Kabanata 13

22 4 0
                                    

"Is there something wrong?" tanong ni Chaos pagkabalik namin ng hotel.

Kanina pa kasi ako sa biyahe tahimik dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon sa puntong ito. Ang daming namumuong tanong sa isipan ko. Matagal na bang iniimbestigahan ni Chaos ang mga nangyari? Hindi ko na talaga alam.

Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at saka ngumiti. Agad ko munang binalewala ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko, bagkus ay pumorma ang ngiti sa labi ko. Hindi ito ang panahon upang magtaka o ano pa man. Dapat akong maging masaya sa pagkapanalo ni Chaos.

I hugged him and whispered in his ear. "Congrats, baby!"

Pagkatapos noon ay nagsimula na rin kaming mag-impake. Bukas ng umaga ang flight namin pabalik ng Pilipinas dahil maghahanda na kami sa gaganaping debut party ni Antheia. Ang mga kasama niya naman ay mananatili pa roon ng ilang araw para makagala. Naging abala ako sa pagiimpake habang siya naman ay nakatulog na sa kama. Bago ko pa tuluyang ilagay sa maleta ang kanyang mga medalya, napatitig ako sa mga iyon.

Men's 200M Freestyle Gold Medalist

4x100 Individual Relay Gold Medalist

200M Breaststroke Gold Medalist

500M Backstroke Silver Medalist

800M Freestyle Silver Medalist

500M Buttetfly Bronze Medalist

Sobrang natuwa ang aking puso. I'm so proud of this man. Grabe, ang sarap sa pakiramdam lalo na't nakita ko kung gaano niya ito pinaghandaan at pinaghirapan. Hindi ako makatulog kahit tapos na akong mag-impake. Alas dos na ng madaling araw nang maisipan kong gisingin siya para tanungin iyon.

"Bakit, babe?" his husky voice startled me again.

"I-I have something to ask you." diretsahan kong sinabi at hinila siya sa banyo.

"Woah." namangha niyang wika matapos kong isara ang pinto ng banyo. "You want us to...you know?"

He smirked and by getting what he meant, I immediately glared at him.

"Two years ago, the incident that took place during the party." seryoso ko siyang sinagot. "Bakit ka interesado roon?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat gamit ang kanyang mga kamay at saka tumitig sa akin nang mariin.

"I will do everything to get you out of your fiery hell, remember?"

I remembered that. Sinabi niya iyon habang... ay nako! Bakit pa ba iyon ang naaalala ko?

"S-s-so, kilala mo na ako bago pa man tayo mag-ano, alam mo na..." nahihiya pa akong banggitin. Para akong lalamunin ng lupa sa hiya ngayon.

"I am investigating your case privately for two long years, Paige." aniya.

"What?!" gulat kong tanong.

Now everything makes sense, kaya ba mayroong secret room sa walk-in closet niya kung saan naroon ang litrato ko?

"Ever since you were named as the criminal that night, baby, I can't let you live that way."

Gulong-gulo man ang isipan ko, nasapo ko na lamang ang ulo ko. That's when we started kissing again passionately. There's really nothing I can do right now but to trust this person. Between our kisses, all I can taste right now is the taste of home. I am home.

Kinaumagahan ay maaga kaming nagpaalam na umalis sa kanyang mga kasama. Gusto ko man manatili pa rito, hindi naman puwedeng malagpasan ko ang importanteng kaganapan sa buhay ng kapatid ni Chaos.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon