Kabanata 12

24 4 0
                                    

"Welcome to Changi Airport Singapore!" maligayang bati ng flight attendant na nasa harap namin. "Thank you for choosing our airline. Enjoy your stay!"

Ginising ko na si Chaos mula sa halos dalawang oras niyang tulog sa biyahe. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagod. Matapos ang family reunion ay dumiretso na kaming airport para sa flight namin patungong Singapore. Ilang araw na lamang kasi ay gaganapin na ang international swimming competition na pinaghahandaan nila. Buti na lamang ay sagot na ng unibersidad nila ang airport tickets at hotel accommodation.

Pagsilip ko naman sa likod ay nakahanda na ring bumaba ang mga kasama niya. Marami-rami pa ang inasikaso bago pa makalabas ng mismong airport. Pagkatapos ng mahabang prosesong iyon, sumakay na kami ng taxi papuntang The Fullerton Hotel. Nahati ang mga kasama namin sa limang taxi.

"Are you okay, love?" tanong ko sa kanya habang nasa biyahe.

He nodded. "I'm just tired."

"And nervous?" dagdag ko.

"You really know me, baby, huh?" he responded.

Napasandal muli siya at pumikit. Ilang segundo pa akong tumitig sa kanya na ngayon ay mukhang nakaidlip muli. He's wearing a maroon turtleneck sweater, fit jeans, and white rubber shoes. Even in this casual look, my man looks great as he is. Sumandal din ako sa kanyang bisig. I hope this love stays. I hope our love lasts.

Halos dalawampung minuto bago namin matanaw ang The Fullerton Hotel. Pumasok na kami sa loob at kitang-kita ang ganda nito. Mahal man, pinili raw ito ng unibersidad nila dahil malapit lang sa venue na pagdadausan ng nasabing patimpalak. Sa mga pasilyo pa lamang nito ay halatang mamahalin na. Some of the swimmers take pictures and I smiled while seeing them.

They were all wearing their varsity jackets with their names on their backs. Pati ang coach nila at si Chaos ay may suot din. Ganoon siguro kagaling si Chaos noong kolehiyo na kahit ngayong graduate na siya ay iniimbita pa rin siya. No wonder why he's the most valuable student-athlete during his college days. I am damn proud.

"Chaos, kukunan ko kayo ng picture! Sayang naman ang ganda ng hotel kung wala kayong litrato!" masayang sabi ni Coach Dustin habang nakatutok na kaagad ang phone sa amin.

Tumabi ako kay Chaos at ngumiti. He even grabbed my waist for that picture. Dumiretso na kaming lahat sa aming hotel rooms at napagdesisyunang magpahinga sa mahabang araw na iyon. Bukas na bukas ay kaagad na rin silang magsisimula sa malupit na pagsasanay kaya ipinagpahinga na sila ngayon.

Nahati kami sa apat na hotel rooms na may tigdadalawang kama. Otomatikong nakahati ang mga babae at lalaki. Sa walong estudyante, dalawang coaches, at kami ni Chaos, tamang-tama na iyon. Nang mabuksan namin ang pinto ng hotel room namin, kaagad na humiga at nagtatalon-talon sina Perth at Arveen sa kaliwang kama. Si Chaos naman ay inilapag ang aming bagahe sa kanan na parte. Labis akong namangha sa paligid. Dalawang queen-sized beds, bed lamps, malaking telebisyon, isang egg chair sa gilid, magandang liguan at palikuran. Mas lalo ring nakapukaw sa atensyon ko ang malaking bintanang natatakpan lamang ng puting kurtina. Paghawi ko nito ay kitang-kita ko ang magandang tanawin sa labas.

"Ate Paige, crush ka raw neto!" sigaw ni Perth sabay turo kay Arveen.

Kaagad namang binatukan ni Arveen si Perth. Kasabay nito ang matalim na tingin ni Chaos sa dalawa.

"Hala gago ka, Perth!" pinanlakihan ni Arven ng mata si Perth. "Lagot tayo kay Kuya Chaos niyan!"

Natawa na lamang ako. Maya maya ay nahiga na rin si Chaos sa kama namin. Nagtalukbong siya ng kumot. He really seems nervous. Ngayon ko lang nakita siyang ganito. Nang saktong lumabas muna ang dalawa naming kasama para bisitahin ang mga kasama, tinabihan ko siya. I held his face using both of my hands.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon