"Excited na po ako!" ngumiti nang matamis si Theus sa aming tatlo.
Ngayon ang araw na una siyang papasok sa eskuwela. Maaga namin siyang inihatid dahil ito ang unang araw niya. Pagkatapos nito ay dumiretso kami nina Addy at Zael para makapag-almusal. Nakalipas na ang tatlong linggo simula noong bumalik kami rito sa Maynila. Naging abala rin ako noong mga nakaraang linggo sa paghahanda sa board exams ko. Siguradong marami kaming dapat mapagkwentuhan.
"Tropa ko pala ang papatusin niya tapos ako na lang naiwang single sa atin!" reklamo ni Zael habang tinuturo-turo si Addy.
Iniangat naman ni Addy ang kubyertos niya. "Hoy, single din si Paige, 'no!"
Humagalpak kami sa tawa. Isang taon na rin kasi simula noong naging si Addy at Denver. Pati ako ay labis ding nagulat sa balitang ito. Sa pagkakaalala ko ay isa rin si Denver sa mga pinakilala ni Zael noon sa bar. Napakamot ako sa ulo ko dahil may naalala na naman ako noong araw na iyon.
"I may not have a boyfriend, but I have child." pagmamayabang ko.
"Wala akong jowa at anak pero may law school ako." pumorma ng maliit na pout ang labi ni Zael.
"Nakakaexcite naman, Atty. Buenavista!" sabay kagat ko sa cheeseburger na hawak ko.
"Nakakapagod pero para sa pangarap 'to, e." nanliit ang kanyang mga mata.
Naging mahaba ang kuwentuhan namin hanggang sa mapunta ang usapan sa isa sa mga pinakainiiwasan kong pangyayari sa buhay ko. Mahirap man sa loob ko, ngumiti ako habang pinag-uusapan namin iyon. Sa bawat pagtakas kong pag-usapan ito ay mas lalo lang hindi maghihilom ang sugat ng nakaraan ko.
"Ang dami ring nangyari pagkatapos mong umalis, Paige, e." pagsisimula ni Addy.
"Biglaan din 'yun, ha? Medyo naging mahirap din sa amin iyon pero alam naming mas mahirap para sa'yo 'yun." biglang lumungkot ang tono ng boses ni Zael.
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Para bang hindi na nagawang tumakas ng mga salitang gustong kumawala sa labi ko. Nang marinig ko iyon ay nalungkot ako. Tunay na naging mahirap din sa kanila ang biglaan naming pag-alis. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay unang beses kong mahiwalay sa kanila nang ganoon katagal.
"But the thing is, you're totally healed now, love." emosyonal na wika naman ni Addy. "We're so proud of you."
"W-what happened to Chaos and his family, anyway?" iniba ko ang usapan.
Pagkatapos naming tumungo sa Aklan, hindi ko na nabalitaan ang nangyari. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at hindi ko na piniling alamin ang bawat detalye. Ang tanging alam ko lang ay naipakulong din agad si Tita Centia ilang linggo matapos ang imbestigasyon at court trials. Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin siya.
"Are you sure you're ready to hear that?" alalang tanong naman ni Zael.
I just nodded, pretending like I already don't care about his family. Napamahal na rin kasi ako sa pamilya ni Chaos at lalong-lalo na sa kanya. Aaminin ko, sa loob ng tatlong taon, hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga taong iyon. Tatlong taon na ang nakalipas pero wala man lang pumantay sa ipinaramdam sa akin ni Chaos. Ito ay dahil hindi ko na sinubukang magmahal pa ng iba. Hindi pa ako tapos mahalin si Chaos at pakiramdam ko'y hindi na iyon matatapos.
"Actually, it's not that I'm siding anyone but Chaos did suffer, too." tumango-tango si Zael.
"Sus!" side comment ni Addy.
"No, hear me out. I'm trying to balance the tension, you know." humalukipkip si Zael. "He suffered a lot, too. Sino bang anak ang matutuwa kung malaman niyang ang ina niya ay isang mamamatay-tao? At ang tunay na maysala kung saan pinagdusahan ni Paige iyon ng ilang taon? He lost Paige, Theus, and his mother, too."
BINABASA MO ANG
Splashes of Affection
RomanceAGRAMONTE SERIES # 1 "Love is unconditional, indeed. Like the wildest bodies of water, how deep can that love risk?" Paige Michaela Suarez later discovered her ill-fated life being a Suarez and her immediate downfall with Artemis Chaos Agramonte.