Kabanata 14

25 4 0
                                    

Another heartfelt song attached hehe. Kindly listen to it while reading.

Nagising na lamang ako sa tunog ng mga manok. Palinga-linga pa ako sa paligid nang mapagtantong nasa bahay ako ni Kuya Zav. Nagtataka man ako kung paano ako nakarating dito, kaagad akong bumaba. Nadatnan ko roon si Kuya na mukhang abala sa laptop niya.

"Gising ka na pala, Paige!" dali-dali niyang isinara ang laptop at lumapit sa akin.

Pagtingin ko sa wall clock na nakasabit sa pader, alas dose na ng tanghali. Hindi ko maalala kung anong nangyari kagabi. Debut iyon ni Antheia, hindi ako nakadalo dahil sa lintik na himatay na ito! Naramdaman kong nanuot ang sakit sa ulo ko.

"Anong nangyari kagabi, Kuya?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ko.

"Hinimatay ka raw. Inihatid ka ni Chaos dito kagabi dahil saglit pa siyang dumalo sa debut ng kapatid niya." pagpapaliwanag niya saka ako inayang umupo sa sofa.

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko habang nananatili ang tingin ko sa sahig.

"May dadaluhang regional meeting sa Dumaguete ngayong umaga. Ang bilin niya sa akin, dalhin ka sa doktor mo paggising." sabi niya.

Tumango na lamang ako. Hindi ako makapaniwalang hinimatay na naman ako at nalagpasan ang isang importanteng parte sa buhay ni Antheia. Bahagya kong naramdaman ang pagkamiss kay Chaos. Sana ay umuwi na siya agad. Pagkatapos naming kumain ng agahan ay dumiretso na kami sa ospital. Habang nag-iintay ay binuksan ko ang cellphone ko. Ang dami kong natanggap na mensahe.

Addy:

Hoy himatay queen, nakakapag-alala na kayo ni baby boy ha! Papunta na kami ni Zael sa ospital ngayon.

Zael:

Balita ko, nahimatay ka raw sa debut ni Antheia?

Antheia:

Ate Paige, I'm worried about you :( Treat kita sa samgyup resto ko soon huhu :(

Reese:

Ate Paige, ingat palagi sabi ni John Lloyd! Drink your water sabi ni Mimiyuh!

Chaos:

Baby, sayang I can't take you to Dumaguete. Please rest well. Pay a visit to your doctor. I'll come back tomorrow night.

The others were messages from the rest of the Agramonte family. Sobrang saya ko maramdaman ang kanilang pag-aalala sa akin. Tinawagan ko ulit si Mama. Nakakaramdam na ako ng tampo kay Mama dahil hindi siya nagpaparamdam sa akin. Puwera na lang kung ako ang mauuna.

"Hello, Ma?"

"Anak!"

"Kamusta ka diyan? Baka sa paglabas ng baby ko, Ma, wala ka pa rin?"

"Andiyan na ako sa panganganak mo, anak, pangako."

Ibinaba na naman niya. Hindi na ako mapakali. Hindi na rin ako makapag-intay na pumunta ng Bohol kapag ayos na ang lahat.

"Ms. Suarez?" tumayo na kami at pumasok sa loob.

"Paige, iba yata ang kasama mo ngayon?" may halong pagtataka sa tono ni Doktora habang inaayos niya ang salamin niya.

Pinigilan ko ang ngiti ko. Parehas na parehas sila ni Andres kung paano mag-ayos ng salamin, e.

"Kapatid ko po iyan, Doktora."

Ilang evaluation tests ang ginawa sa akin bago pa man matapos.

"Hija, don't stress yourself too much by thinking." payo ni Dr. Abelardo at hinawakan ang mga kamay ko. "Bilang graduate din naman ako ng Psychology noong araw, I suggest na ipahinga mo muna ang pag-iisip mo."

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon