DISCLAIMER : This is a work of fiction, Names, characters, businesses, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead , or actual events is purely coincidental.
This story contains MEDYO mature content.
So read at your own risk.
---
"STEFFHANY SKYLENE"Napabalikwas bangon ako dahil sa nag e-echo na sigaw ng daddy ko kasabay non ang malakas na pag bukas ng pinto.
"Bakit? Ang aga nyo naman kung makasigaw" singhal ko dahil ilang oras palang ang tulog ko.
"Ilang beses pa ba tatawag ang prisinto dito dahil may nag rereklamo sayo?" galit na singhal din ni daddy sakin na para bang gusto na ako sakalin.
"bakit mo naman kasi sinuntok anak"pag sabat ni mommy
Napa hawak ako sa ulo ko, para alalahanin ang nangyari kagabi.
"Arghhh! He deserved that mommy, kinagat nya ang labi ko nung nag hahalikan kami. Nasaktan ako kaya sinapak ko, ipagamot nyo nalang at bayaran" deretso kong sagot.
Na badtrip ako nung maalala ko yung lalaking kahalikan ko kagabi, gwapo sana kaso ang bobo humalik.
Nakita ko pa silang nagulat sa sinabi ko, ano ba naman tong mga ito para naman bago.
"When will you stop doing that?" halatang ubos na ang pasensya ni daddy
"Which one? Ang manuntok o makipag halikan?" inosente kong tanong dito.
Napahilamos nalang si daddy sa mukha nya at halatang ubos na ang pasensya.
"Nag hired ako ng personal bodyguard mo sa ayaw at sa gusto mo. Para naman tigilan mo na yang kalokohan mo"
"Pero Dadd----"
"Walang pero pero Steffhany, that's final" putol nito sa pag rereklamo ko saka ito tuluyang umalis sa paningin ko.
"Mommy naman! kausapin nyo naman si daddy! Please! " pag mamaktol ko at umaasang tutulungan nya ako.
"But he's now on the way na anak eh" saka sya umalis na ng naka ngiti.
Ano???????
Personal Bodyguard?? F*ck
Grrrrrrr
Dahil monday ngayon, agad na akong nag asikaso dahil may pasok ako sa school.
Kahit naman ang lakwatserang katulad ko ay nag aaral pa din.
At kahit ganito ako, maipag mamalaki ko pa din na wala akong failed grades, medyo mabababa nga lang hahaha.
Kinuha ko na ang bag ko na ang tanging laman ay isang notebook, papel at make up kit.
Bumaba na ako at agad sinalubong ni mommy
Ano nanaman kayang sasabihin nito na ika sisira ng araw ko?
"Good morning anak, halika na at may kanina pa nag aantay sayo" hinayaan ko nalang na hatakin nya ako.
At sino namang potio pilato ang nag hahantay sakin?

BINABASA MO ANG
I love you, unconditionally
RomanceSteffhany Skylene Diez & Atlas Blake Ross Story ( ON-GOING)