PROLOGUE

227 16 4
                                    

"Calling the attention of Nurse Steffhany Skylene Diez, please proceed to Operating Room. Thankyou"

"Calling the attention of Nurse Steffhany Skylene Diez, please proceed to Operating Room. Thankyou"

Napa bangon ako sa pag kakahiga nung marinig ko ang paging na minention ang pangalan ko.

Operating room? Bakit? Tapos na ang shift ko ah?

"Calling the attention of Nurse Steffhany Skylene Diez, please proceed to Operating Room. Thankyou"

Bigla akong kinabahan,  naguguluhan man pero tumakbo na ako papuntang Operating room dahil baka may emergency. Naabutan ko dito ang mga kapwa ko nurse na nag aasikaso na. Kumuha na din ako ng PPE (Personal Protective Equipment) at maingat na sinuot ang mga yon.

"Sinong surgeon?" tanong ko para kahit papaano may information ako dahil wala talaga akong clue sa schedule ngayon,

"Bago daw po eh? Kung hindi ako nag kakamali Ross yung surname nya, Dr.Ross" Sagot ni Kim, isa sa kapwa ko nurse.

Ross? Isang tao agad ang pumasok sa isip ko, pero malabong nandito yon dahil hindi sya pwede dito at kung bakit? Wala kang pake.

"Ross what?" pag uusisa ko

"Dr. Atlas Blake Ross, tama ayan ang pangalan nya. Gwapo nga daw e at bata pa " kinikilig pa sya habang sinasabi yan.

Atlas Blake Ross? Seriously? Tangina!

Hindi pwede, baka kapangalan nya lang, TAMA hindi sya y-----

Napa-tigil ako sa pag iisip ng may pumasok sa pintuan ng operating room, tulak tulak nito ang Stretcher ng pasyenteng sa tingin ko ang o-operahan. Kinuha ito ng dalawang nurse at sila ang nag pa tuloy sa pag pasok sa pasyente sa sterile area.

(Sterile area : is an area kept free from microorganisms to protect the health and safety of  a patient during a medical procedure, usually a surgery)

"Scrub nurse please," natulala ako nung marinig ang isang pamilyar na boses na iyon, hindi kaya s----

"Nurse Steff, tawag ka ni Doc. Ikaw po ang scrub nurse ngayon dahil absent si Nurse Jenica" literal na nanlaki ang mga mata ko, bakit ako??

"Scrub nurse?" pag ulit nito, kaya wala akong nagawa kundi kuhain ang Scrub suit nya at agad na pumwesto sa harapan nya.

Puta? Sya nga talaga,

Maingat kong isinuot ang Scrub nya, dahil ayon ang standard kahit halos manginig nginig pa ang kamay ko sa kaba dulot ng lalaking ito.

"First time?" hindi man ito nakatingin alam kong ako ang tinutukoy nya, napansin nya siguro ang panginginig ng kamay ko.

"Hindi doc, Pasensya" pinilit ko ang sarili kong hindi mag tunog sarcastic, pinilit kong maisuot na agad sa kanya yon, dahil baka kung ano pang masabi nito sakin.

Nung matapos ko isuot iyon ay pumasok na sya sa loob, huminga muna ako ng malalim bago sumunod.

Kaya mo to Steff, wag kang papa apekto.

Pag pasok ko sa loob naka pwesto na sila sa gilid ng pasyente. At sa kamalasan ang pwesto ko ay sa tabi pa ng Doctor na to dahil ako ang assistant nya.

"The patient condition, Valvular Heart Disease. Scalpel please" dahan dahan ko pang inilapag ang instrument sa kamay nya, "Operation given, Minimally invasive valve repair, Kelly curve." kagaya kanina inabot ko ulit ito ng maingat, para hindi mag dikit ang kamay namin "The procedure start at exactly 3:09pm"

The operation went smooth and fine, dinala na yung patient sa recovery room para doon mag pagaling. Nag tanggal na agad ako ng PPE at itinapon sa basurahan.

Hindi ko na inantay ang iba pang nurse dahil may duty pa sila, bumalik na ako sa headquarters para ituloy ang naudlot kong pahinga.

"Totoo ba ito? F*ck why" kausap ko sa sarili ko, pinag sasampal ko pa ang sarili ko dahil nag babakasakaling panaginip lang ang lahat pero nasaktan ako.

Ibig sabihin totoong nandito sya?

"Hi?" inangat ko ang tingin ko sa kaka-pasok lang.

Anak ng!

Pinag masdan ko pa ito habang naka taas ang isang kong kilay, naupo sya kama na katapat ng akin. Kulang ba to sa aruga?

"Hi" bati ko dito at iniwas ang tingin noong mag tama ang mga mata namin.

Jusko naman, bakit kailangan dito pa? Sign na ba ito na mag resign na ako? Syempre hindi, ano sya sinuswerte? Baka ngayon lang ito, tama.

Sabay kaming napa tingin sa pintuang bumukas.

May bata doon na sa tingin ko nasa 4 years old. Nakasuot ng maong na jumpsuit. May headband pa itong rabbit ang design. Nag dagdag pa sa ka cute-tan nya ang kanyang maamong mukha.

"Daddddddy" naguluhan akong tumingin sa bata, nakatingin ito kay Atlas.

Anong ibig sabihin nito? May anak na sya?


"Baby sinong kasama mo dito?" pinag masdan ko lang itong lumapit at buhatin ang bata.

Confirmed. Anak nya nga. Tinawag nyang Baby e, pero tinawag nya din naman ako noon na Baby pero hindi nya ako anak.

"She's outside daddy, let's go"

She? Siguro ang tinutukoy non ang nanay nya.

Lumingon lang ito sakin at binigyan ako ng ngiti bago tuluyang lumabas sa headquarters.

Naiwan akong tulala, pakiramdam ko gumuho nanaman ang mundo ko, ang mundong matagal ko inayos dahil sa pag wasak nya.

Kung maka ngiti, akala mo hindi ako iniwan noon, pwe.

Pero ang unfair lang ha! Bumalik sya na may maipag mamalaki sakin, bukod sa isa na syang doctor may asawa at anak pa sya. Hanep.

Samantalang ako, ni boyfriend ay wala. Simula noong iniwan nya ako, pakiramdam ko sinumpa ng walangyang yon ang lovelife ko.

Tapos ngayon babalik sya na para bang maayos nya akong iniwan, gago sya!



Pitong taon lang ang lumipas, ang bilis nya naman maka move on at palitan ako. Samantalang ako, sya pa din hanggang ngayon.

Sabagay, hindi naman kami naging official...

---

I love you, unconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon