12

39 10 0
                                        

"Masarap nga, one more?"

Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya dahil naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko. Hindi ko inaasahan na gagawin nya yon at hihirit pa! Alam ko naman na masarap ako, pero bawal abusuhin yon.

Pakiramdam ko binabaliw ako ng lalaking to!

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagkain, pakiramdam ko nagkaroon ako ng hiya simula ng makilala ko tong lalaking ito.

"Is it still hurt?" napa ubo ako ng bahagya ng maintindihan ko ang tinutukoy nya.

Punyeta talaga tong lalaking to.

"Can manage" I arched a brow and crossed my arms, trying to hide my nervousness. "Saan ka nga pala galing?" pag iiba ko ng usapan.

"I met a client."

"Client? Bakit? Para saan?"

"I'm selling my condo unit." He shrugged like it wasn't a big deal.

Nang hihinayang kong tinignan ang ilang parte ng condo nya.

"Ako nalang kaya ang bibili?" I suggest, "I'm also looking for a condo unit eh, but how much?"

Nakatingin lang sya sakin, tinatantya kung nag bibiro ba ako o seryoso.

"100k?" I looked at him with disbelief.

"Ang mura naman!" Reklamo ko.

"1m"

"Deal, pero kalahati lang nyan." Tumawa sya "500k would be enough. Hindi kana lugi, hindi mo na din kailangan umalis dito o humanap ng ibang matitirhan. You and I can use this condo anytime." I explained. Hindi pa din sya makapaniwala sa mga sinasabi ko at tahimik na nag iisip.

"Do you think I'm joking? Well I am not."

Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto, tinawagan ko si Daddy, dalawang ring lang at sinagot nya na yon.

"Dad? I need 500k" I casually said.

"500k? For what reasons?"

"I'm buying a second hand condo unit near in my school." I explained, I heared him let out a sighed.

"Okay, just give me the bank account of the owner."

Masaya kong pinatay ang tawag at bumalik sa kitchen.

"Give me your bank account, my dad will send the payment." Inabot ko yung cellphone ko sa kanya, tinype nya naman doon kaya sinend ko na din kay daddy.

"Bakit mo nga pala binebenta itong condo mo? Ang ganda kaya nito! Sayang"

Para akong tanga dahil huli ko ng tinanong ang rason kung bakit nya ito binebenta. Mamaya pinag ti-tripan lang pala ako nito!

Tumahimik sya ng bahagya.

"I'm leaving 10 weeks from now."

Naguguluhan akong tinignan sya, pero agad ko din na realize ang pinupunto nya.

Aalis nga pala sya, bakit hindi ko naalala yon? Two months nalang pala. Third or last week of december?

Pakiramdam ko may kumurot sa puso ko sa iisiping iyon. Pero agad din akong ngumiti sa kanya noong mapansin kong nakatingin sya sakin.

Hinatid nya na din ako pauwi pag tapos namin kumain. Hindi ako nakatulog ng maayos nang araw na yon hanggang linggo dahil sa pag iisip kung ano bang dapat kong gawin.

Lalayuan ko nalang ba sya o susulitin ang panahon habang nandito sya?

I let a deep sighed before leaving my room.

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon