"How are you for the last three years without me?" seryosong tanong ni Chaos sa akin.
Saglit akong natahimik sa tanong niyang iyon. Kung aaminin ko ang totoo, hindi ko rin talaga sigurado. Napatingin ako saglit sa direksyon ng mga kapatid niyang nilalaro si Theus sa play pen na ipinagawa ni Chaos. Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng nakaawang na pinto ng play pen. Ang taas pa rin ng enerhiya ng anak ko kahit kakagaling niya pa lang ng paaralan.
"Three years." napatango ako. "How are you, then?"
"You're still the same Paige. Sinasagot mo lagi ng tanong ang mga tanong." he chuckled.
Nagulat ako nang hawakan niya ang baywang ko at dinala ako sa sala. Doon ay umupo kami nang magkatapat. Sobrang emosyonal ng atmospera sa sitwasyong ito. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kinauupuan ko ngayon dahil kaharap ko si Chaos. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita. He looks like a grown man now. If I remember clearly, he's already 28 years old and I'm 22 years old.
"Three years ago, we left Manila to start a new life. Simula nang malaman ko ang totoo ay parang gugunaw na ang mundo ko. Noong panahong iyon, hindi ko pa matanggap talaga. Sobrang sakit na malamang ang ina ng taong mahal ko ang sanhi ng paghihirap ko. Ang paghihirap na pasanin ang salitang 'kriminal' kahit inosente ako." tumingin ako nang mariin sa kanya. "During those years without you, my only strength was Prometheus. Inisip kong mas mabuti siguro kung mamuhay kami nang wala ka. I left because I needed to complete a piece of me. 'Yung matagal nang ipinagkait sa akin ng tadhana."
Napatungo siya nang ilang segundo at muling tumingin sa akin. This time, his stares became deep like he was about to cry or something.
"How about you?" I asked.
Wala na siyang sinabi pa at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap. Muli kong naramdamang basa ang aking shirt dahil sa luhang tumulo sa mga mata niya. Habang nakayakap siya ay may bagay na bumuo sa kuryosidad ko.
"Bakit tinawag kang Daddy ni Theus?" tanong ko saka kumawala sa yakap niya.
Pinunasan niya ang kanyang luha at natawa sa tanong ko. Bago pa man sumagot si Chaos ay naramdaman naming bumaba na sina Theus, Reese, at Antheia. Pagkalingon namin ay karga-karga pa ni Reese ang anak ko. Isa pang kaugalian ni Theus ay madali siyang makihalubilo sa ibang tao.
"Mommy, tired na ako!" reklamo ni Theus habang nakangiti pa rin. "Si Tita Reese at si Tita Antheia kasi!"
"Infairness, ang galing na ng pronunciation at speaking skills ng pamangkin ko!" ibinaba na ni Reese si Theus.
Tumakbo papalapit sa akin si Theus at yumakap. Nakita kong pumorma ang ngiti sa labi ni Chaos habang nakatingin sa amin. Nang mamalayan naming hapon na, inihatid na kami ni Chaos pauwi. Bago pa man kami bumaba ay yumakap muna si Theus sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang kalapit sa isa't isa sina Chaos at Theus. Nagtaka ako roon pero iwinakli ko kaagad ang naiisip ko. Baka magaling lang talaga makihalubilo ang anak ko.
Pagpasok namin sa bahay ay nadatnan ko roon si Mama na nagluluto. Nagmano kaming dalawa ni Theus at sinabayan niya ito ng mahigpit na yakap.
"Kayo na ulit?" mapait na tanong ni Mama habang naghihiwa ng karne.
Tumawa na lang ako at tinulungan siyang magluto. Ito ay ang naging libangan namin ni Mama sa Aklan. Nang naghahain na siya, nilapitan ko ang anak kong ngayon ay nanonood ng telebisyon.
"Anak, bakit mo tinawag na Daddy 'yung kasama kong nagsundo sa'yo kanina?" tanong ko.
Dahil nga hindi nasagot kanina ni Chaos ang tanong ko, sa kanya na lamang ako nagtanong. Ibinaba niya ang laruan niyang robot at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Kaagad kong naramdaman ang malalambot niyang palad.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.