Love in a Summer Night-20

42 5 0
                                    


CHAPTER 20

Busina,ingay ng kumpol ng mga tao,at wangwang ng mga ambulansya ang Gumimbal sa Buong paligid.

"Anong nangyare?" Tanong ng mga tao.

"Mabilis daw ang takbo nitong van" paliwanag naman ng isang Photographer

Nabangga ang sinasakyan nila Like,ng isang Truck. Lahat sila ay walang malay. Halos tumaob ang sasakyan dahil sa lakas ng impact nito ngunit isa sakanila ang pinaka napuruhan.

Tunog ng Ambulansya ang mga namayani sa Daan,padilim na ang paligid. At unti unting tumatahimik ang Lahat.

"Like?" Nanghihinang tawag  ni Marcus kay Like. Pinipilit nitong buksan ang kaniyang mga mata,bagaman ay hirap na imulat iyon ay tanda niyang lahat ng nangyare.

"Asan si Like" bakas sa boses nito ang sakit nanararamdaman nito. Garalgal din iyon.

"Sir wag na po muna kayong magsalita,Relax lang po kayo" Pagpapakalma naman ng nurse na may hawak ng Pumper.

Habang ang iba pa niyang mga kasama nasa ibat ibang mga Ambulansya.

Dinala silang lahat sa Baguio kung saan may pinakmalapit na malaking hospital sa pinangyarihan ng Aksidente.

Like's POV

Nagising nalamang ako dahil sa kirot na naramdaman ko saakin ulo at sa aking kanang braso. Isama nadin ang ilang mga naguusap usap sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko.

Ang tanging naalala ko lang ngayon ay ang pagkakadisgrasya namin. Pero hindi ko na alam kung paano nangyare iyon at kung ilang araw na ba akong namamalagi sa hospital na ito.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad aina Tita Thea at si Tito na umiiyak

"Tita?" Mahina kong sabi na nagbigay ng bahagyang pagngiti mula sa kanilang mga labi. Labis ang tuwa ng mga ito ng makita akong magkaroon ng malay.

"Kenzo?are you okay now?how are you feeling?" Nag-aalala niyang sabi. 
. Bagaman naniningkit ang aking mga mata mula sa ilang araw na pagkakahimbing ay nagawa ko paring magbiro.

"malakas yata 'to tita" nakangiti kong sabi. Na ikinangiti naman nila.

Pagkaano'y biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Marcus,tama si Marcus na nakabenda parin ang noo at balot parin ng cast ang kaniyang kanang kanang braso.

. "O siya,maiwan na muna namin kayo..ill just fix your bills para anytime makauwi kana,okay?" Pagpapaalam ni tita bago ako hinalikan saaking noo.

"Alagaan mo itong pamangkin ko ha"  pagbibilin pa ni Tito kay Marcus saka tinapik ang kaniyang balikat. Tumango lamang naman ito.

"Ingat po kayo" pinilit kong ngumiti ng sabihin ko 'yun.

Alam kong ako ang pinakanapuruhan dahil nakaupo ako sa kung saang bumanga ang truck na iyon,maswerte ako at buhay parin ako ngayon,maswerte ako at makakasama ko sa Sina Marcus,Mga kaibigan ko pati narin pamilya ko.

"Like?kamusta pakiramdam mo?ayos ka na ba?may gusto ka bang kainin?gusto mong uminom?" Sunod sunod na tanong nito saakin,na ikinangiti ko naman.

"Tubig,Gusto ko ng tubig" mahinang sagot ko dahil pakiramdam ko ay tuyong tuyo ang lalamunan ko,ilang araw ba akong walang malay at bakit ganun nalamang ang uhaw ko. Pagkaabot ni Marcus saakin ng baso ay napansin ko na agad ang kakaiba sa kamay ko. Bakit?anong nangyayare? Napatitig nalamang ako doon.

Nanginginig ang kamay ko sa di malamang dahilan,nagkakaroon ng voluntary movement iyon. Don't tell me na may Tremors ako!i won't accept it. "Marcus?bakit nanginginig ang mga kamay ko?" Nanginginig at garalgal ang boses ko habang tinuturan ang mga salitang iyon. Ang tanging nasa isip ko lamang ay sana wag,sana hindi tama ang hula ko,sana nagkakamali lang ako.

Love In a Summer Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon