"Bakit mo naman ako tinakbuhan?" nalulungkot niyang wika. "I love you that much. Do you think you can really run away from me? I'll just chase and find you, kahit saan ka pa magpunta."
"Anak ng buntis!" sigaw ko at kaagad na tumakbo papalayo sa kanya.
Imagine, dito pa talaga kami sa Korea naghabulan? What the hell?
Takbo lang ako nang takbo matapos kong makababa ng Namsan Tower. Sa kalaliman ng gabi ay ramdam ko pa ring nakasunod siya sa akin. Hindi ko na napigilang umiyak na naman. Wala siyang karapatang habulin ako rito kung siya naman ang tanging dahilan ng sakit at ng pag-alis ko. Nang makarating ako sa hotel room ay kaagad ko itong ni-lock.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak kagabi. Kinaumagahan ay kaagad akong nagbihis. Napagdesisyunan kong manatili muna ngayon sa hotel room dahil nagtitipid na ako. Pagkatapos kong bisitahin ang gym noong umaga ay nagtungo ako sa mga murang restawran dito. Kaagad kong namataan ang murang samgyupsal place kaya hindi ko na ito nilagpasan.
Mag-isa akong kumakain ng karne. Bigla namang pumasok sa isip ko ang panahong kumain din kami ni Chaos sa ganito. Nainis ako sa aking sarili dahil sa lahat ng bagay ay naaalala ko siya. Hindi na siya dapat alalahanin. Nakakaramdam lang ako ng pighati tuwing naiisip ko siya. I can't let myself hurt so much.
"Mmmm!" tunog na lumabas sa bibig ko dahil ang sarap ng kinakain ko.
Kasalukuyan kong ineenjoy ang pagkain ko nang may umupo sa harap ko. It's the liar again. Inirapan ko siya kaagad.
"Ano ba?!" kumunot ang noo ko. "Stop following me, you liar!"
Tinulak-tulak ko pa siya. Hindi ko alam kung may nakatingin ba sa amin o ano. Hindi ko rin mapantayan ang lakas niya kaya sumuko na lang ako sa pagtulak sa kanya.
"I'll just chase you wherever you go."
"Tigilan mo na 'ko, Chaos. Please lang. Ayoko nang magmahal ng sinungaling. You should've told me earlier that I was just sold! Bakit kailangan mo pang sabihing mahal mo ako?!" padabog kong wika.
"Sinabi kong mahal kita kasi mahal kita." humalukipkip siya.
The audacity of this man! Nakakairita!
"Hindi ko hahayaang magkaroon ng amang sinungaling ang anak ko, Chaos. Kaya kong buhayin 'to mag-isa. Kung sa tingin mo, mabibili mo kami ng tanginang perang 'yan. That's not how low we are!" akma na sana akong aalis nang hilahin niya ako pabalik. "We're worth more than your money, Chaos."
"Do you think Zavier really sold you for a hundred million pesos?" nanliit ang mga mata niya. "It's just for my Mom to be convinced that you're under my roof."
"Do you really think I'll believe another shit coming from your mouth?" sarkastiko kong tanong.
"I can even pay billions to buy you but that won't ever be enough." he smiled at me like nothing happened. "Instead, I can just pay my love to have you."
This man is really testing my patience. Para siyang nang-aasar o ano. Hindi ko na dapat siya paniwalaan, e.
"Tama na, please!" hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak ko.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako. Woah, ang kapal din talaga para yakapin ako sa harap ng maraming tao. Ginawa ko ang lahat pero hindi ko kayang mapabitaw sa yakap niya. Kakaiba ang lakas ng mga bisig niya. Somehow, that hug felt like home. I'm home.
"Sumama ka sa'kin pabalik at pag-uusapan natin lahat." sabi niya saka bumitaw sa yakap.
He looked at me.
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.