Kabanata 11

25 4 0
                                    

"Ang aga pa para rito!" sabay turo ko sa mga paper bag na nasa harap ko.

Kasalukuyang punong-puno ng mga gamit ng sanggol ang sala habang si Addy at Zael naman ay nakatayo rin sa harap ko.

"We kinda hati hati!" sabi ni Addy. "Ako sa baby girl stuff, si Zael sa baby boy stuff."

Nanliit ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Hindi ko inasahang pagkakagastusan nila ang anak ko nang ganito. Ang mas malala pa, ni hindi pa nga naipapanganak ang baby ko at hindi pa alam kung babae o lalaki. Baka manganak ako nito nang wala sa oras, e!

"Next week ko na malalaman kung babae o lalaki ba 'to! Nakakahiya sa inyo!" nasapo ko ang ulo ko at naglakad-lakad sa harap nila. "Anong gagawin ko riyan kung hindi magagamit ang isa?"

"U-u-hm..." kinamot ni Zael ang baba niya. "Edi sa next baby na lang?"

Binato ko siya ng pulang round pillow na hawak ko. Nanghinayang ako sa napakaraming gamit sa harap ko. Wala na akong choice kundi ang magpasalamat na lang.

Apat na buwan at kalahati na akong buntis ngayon. Kita na rin sa kurba ng aking katawan ang pagiging buntis ko. Pansamantala rin muna akong ipinatigil ni Chaos sa pag-aaral dahil naging maselan ang pagbubuntis ko. Kahit ganoon ay ipinangako naman niyang pagkatapos kong manganak, makakabalik na ako sa pag-aaral. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Pagkatapos nilang umalis sa bahay ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Chaos.

Chaos:

I'll pick you up at three. We'll pay a visit to Tita Marissa before we go to our family gathering.

Pagtingin ko sa relo ko ay alas dose na ng hapon. Dali-dali akong naligo at sinuot ang longsleeves maternity dress ko. Hindi ako sanay sa ganitong fashion sense pero para sa anak ko, g lang!

Habang naliligo ay maraming naglalaro sa isipan ko. Mamayang gabi ay pormal na akong ipakikilala ni Chaos sa angkan ng mga Agramonte. According to him, it will be a grand family reunion. Ngayon pa lamang ay ginatungan na ako ng labis na kaba.

He was indeed on time. Paglabas ko ng gate, nakasandal siya sa Porsche convertible niya. Everything looks good on him. Right now, he's wearing red polo and his usual office pants. He opened the car door for me.

Umikot na siya sa kabila at sumakay. Nang mapansin niyang hindi ako komportable sa puwesto ko, tinawag niya ako.

"Do you want to move into another car?" tanong niya.

Umiling ako. Hindi ako komportable sa damit na suot ko! Napakainit!

I was prepared for the ultrasound the moment we reached the hospital. Nang iginigiya ni Dr. Abelardo ang makinang ginagamit sa tyan ko habang ako ay nakahiga, itinuro niya ang screen sa akin. What I saw there was my little angel. Hindi pa masyadong nakikita ang kabuuan niya pero ang eksistensya niya ay naroroon.

"Anong gender ng anak ko, Tita?" tanong ni Chaos habang nakahawak sa kamay ko.

"It's..." naputol pa iyon dahil sinigurado niya pa ito. "A boy!"

Napangiti nang napakalaki si Chaos at tumingin sa akin. I did nothing but also to smile as well. Habang nasa biyahe papunta sa salon na tinutukoy ni Chaos, kaagad kong tinawagan si Mama.

"Lalaki ba o babae?"

Kaagad akong nagtaka sa unang tinanong ni Mama. Hindi ko naman sinabi sa kanyang ngayon ko malalaman ang kasarian ng anak ko.

Splashes of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon