Kabanata 20

28 3 0
                                    

Nang makarating na kami sa Panglao International Airport, nakaramdam ako ng labis na saya. Sa wakas ay makikita ko na ulit si Mama. Pagkatapos ng mahahabang proseso ay kaagad din kaming nagtungo sa Bohol Beach Club. Muntik na akong mabilakuan dahil dito pa talaga nag-book si Chaos. Hindi mapagkakailang mahal ito pero noong makita ko ang ganda nito, napanganga na lang ako.

"Picture-an mo kami!" nananabik kong sabi kay Chaos at iniabot sa kanya ang cellphone ko.

Hawak-hawak ko si Theus habang nakangiti sa likod ng napakagandang tanawin sa likod ko. Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Chaos at iniabot sa akin muli ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon, nakarating na lahat ng mga mensahe nila sa amin sa mga social media account ko. Hindi ko maiwasang ngumiti habang binabasa ang mga iyon.

Addison Montegana:

Ingatan mo inaanak ko, please!

Jezrael Buenavista:

Have a safe flight and enjoy your stay, Agramonte fam! :)

Vernon Agramonte:

Ingat kau dyn

Antheia Agramonte:

Namimiss ko agad kayo. I could've come kung wala akong inaasikaso sa resto ko. :(

Aristhaeus Dylan Agramonte:

Gawa kayo ulit ng isang baby! Para kuya na si Prometheus!

Emerald Zavier Suarez:

Ingat kayo, Paige.

Eirene Suarez:

I heard from Zav na aalis kayo. Ingat sa flight.

Nanlaki ang mga mata ko sa huling mensahe. It took me a while before I realized that it was really from Ate Eirene. I got a little emotional while reading that. Unang beses niya iyong sinabi sa akin. Hinawakan ni Chaos ang kamay ko habang ang kabila naman niyang kamay ay may hawak na maleta.

Habang naglalakad sa kahabaan ng beach na ito habang papalubog na ang araw, tinitigan ko siya. Nakasuot siya ng handwoven hat, white polo na ang mga butones ay nakabukas, sunglasses na nakapatong sa kanyang ulo, at nude boardshorts. Damn, my man is indeed the hottest man on earth. Habang ako naman ay nakasuot lamang ng black bodysuit, navy blue shorts, at nakapatong sa akin ang white mesh cardigan.

Nang makarating kami sa hotel room ay biglang nag-alboroto si Theus. Pinalitan ko muna siya ng diaper at hinele para makatulog.

"Hindi naman tayo magtatagal dahil sa isang araw ay pauwi na ulit tayo. Ba't mamahalin pa ang kinuha mong hotel?" giit ko habang inilalabas ang mga damit namin sa maleta.

"You deserve it." simple niyang sagot at pumasok sa banyo.

Humiga ako katabi ng natutulog kong anak. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya dahilan para maramdaman ko ang malambot niyang balat. My fragile baby. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko dahil ang laking biyaya ng nasa harap ko ngayon. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong hinugot sa bulsa ko.

"Mama, napatawag ka?"

Pilit kong hindi ipinakita ang pananabik sa boses ko. Makikita ko na siya bukas!

"Wala, anak, namimiss na kita. Gusto ko nang makita 'yung apo ko."

"Okay lang po ba kayo, Ma?"

"Oo naman. O siya, may gagawin pa ako, anak."

She suddenly ended the phone call again. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako katabi si Theus. Kinaumagahan, nagising ako dahil sa araw na nakatapat sa akin. Nadatnan ko naman sa kama sina Theus at Chaos, tulog pa rin. Pagkasilip ko sa relo ko, alas siyete na ng umaga. Sa sobrang pananabik ko, ginising ko agad si Chaos para maghanda. Ngayon namin planong bisitahin si Mama sa tinutuluyan niya.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon