Wakas

50 2 0
                                    

Glances by Sabu is their wedding song, everyone (Youtube link above). Ang huling kabanatang ito ay point of view ng ating minamahal na si Artemis Chaos Agramonte.

---

Chaos

"Mom, how many times do I have to tell you that I don't want to continue my medical school yet?!" padabog kong sabi habang nanatiling mariin ang mga tingin ko kay Mommy.

"What the hell is your deal right now, Chaos?! Noon, gustong-gusto mong maka-graduate sa La Salle! Ngayong naka-graduate ka na ng MedTech at itutuloy na sa Amerika, aayaw ka?!" nakita kong hinilot niya ang sentido niya.

"Not just now. Give me a year to rest, please." huminahon na ang aking pagsasalita.

"A rest, really?! Or just to investigate for my sister's death?"

"I won't go there until justice is served! I won't go there until I clear Paige's name! I can't let her live that way!" tumaas na ang boses ko.

Wala akong ideya kung bakit tutol na tutol si Mommy sa pag-iimbestiga ko sa nangyari. Nalilito na rin ako sa kadahilanang kapatid naman niya ang nakasalalay dito.

"Paige again? Before you enter La Salle for college, Paige. Before you enter medical school, Paige. What the fuck!" tuluyan nang tumayo sa pagkakaupo si Mommy mula sa kanyang swivel chair.

"What's your deal that you can't even agree with my investigation?"

I lost all my control. Tila ba nanigas siya nang marinig iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibagsak ang pinto ng opisina niya pagkalabas ko. Patuloy akong naglakad papuntang parking lot. Pagkasakay ko sa aking Lamborghini Aventador, nasapo ko ang ulo ko sa manibela. I feel so exhausted right now.

Totoong naka-graduate ako sa La Salle nang may mataas na honor. Marami rin akong karangalang nakuha dahil isa rin akong marangal na student-athlete. Ito ay isa sa mga dahilan jung bakit gustong-gusto ni Mommy na ituloy ko kaagad ang medical school sa Amerika. Sa totoo lang, hindi ko kayang iwanan ang nasimulan ko na.

I already started investigating this crime months after what happened. Ilang buwan na ring napagbintangan si Paige bilang ang pumatay kay Tita Erianna. The media seemed to accept the fake truth already but that's not my case. I just fucking can't. Buti na lamang at andyan ang pinsan kong si Andres upang tumulong.

Gusto ko talagang matunton kung sino ang tunay na pumatay kay Tita Erianna. Bahala na kung ilang taon pa bago ako maging isang ganap na doktor. Marami pang taong lilipas para sa akin.

Pero kay Paige? Hindi ko kayang hayaang maging imperyno ang mga lilipas na taon sa buhay niya. Sigurado akong naging mahirap sa kanya ang mga pangyayaring ito. Sa mura niyang edad, labis na sakit ang resulta nito sa kanya. This is too much for her.

Even at this moment, I still remember how severely broken she was that night.

Bumalik ang senaryo sa gabing nadatnang patay si Tita Erianna sa storage room.

Pinaliligiran ng maraming tao ang direksyon papunta roon. Pilit kong isiniksik ang aking sarili at nakita roon ang nakilala kong babaeng nagtatangkang uminom kanina. Kanina, napakadisente pa ng hitsura niya. Tunay na hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nakasalampak siya sa sahig habang umiiyak. Ang buhok niya ay hindi na rin mahitsurahan. Mas lalo pa akong nagulantang nang makita si Tita na nakahandusay ang katawan sa sahig.

"H-hindi ako." paulit-ulit na sambit ng babaeng iyon sa kabila ng pagbabato ng mga tao ng masasakit na salita sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maskara ng aming pamilya. Sa kabila ng kaisipang nasa madilim na parte ito, kilalang-kilala ko pa rin ang maskarang ito. Sigurado akong kaparehas ito ng maskarang suot ko kanina habang sumasayaw.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon