The attached Youtube video really fits the last part of this chapter. Try to listen to it while reading this.
Nang mahimasmasan ang lahat mula sa nangyari, napagdesisyunan namin ni Tito Martin na pribadong mag-usap sa veranda. Ang magkakapatid naman ay naiwan sa loob ng bahay. Buti naman at kumalma na ang tatay ko kundi kakalbuhin ko siya!
"Kamusta na si Patricia?" tanong niya habang kinakatok-katok ang woven coffee table kung saan kami nakaupo.
"Nasa Bohol siya ngayon, may trabaho roon." simple kong sagot.
Nanatili ang mga mata ko sa madilim na langit. Pilit kong pinipigilan ang matinding galit ko sa lalaking kaharap ko. Sa kabila ng galit ko at pagkasiwalat ko sa totoong katauhan ng anak ko, para na rin akong nabunutan ng tinik. There's no turning back.
"Hindi ako makapaniwalang ganoon pala kataas ang tipo mong lalaki?" pag-uuyam niya.
"Kung wala ka nang sasabihing maganda, Tito Martin, maaari ka nang umalis." matigas kong tugon sa kabila ng mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
"I held onto my position for years after my wife died. Noong mapagtanto kong bumabagsak ang karera ko sa pagka-Mayor nang wala siya, bumaba ako sa puwesto. My life is really nothing without my wife." he sadly stated.
"Binitawan mo pala ang pagiging Mayor?!" tanong ko dahil hindi ko man lang namalayan iyon.
"Aanhin ko naman iyon if my source of hope was gone?"
"Wow, you just sounded faithful right now!" humalukipkip na lamang ako.
"It tortured me knowing the fact that Erianna is no longer by my side. That's when everything along reality hit me. I wronged her for having an affair with your mother. The mystery about her death remains unsolved." ramdam kong pinipigilan niya rin ang mga luha niyang pumatak."If you really killed her or not, make sure you bring justice to her."
Tumayo siya at lumabas na ng gate. Naiwan ako sa veranda habang nakatitig sa langit. My life is really a mess right now but having this child makes it all feel better. Ilang minuto ay bumalik ako sa loob. Nadatnan ko roon ang magkakapatid na nanonood ng Netflix. They really looked close together. Tabi-tabi sila sa sofa. Parehas na nakahiga sina Antheia at Reese sa mahabang binti ni Chaos.
"Ate Paige!" humarap sa likod si Antheia at sinenyasan akong sumama sa panonood nila.
Sa kalagitnaan ng panonood, I can sense that Chaos is staring at me right now. Hindi ko iyon ininda at kumuha na lamang ng popcorn sa table.
"So, it's true na magiging Tita na ako?" mausisang tanong ni Antheia habang nagliligpit kami ng pinagkainan namin sa sala.
I nodded.
"How? Ang alam ko, safe palagi si Kuya kaya gumagamit ng contraceptives?" nabahala naman ako sa naging tanong ni Reese.
So, he is a playboy, isn't he?!
"Ganito kasi 'yon—"
Bago pa man maituloy ni Chaos ang pagsasalita niya, agad ko siyang sinampahan sa likod at tinakpan ang bibig niya. Sa lakas niya ay agad niya akong ibinaba at tumawa.
"Isang taon at kalahati lang ang agwat mo sa akin, Ate Paige! Tapos 24 na itong Kuya ko!" gulat na realisasyon ni Antheia.
Wow, 5-year age gap. Nice.
"Matulog na nga lang kayo!" bulalas ni Chaos na halatang naririndi sa mga kapatid.
Nagtataka ako kung bakit hindi nagulat si Chaos na siya pala ang ama ng anak ko. Pumanhik na rin ang dalawa sa mga sarili nilang kwarto rito. I smiled at that thought. Atleast he is not a lonely man.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.