Kabanata 6

40 2 0
                                    

Naiwan akong nakaawang ang bibig habang sina Chaos at Kuya Zav ay nag-usap sa labas ng bahay. Namuo na naman ang maraming tanong sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit dito pa talaga ako pamamalagiin ni Kuya sa bahay ng ama ng anak ko. Hindi maipinta ang mukha ko sa bilis at ekstraordinaryong nangyayari sa aking buhay. I'm pregnant with this man and I have no plans of telling him this. And now, my brother even suggests me to live with Chaos? I'm really in a chaotic situation right now!

"Ayoko rito, Kuya!" sumigaw ako pagkabalik nila.

Hindi puwedeng malaman ni Chaos na siya ang ama ng dinadala ko. Baka akusahan akong gold digger at kung anu-ano pang katawagan doon. Hindi ko maatim kung magkakaroon ng isa pang tawag sa akin. Labis na ang sakit na idinulot ng mga nauna.

"Napag-usapan na namin ni Zavier ito, Paige. Bukod pa roon, wala ka bang tiwala sa akin?" bahagyang tumaas ang kilay ni Chaos.

"Babalik ako roon sa bahay ko!" akma na sana akong lalabas ng bahay nang harangan ako ni Chaos.

Bahagya akong nabangga ng kanyang dibdib. Inalis ko iyon kaagad. Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lamang kung gaano ako kakalat noong araw na iyon!

"Woah, chill right there." he sexily chuckled again and brought me back to where I was earlier.

"Paige, maiintindihan mo rin ito lahat." sabi ni Kuya at nagpaalam na rin siya sa amin.

What the hell?! Kuya will just leave me here?! Sinundan ko siya upang ihatid sa labas. 

"Kuya, did you tell him that he was the father of my child?" I curiously asked him while walking.

Umiling siya at kitang-kita ko ang pawis na bumabagsak mula sa kanyang noo. "Magkaibigan na kami matagal na. That Agramonte will take care of you dahil wala pa akong kakayahang gawin iyon. Sa ngayon, magtiwala ka muna sa akin."

Just like what he said, I trusted him for whatever his plan is. If his plan is to make me stay here during my pregnancy, I will do that. Labis na ang isinakripisyo niya para sa akin. Kung magrereklamo pa ako, ang kapal naman ng mukha ko para gawin iyon.

Nakita ko siyang sumakay sa kanyang sasakyan bago pa isinara ang gate. Hindi ko namalayang nanatili akong nakatitig doon nang ilang segundo.

"Ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir sa loob." sambit noong guard na nasa harap ko.

Walang enerhiya akong pumasok muli sa loob ng malaking bahay na iyon. Nakita kong wala na roon si Chaos kung kaya't napasalampak na lang ako sa malambot na Chesterfield sofa at umiyak muli. Hindi ko alam kung bakit ba ako naging iyaking tao. Sabagay, wala naman akong nakikitang mali roon. Nagpapahayag lang ako kung ano ang nararamdaman ko.

Napagdesisyunan kong ilihim muna kay Mama ang paghatid sa akin ni Kuya rito. Abala siya sa trabaho niya roon at kung dadagdagan ko pa ang alalahanin niya, isang maling desisyon iyon.

Napabalikwas ako nang masulyapan ang nakabihis na si Chaos. Hindi na siya naka-bath robe kundi naka-white shirt na may maliit na imprinta sa may parteng dibdib at naka-black na cotton linen shorts. Napansin kong naka-tsinelas din siya. Hindi ko namalayang natingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagbalik ng tingin ko sa mukha niya ay kaagad kong ibinaling sa iba ang tingin ko. 

"We're going out." sambit niya.

"Hindi pa ako nagbibihis!" nanlaki ang mata ko nang mapagtantong wala pa pala akong dalang kahit anong gamit at damit dito. "Tsaka ano, uhm, 'yung mga gamit ko!"

"Dadaanan natin." kinuha niya ang isang susi mula sa maraming susing nakasabit sa key holdee sa dingding. "Kakain muna tayo. Gutom na ako."

Napayuko na lamang ako at sumunod sa kanya. Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari kaya hindi ako makapagsalita sa biyahe. Inuwi niya ako matapos kong uminom, pinadalhan pa ng pagkain, tapos ganoon ang nangyari?! Naaalala niya pa kaya iyon? Baka hindi na? Sa ganoong kagwapong itsura niya ay baka iba't ibang babae na ang naiuwi nito! Imposible na panigurado ang maalala niya ako.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon