"I'm engaged!" masayang sigaw ko habang kaharap ang mga kausap ko sa video call.
"Hoy, teka lang naman!" nananabik na sabi ni Zael.
"Tita, uwi ka na! Gora na after ng work mo diyan!" sambit ni Addy sa aking ina.
"M-malapit na, pangako!" itinaas pa ni Mama ang kanyang kanang palad at iniharap iyon sa amin.
"Masaya ako sayo, Paige. Sana maging masaya ka na talaga." sagot naman ni Kuya Zav.
Nagtagal ang kwentuhan hanggang sa mamalayan kong hatinggabi na pala. Pagkatapos nito ay bumaba ako para hanapin si Chaos. Wala akong nadatnang kahit sino sa sala. Bahagya akong napasimangot dahil hindi man lang siya nagpaalam na aalis. Sa ganitong oras pa?! Halos nilibot ko ang malaki niyang mansyon pero wala rin akong nakita roon. Tiningnan ko ang workplace, walk-in closet, veranda, swimming pool, at theatre room ay wala pa rin. Hindi na ako nakapagtiis at nagtanong sa mga security guard na naka-night shift kung nasaan siya.
"Kuya, si Chaos po?" tanong ko sa nagbabantay sa gate.
Nagkibit-balikat lamang si Kuya. "Hindi ko po alam, Madam, e. Nagmamadali po siyang umalis kaninang mga alas-onse."
"Pahinga po muna kayo sa beach bench." marespeto kong wika nang mapansin kong medyo nakakaramdam na siya ng antok.
Kaagad namang nagliwanag ang mga mata niya.
"Talaga po, Madam?!" tumalon-talon pa si Kuya sa tuwa at humiga sa beach bench.
Nasapo ko ang ulo ko at natawa. Tunay ngang inaantok siya dahil diretso pahinga na siya agad doon. Nang lumabas ako para maghintay sa kanya, nanuot sa balat ko ang lamig. Tanging maternity dress lang ang tumatakip sa katawan ko ngayon kaya ganito ang lamig na nadarama ko. Niyakap ko na lamang ang aking sarili. Nakaramdam din ako ng gutom sa ice cream nang biglaan.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Kumunot ang noo ko nang may mapansing may sasakyang nakaparada sa may hindi kalayuan mula sa bahay ni Chaos. Kulay maroon itong Vios. Naging pamilyar sa mga mata ko ang sasakyang iyon. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita dahil hindi naman ganoon katalas ang memorya ko. Sumulyap muna ako sa loob saglit at nang makita kong ganap na nakatulog si Kuya, tumakbo ako papalapit doon.
Nang mapansin kong wala namang tao sa loob, binura ko sa isipan ko ang kung ano mang takot na namumuo rito.
"Paige!" nagulat ako nang may kumalabit sa akin sa likod.
Nagulat ako sa nakita ko.
Si Ate Eirene ito, hindi ako nagkakamali. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita simula noong insidenteng iyon. Ang tanging nagbago lang sa kanya ay ang kanyang buhok pero sigurado akong siya iyon. Walang ano-ano'y itinulak at ipinasok niya ako sa passenger seat ng Vios niya.
"Anong kailangan mo, Ate Eirene?" tanong ko.
"Balita ko, buntis ka!" may pagka-sarkastiko sa sinabi niya imbis na saya ang makita ko. "Tsaka mayaman pala iyong mapapangasawa mo!"
Kumunot ang noo ko dahil doon. Sa dilim na bumabalot sa paligid, kitang-kita ko ang bawat ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. What is she up to? Pagkatapos niyang paratangan akong kriminal nang walang sapat na ebidensiya, narito siya ngayon?
"Bakit? Anong kailangan mo?" inulit ko lamang ang tanong ko.
Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang ngiti niyang nakakakilabot. Parang may gustong makuha sa akin o ano. Sa kabila ng dilim ay ibinaba niya sa kanyang mata ang sunglasses niya at saka ipinatakbo ang sasakyan. Noong una ay hindi pa ako nagsususpetsa pero nang mapadaan na kami sa maliliit na eskinita ng Maynila ay nagsisigaw na ako.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.