"Masyado ka ng maganda anak, tama na yan" Mom giggled.
Tumingin muna ako sa salamin bago ko sya harapin.
"Sure ba mom?" Pag kukumpirma ko.
She smiled playfully "He will accept you no matter what."
"Mom naman! Hindi naman para sa kanya" Giit ko.
"Ay hindi ba? Akala ko ay pa--It seems he's outside. Puntahan mo na sya anak at papasukin. Ako na ang mag dadala sa dad mo sa dining" She tap me and leave.
Bahagya pa ako sumilip ulit sa salamin bago pumunta sa gate.
"Good evening" Nakangiti nitong bati.
"What's good in the evening Dr. Ross?"
"You" he winked. "Drop the Dr. Ross, nakakapagod sa pandinig" mayabang nitong ani "Call me babe, love, baby" dugtong pa nya.
Hindi ako makapaniwalang tignan sya. He look so happy!
"Ang pangit mo" Asik ko at nauna ng mag lakad, naramdaman ko pa ang pag hawak nya sa kamay ko.
"Hoy, bawal yan" Sita ko at agad hinatak ang kamay ko dahil baka makita iyon nila mom at dad. Mahirap na.
"Good evening hijo" bungad ni Mom kay Atlas. Lumapit doon si Atlas at bumeso at nakipag kamay kay Dad.
"Have a sit." Sumenyas pa si Dad "Beside my daughter" dugtong pa nya.
Pabiro ko syang sinamaan ng tingin noong sumunod sya, tumawa lang ito.
"Thank you for accepting my Invitation" Paninimula ni Dad.
"My pleasure Sir" Magalang nitong sagot. Tumawa si Dad kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Just call me Dad, alam ko naman kayo ang mag kakatuluyan ng anak ko" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Dadddddd.
Nag umpisa na kaming kumain, habang nag kukwentuhan silang tatlo. Pakiramdam ko tuloy ako ang bisita at si Atlas ang anak nila.
"I still remember the day you left my daughter, araw araw yan naiyak. Gusto ko sana magalit sayo, pero I realize something," Na angat ko ang tingin kay Daddy. Ako na pala ang pinag uusapan nila. Gusto kong mahiya!
"I realized na, You changed my Steffhany a lot. Her stone heart turns into mamon. Instead of being mad at you, nag pasalamat pa ako." Dugtong pa nya.
Napanganga ako. I feel betrayed.
"I'm sorry for leaving your daughter without any word. Babawi ako dad," Lumingon pa ito sa gawi ko.
"Then, when is the wedding ?" Mom giggled.
"Mommy!" Sita ko dahil masyado syang mabilis.
"Why anak? You're not young anymore. You need someone in your life. I think Atlas will fit to that position" Giit nya.
Gusto ko nalang mag pakain sa kinauupuan ko.
"Don't worry mom, I will work things between us." He assured my mom.
Kapal. Mom at Dad? Kapatid kita?
Kung may pinag sisisihan ako ngayon ayon ang pag katuloy ng dinner na to. Pakiramdam ko naka hot seat ako buong dinner.
Kinabukasan, may pasok na ako sa hospital. Tapos na ang one week leave ko kaya back to reality na. Pinark ko muna ang kotse ko bago bumaba at pumasok.
"Good morning Chief" Bati saakin ng guard. Ngumiti ako sa kanya.
Nakangiti lang ako hanggang makarating sa ward ko.

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomantizmSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)