Kabanata 25

22 3 0
                                    

"Lolo! Call me Lolo!" kinarga-karga pa ni Tito Vernon si Theus habang nilalaro siya.

Dumating na nga ang araw na bibisita si Tito Vernon upang makita ang kanyang apo. Sumunod din sina Antheia at Reese na kagagaling lang sa kani-kanilang mga paaralan. Habang si Chaos ay abala sa pagluluto, tumayo ako mula sa sofa at napagdesisyunang tulungan siya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Damn." he sexily laughed and turned to me. "Will you help me cook?"

I nodded. "A-ah, oo! Hindi ako masyadong marunong magluto, ha, pero i-try kong sarapan magluto."

"That's unnecessary, babe." nagpatuloy siya sa paghihiwa ng mga gulay.

"B-bakit naman?" sandali akong humarap sa direksyon ng sala kung saan sila naglalaro.

"Ikaw lang, masarap na."

Nanlaki kaagad ang mga mata ko at pinalo siya ng nakuha kong sandok mula sa countertop. Imbis na magkulitan pa, tinulungan ko na lamang siyang magluto. Gaya ng dati, ang mga iniluto namin ay ang mga paborito ng pamilya niya.

"Alin nga ulit ang paborito nila?" tanong ko pagkatapos naming magluto.

Kasalukuyang inilalagay ni Chaos sa mga babasaging mangkok ang mga ulam. Napatingin siya sa akin nang tanungin ko iyon.

"Sisig tofu for Antheia, chopsuey for Daddy, shanghai rolls for Reese, and ginataang kalabasa...for..." napalunok siya. "Mom."

Nalungkot nang bahagya ang ekspresyon ng mukha niya. Walang ano ano'y niyakap ko na lamang siya. Ramdam kong namimiss niya rin ang kanyang ina. Ang mas mahirap pa roon ay kapag nagsama ang pananabik at pagtataksil na pakiramdam. Parang hindi ko yata kakayanin ang ganoon.

"I love you, Chaos." wika ko habang nakayakap sa kanya.

"Ay, ang landi! Gutom na kami!" reklamo ni Reese mula sa sala.

Napatawa kaming dalawa ni Chaos. Inihain na namin sa kitchen table ang mga putaheng iniluto namin. Maya maya ay natigil na rin sa paglalaro ng Xbox ang magkapatid. Si Tito Vernon naman na karga-karga si Theus ay lumapit na rin. Marahan niyang iniupo ang anak ko sa isang maliit na upuan.

"Pahiram muna, ha!" giliw na giliw na sambit ni Tito Vernon at inilapit sa kanya ang upuan ni Theus. "Ako na ang bahala!"

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng tanghalian, marami silang pinag-usapan tungkol sa kumpanya nila. Marami silang isinambit na hindi ko naman gaanong naiintindihan. Naputol ang pag-uusap nilang ito nang bumaling sa akin ang atensyon ni Tito Vernon.

"Hija, kailan pala ang board exams mo?" tanong ni Tito Vernon.

"Three months from now po." magalang kong sagot.

"Mommy! Daddy! Tito Reese! Tita Antheia! Lolo Pogi!" nagulat kami nang magsalita si Theus habang masayang itinuturo kami isa-isa.

"Pa, bakit naman may pogi?!" dismayadong tanong ni Reese.

"Bro, if it weren't for Papa's good genes, hindi tayo magiging ganito!" pagmamayabang ni Antheia.

Pagkatapos naming kumain ay si Reese na ang nagprisintang maghugas ng pinggan. Nagpatuloy naman sa paglalaro si Antheia ng Xbox kasama si Antheia. Halos magsapakan na sila dahil mukhang naaargabyado ang laro ni Antheia. Si Tito Vernon ay hindi naman lumipas ang pangungulit sa apo niya. Ngayon ay nakaupo silang dalawa sa bean bag chair.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon