Kabanata 26

19 3 0
                                    

"Are you okay, babe?" tanong ni Chaos pagkasakay namin ng kanyang sasakyan.

Bahagya niyang sinuklay ang buhok ko habang nananatili ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Napatingin ako sa malayo at napaisip din sa tanong niya. Ayos na ba talaga ako?

"Oo naman." maikli kong sagot.

Inakala kong magtatanong pa siya pero sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Kaagad naman akong nagtaka nang nag-iba ang direksyon nito. Mukhang may nais pa yatang puntahan si Chaos kaya pinabayaan ko na lamang ito. Hindi na ako umangal imbis ay umidlip na lamang.

Muli, nakita ko ang sarili ko bilang isang bata. Nakahawak sa aking kamay si Kuya Zav habang tumatakbo sa daan. Sa kabila nang kaisipang hinahabol kami ng isang aso, tawa lang kami nang tawa. Pilit niya akong hinihila dahil mas mabilis siyang tumakbo sa akin. Kumaripas kami ng takbo lalo na't naabutan na kami ng asong iyon.

Natigil ang aming pagtakbo nang mapatid ako ng isang malaking bato sa daan. Bumagsak ako sa kalsada habang nagulantang naman si Kuya Zav sa nangyari. Pagtingin namin sa direksyon ng aso kanina, napansin naming wala na roon. Lumuhod si Kuya Zav sa aking lebel upang tingnan ang sugat ko sa tuhod. Medyo malaki ito dahil narating na namin ang kalsadang hindi pa kongkreto.

"S-sorry, Paige!" pag-aalala ni Kuya Zav.

Halos matakpan ng sugat ang buong kaliwang tuhod ko kaya binuhat ako ni Kuya Zav sa kanyang likod. Nang makarating kami sa bahay ay nakita kong papalapit na sa amin si Miss Erianna. Her bloodshot eyes were really evident.

"Zavier!" sigaw niya. "A-anong nangyari sa tuhod niya?!"

"M-mama, nadapa po siya. Sorry po." marahan akong ibinaba ni Kuya Zav.

"Manang, akin na iyong panggamot!" iritado niyang tawag sa kanilang kasambahay.

Ilang minuto ay lumapit ang kasambahay dala-dala ang first aid kit. Sinundan namin ni Kuya si Miss Erianna na ngayon ay papunta sa wooden chair. Umupo siya roon at inilabas ang mga kailangang gamitin.

"Get inside your room, Zavier!" padabog niyang utos sa anak.

Naiwan akong mag-isa kasama siya. Labis na takot ang nararamdaman ko dahil hindi naman ako sanay ng ganito. Palaging si Mama ang gumagamot sa mga sugat ko. Dahan-dahan niya lamang idinampi ang gamot sa sugat ko. Habang ginagawa niya iyon, hindi ko namalayang napatitig pala ako sa kanya.

"What are you looking at?" masungit niyang tanong.

Iniligpit na niya ang first aid kit matapos akong gamutin.

"Lagot talaga ang Zavier na iyan sa akin!"

"T-t-thank you po, Miss." ngumiti ako sa kanya.

Hindi na niya ako sinagot at tuluyan na akong nilayasan. Naiwan akong mag-isang nakaupo habang nakatitig sa kawalan.

"Baby, gising na..." nagising ako nang maramdaman ang hininga ni Chaos sa tainga ko.

Damn, that was sexy.

Pagmulat ko sa aking mga mata, namalayan kong nasa parking lot kami. Hindi ko nga lang mawari kung saan ito.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang hinuhubad ko ang denim jacket ko.

Ang tanging suot ko na lamang ay itim na bandage crop top at high waist pants. Nang sumulyap ako kay Chaos, nagulat ako sa kanyang pagkakatitig sa akin. Agad kong hinampas sa kanya ang denim jacket.

"Damn, babe. You're so...fine." kinagat niya pa ang labi niya pagkasabi niya rito.

Hindi niya nasagot kung nasaan nga ba talaga kami. Sa huli ay napagtanto ko ring nasa isa kaming mall. Habang naglalakad, ipinagsalikop niya ang aming mga kamay.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon