Chapter. 6 ekis

352 37 0
                                    

Jane POV

"Hmm" ungol ko

Minulat ko ang mata ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina.

Tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Nilagay ko sa aparador ang mga damit at iba pang gamit ko.

Saan ko kaya ilalagay 'tong mga tatlong pares na tsinelas, dalawang sapatos at dalawang doll shoes?

Sa ilalim na lang kaya ng papag? Tama tama. Ang talino mo talaga hahaha.

Habang inaayos ang mga tsinelas, sapatos at doll shoes sa ilalim ng papag may napansin ako isang papel. Agad ko naman ito kinuha, tingnan at binasa.

Na miss din kita.

"Hala!" Sigaw ko

Ang ganda ng sulat kamay.

"Bakit matsura?" Tanong ni Lola mula sa pinto

Napasimangot naman ako na marinig ko ang salitang matsura.

"Lola, ang ganda po ng hand written niyo" ngiting sabi ko sabay bigay sa kanya ng papel

Agad naman niya ito tingnan.

"Hindi ganyan ang sulat ko, matsura" seryosong sabi ni Lola

"Seryoso po kayo? Bakit nandito sa ilalim ng papag ko? May pumasok po bang ibang tao dito?" Tanong ko

"Seryoso ako matsura, hindi ganyan ang sulat ko. Walang ibang pumapasok sa bahay natin at sa kwarto mo. Na linisin ko ang kwarto mo kanina bago ka dumating wala akong nakitang anumang kalat tangging alikabok lang" sagot ni Lola sa mga tanong ko

Baka lumipad tapos pumunta sa ilalim ng papag ko. Malakas kasi ang hangin dito. Tama tama.

Pero imposible dahil malayo naman kami sa bahay at highway.

"Huwag mo na isipin kung kanino 'yan, baka hindi ko lang napansin na maigi. Alam mo naman na tumatanda na si Lola, Apo" sabi ni Lola

"Kumain na tayo" dagdag pang sabi ni Lola

Bago ako lumabas ng kwarto tiningnan ko muna ang paligid ng kwarto ko at tuluyang sumunod na kay Lola.

Umupo naman kami at nagsimula na kumain.

Ang sarap ng kain ko lalo na't naka-kamay ako.

Habang kumakain.

"Kamusta kayo sa Cavite?" Tanong ni Lola

"Ayos lang po, Lola" ngiting sabi ko

"Ikaw, kamusta ka doon?" Tanong ni Lola

Sikat na sikat po ang apo niyo.

"Ayos na ayos po, Lola" sabi ko

"Malapit na magsimula ang pasukan" sabi ni Lola

"Gusto mo ba mag-aral?" Tanong ni Lola

Tumigil naman ako sa pagkain.

"Opo Lola, gustong-gusto ko po" ngiting sabi ko

"Mabuti kung ganoon, ayaw ko na hindi ka nag-aaral dahil 'yon lang ang maipagmamalaki natin" sabi ni Lola

Hindi maa-alis ang ngiti ko.

"Kolehiyo ka na sa pasukan hindi ba? Anong kukunin mong kurso?" Dagdag na sabi ni Lola

Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa tanong ni Lola.

Ayaw ko maglihim kay Lola.

"Lola, ang totoo po niyan hindi pa po ako kolehiyo sa pasukan"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon