"Congratulations, Mayor Suarez!"
Nagsaya ang lahat ng dumalo sa bakanteng espasyo sa tahanan ng mga Suarez. Ito ay dahil ipinagdiriwang ang pagkapanalo ni Mayor Marvin Suarez, ang aking ama. Lahat ng kasosyo, kakilala, at kamag-anak namin ay narito, sa pagkakapansin ko sa mga nangyayari.
"Oh? Ang tahimik mo naman d'yan, girl!" pansin ni Addy.
"Hindi naman kasi ako sanay sa ganito, Addy." tugon ko naman.
Simula pa pagkabata ay naging matalik na magkaibigan na kami ni Addy. Bukod pa sa anak siya ng may-ari ng isa sa mga sikat na economic company sa bansa, siya rin ay maituturing kong kaparehas ko ng mga hilig. Ang tanging pagkakaiba lamang namin, mahiyain akong klase ng tao habang siya naman ay hindi.
Naputol ang aking mga iniisip nang hilahin ako ni Addy papalayo sa mga nagsisiyahan. Hindi na ako nagsalita nang dalhin niya ako sa isang mahabang table kung saan naroon ang mga alak at inumin.
"Bakit mo ako hinila rito?" reklamo ko.
Hindi niya pinansin ang aking tanong at inabot na lamang sa akin ang isang shotglass na may lamang nakakalasing na inumin. Noong una ay nagtaka ako dahil hindi naman ako sanay sa mga ganoong bagay.
"It's gin, girl." she teased me.
Pinalis ko ang kanyang kamay na may hawak na shotglass. "Sixteen pa lang tayo, Addy! Saan mo naman nalalaman ito?"
"Gaga, lahat naman sila ay nagsasaya sa may dancefloor! Subukan mo lang, isang shot lang!" tuwang-tuwa pa siya.
Kinuha ko naman ito at akmang iinumin na sana nang may magsalita sa aming gilid.
"Hina niyo naman." tumawa ang isang lalaking paniguradong mas matanda sa amin.
Nakasuot siya ng pulang tuxedo na may nagkikislapang itim na mga linya sa parteng dibdib nito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha sapagkat nakatakip ito ng isang maskara.
"Sino ka?" tanong ko.
Tinanggal niya ang kanyang maskara. Walang ano-ano'y nanginig sa kilig itong si Addy. "Girl, ang gwapo!"
Napatitig ako sandali sa kanyang mukha na tila ba'y sinusuri ito. Maputi ang kanyang kulay at kitang-kita ko ang perpektong pagkakadepina ng kanyang mukha. Matangos ang ilong niya, bilog na mga mata, at makapal na mga labi. Hindi ko masasabing tipo ko ito ngunit hindi ko mapagkailang nakakaakit ang kanyang mukha.
"Sino ka? Anong Facebook mo? Number mo? Saan ka nakatira?" walang hiyang mga tanong ni Addy.
Nasapo ko na lamang ang ulo ko sa makalat na inakto ng kaibigan ko.
"Chaos." sambit niya.
Napatango na lamang ako at hinila si Addy papalayo sa kanya. Gaano man kalakas ang kagustuhan ni Addy na balikan ang lalaki, inawat ko pa rin siya.
"Ang kalat mo kanina!" tumawa ako nang malakas matapos makabalik sa aming mga upuan. "Lahat na lang yata ng gwapo ay matitipuhan mo!"
"Matanong nga si Tito Marvin kung sino ang lalaking 'yon! Paniguradong isa siya sa mga bisita." nilingon muli ni Addy ang direksyon ng lalaki ngunit wala na roon.
"Huwag kang padalos-dalos, Addy. Kaya ka nasasaktan e!" biro ko.
Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at nanliit ang mga mata. "Pero girl, mukhang ikaw ang bet!"
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.