Kindly listen to the attached song while reading. Enjoy!
"Mama! Mama!" nagising ako sa tawag ng anak ko.
Tirik na tirik ang araw sa araw na ito. Ilang araw na simula noong naka-graduate ako at ilang araw na lang din ay babalik na kami sa Maynila. Ito ay para maghanda na sa darating na Psychometrician Licensure Examinations doon. Pagkalabas ko, nadatnan ko roon si Theus na lumalangoy sa isang maliit na swimming pool. Sa pagkakaalala ko, wala naman kaming biniling ganito. Maya maya ay dumating si Mama.
"Ma, saan po ito galing?" tanong ko.
Napatingin ako kay Theus na sobrang sayang nagtatampisaw sa tubig. Sa labis na tuwa niya ay tinalamsikan niya kami ng tubig.
"M-may nagbigay ulit!" sagot ni Mama.
Kung sino man iyon ay napakabait naman niya. Isa siguro siya sa mga malalapit naming kapitbahay dito sa Aklan. Infairness, alam na alam niya ang mga hilig ng anak ko. Dahil araw ng pahinga ni Mama ngayon, buong araw siyang nakatulog. Ako naman ay binantayan na lamang si Theus na lumangoy-langoy doon.
Sa kalagitnaan ng paghihintay, inilabas ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang mga social media account ng mga mahahalagang tao sa buhay kong naiwan sa Maynila. Pansin ko sa mga litrato nila ay sobrang saya nila. Itinabi ko na ulit ito bago pa man ako maghanap ng taong hindi ko na dapat hanapin pa. Nag-ring bigla ito.
Wala na akong contact kay Chaos simula noong araw na iyon. Hindi ko na naisip na magparamdam pa simula nang mamuhay kami rito sa Aklan. Hindi naging madali dahil marami kaming pinagsamahan. Isa pa, siya ang mahal ko at ang ama ng anak ko. Pagkalipat din namin ng Aklan ay paminsan-minsan na lamang tumawag ang pamilyang Agramonte. Balita ko rin ay ganap nang nakakulong si Tita Centia.
Ilang linggo ang nakalipas ay nilisan na namin ang Aklan. Nagsi-iyakan pa nga ang iba naming kapitbahay dahil mamimiss daw kami lalong-lalo na si Theus. Kaming tatlo ay naging emosyonal din dahil doon din kami namalagi nang tatlong taon.
"Mama, ayaw ko pong umalis." hindi matigil sa pag-iyak si Theus dahil maiiwan ang kanyang mga naging kalaro roon. "Andoon sina Jun!"
Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa reaksyon ng anak ko. Marami rin kasi siyang naging kaibigan sa mga anak ng kapitbahay namin. Halos hindi iyan mahanap tuwing hapon kakalaro. Ngayon, naiintindihan ko kung gaano kahirap sa kanya ang mahiwalay sa mga taong iyon.
"Babalik tayo, anak, soon!" kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran dahilan para matawa siya.
By that little gesture, my son smiled like a sunshine.
Pagkalabas namin ng Manila International Airport ay nadatnan na namin sa parking lot sina Addy at Zael. Pumorma ang ngiti sa aming mga labi. Tatlong taon ko ring hindi nakita ang dalawang 'to!
"Hoy, girl!" tumakbo papalapit si Addy sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Welcome back po, Tita Patricia!"
"Namiss ko po kayo!" sabi naman ni Zael habang nasa biyahe pauwi sa dati naming bahay.
Malaki rin ang naging parte ng dalawang ito habang wala ako sa Maynila. Sila ang mismong nag-alaga ng dati naming bahay habang wala kami. Masasabi kong solid ang mga kaibigan kong ito dahil simula hayskul ay nariyan na sila. Hindi nila ako iniwan. Noong una, akala ko nga ay hindi nila maiintindihan ang biglaan kong pag-alis. Umiyak man sila at nalungkot ay kaagad nilang naintindihan ang desisyon ko noon.
"Theus, kilala mo kami, diba?" lumuhod si Zael na tamang-tama lamang sa mga mata ni Theus.
Humigpit ang hawak sa akin ni Theus. Ilang segundo ay napagtanto niya kung sino ang dalawang ito.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.