iilang fireworks doon.
"Hindi ko alam na ganito pala kalungkot kapag nag celebrate ka mag isa" bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sa kalangitan.
Tinawagan ko ang pamilya at mga kaibigan ko para batiin sila. Syempre tinawagan ko din si Atlas, pero out of coverage sya, kaya wala akong nagawa kundi mag type nalang at i send sa kanya iyon.
'Merry Christmas my Atlas <3 call me if you recieved my message. I miss you and see you tomorrow. Tomorrow will be the most memorable Christmas Day we had, I promise that '
Kumain lang ako at inumpisahan ang pag dedecorate sa loob ng condo namin ni Atlas. Sinimulan ko sa pintuan ang pag decorate, sinabit ko doon ang pinagawa kong plaka na may naka engraved na 'Atlas&Steffhany'.
Sa loob ay nag sabit ako ng mga banderitas at baloons. Nag tayo pa ako ng camping tent sa sala na nakaharap sa t.v. Nag lagay ako ng mga unan doon. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil sa iisiping gagawa kami doon ng milagro.
7am na ako natapos sa pag dedecorate, umupo muna sa sofa para mag pahinga.
"Wala pa ding text?" Wala akong magawa kundi ilapag nalang ulit ang cellphone at mag patuloy sa ginagawa.
8am ako noong nag umpisa mag luto at natapos ako ng 2pm. Kare kare, adobo, menudo, Fried chicken, Spaghetti at hotdog w. Marshmallows.
Ngumiti ako noong makita ko na naging okay ang gusto kong mangyari, alam kong matutuwa nito si Atlas dahil marunong na akong mag luto.
He so lucky! Sya ang una kong pinag lutuan.
Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto noong may mag doorbell pero agad din akong na disappoint noong hindi si Atlas iyon.
"Ms.Sky Diez, ito na po yung cake na in-order nyo. Pa sign nalang po" ngumiti lang ako sa kanya at nag sign sa papel.
Dumeretso ako sa sala at nilapag doon ang cake, tinanggal ko pa sa box. Nilagay ko yon sa gitna ng mga putahe na hinanda ko, nasa iisang table yon at nasa harap ng camping tent na itinayo ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka kinuhaan iyon ng litrato at pinost sa Instagram na may naka caption na 'Ikaw nalang ang kulang'
Ilang sandali lang may mga nag comment na doon at syempre nangunguna ang mga kaibigan ko.
Dibayne : Yung ang sarap ng mga putahe, tas ikaw lang pala ang kakainin. Rawr.
Marseillecious : Sana natikman namin yan <3 Enjoy love birds.
Miracleee : Stay In love, Safe sex!
Nag reply muna ako sa kanila bago i off ang data. Nag message muna ako kay Atlas bago mag pasya maligo.
'Excited to see you, Anong oras ka dadating? Imissyou'
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa kaka hintay kay Atlas, 7pm na pero wala pa din sya. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tignan kung mayroon syang message pero ni missed call ay wala. Tinawagan ko agad ang number nya, pero out of coverage pa din. Kaya nag iwan nalang ulit ako ng message.
'Hi? Are you coming?'
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang ta-type.
"Dadating sya okay?" Patuloy ko pang pinapalakas ang loob ko, hindi ako pinang hihinaan ng loob pero may parte sakin na gusto na sumuko sa kaka hintay.
Wala akong nagawa kundi umiyak nalang at paniwalain ang sarili na darating si Atlas.
Dumating ka lang kahit late okay na...
December 26, 12:00am.
Binagsak ko ang sarili ko sa sofa habang patuloy pa din umiiyak.
Kaya ba ayaw kita paalisin dahil walang kasiguraduhan na babalik ka? Pero bakit sinabi mong babalik ka? Tang*na naman eh bakit pinaasa mo ako!
Sabagay, sinabi mo lang naman na babalik ka , pero hindi mo sinabi kung kelan o anong taon.
I suddenly stop crying when my phone vibrate. Kinuha ko agad yon.
"Call me"
Agad kong dinial ang number nya sa pag aakalang sasagutin nya iyon, pero isang voice record ang nag play doon.
'I'm sorry if I don't have any formal goodbyes. I think saying goodbyes is never an easy thing. When time passes by, I hope you will forgive me. I will always love you my favorite Sky and stay blue. Keep on dreaming future Nurse.. I love you, unconditionally...'
---

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)